18/09/2026
TONDO, MANILA — Sa gitna ng araw-araw na panenerbisyo at pagbabantay sa lansangan, isang simpleng gawa ng katapatan ang muling nagpaalala na may mga taong pinipiling gumawa ng tama—kahit walang nakakakita.
Bandang 9:30 ng umaga, Setyembre 17, 2026, sa Delpan Bridge, Tondo, Manila, isang nawawalang wallet ang matagumpay na naibalik sa tunay nitong may-ari.
Kasagsagan ng Anti Crimin@lity Patrolling ng PNP Highway Patrol Group --Manila District Highway Patrol Team, Sa halip na balewalain ang napulot na gamit, agad silang kumilos at inasikaso kung saan isinagawa ang nararapat na hakbang upang matunton ang may-ari. Sa huli, matagumpay na naispli sa mayari ang wallet na naglalaman ng kanyang mahalagang gamit kabilang ang pera, identification at atm cards.
Maaaring maliit na bagay lamang para sa iba ang isang wallet, ngunit para sa may-ari nito, malaking ginhawa ang muling pagkakabalik nito.
Lubos ang pasasalamat ng may-ari ng wallet dahil sa tunay ngang Mabilis, Tapat at nadaramang Serbisyo ng HPG Manila.
Isang wallet ang nawala. Isang magandang halimbawa ng katapatan ang natagpuan.
👏 GOOD DEEDS: Sa bawat tamang gawa, may tiwalang naibabalik. Sa bawat katapatan, may kabutihang naipapasa.
Serbisyo, Integridad, at Malasakit—kahit sa simpleng paraan, ramdam ang tunay na serbisyo publiko.
Mabuhay HPG Manila!