Cagayan Valley Medical Center - CVMC

Website

Cagayan Valley Medical Center - CVMC π“π‘πž 𝐨𝐟𝐟𝐒𝐜𝐒𝐚π₯ π…πšπœπžπ›π¨π¨π€ 𝐩𝐚𝐠𝐞 𝐨𝐟 π‚πšπ πšπ²πšπ§ π•πšπ₯π₯𝐞𝐲 𝐌𝐞𝐝𝐒𝐜𝐚π₯ π‚πžπ§π­πžπ« (π‚π•πŒπ‚), 𝐚 π‹πžπ―πžπ₯ πŸ‘ πƒπŽπ‡ 𝐑𝐨𝐬𝐩𝐒𝐭𝐚π₯ 𝐒𝐧 π‘πžπ π’π¨π§ 𝟎𝟐.

Sa pagsara ng  , at sa pag-uwi sa kani-kaniyang komunidad, huwag nating isantabi ang kalusugan habang inaalala ang ating...
03/11/2026

Sa pagsara ng , at sa pag-uwi sa kani-kaniyang komunidad, huwag nating isantabi ang kalusugan habang inaalala ang ating mga yumao.

Kapag may ubo, sipon, lagnat o iba pang sintomas, huwag itong tiisin at huwag mag-self-medicate. Bumisita sa inyong YAKAP Clinic at maging maagap sa pagkonsulta sa doktor.

Magtanong sa health center upang masigurong updated ang inyong bakuna laban sa trangkaso at iba pang sakit. Isang paalala mula sa Kagawaran ng Kalusugan at ng Cagayan Valley Medical Center.

π–π€π’π“πŽππ† ππ€π†π“π€ππŽπ 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐒𝐔𝐑𝐀, ππ‘πŽπ“π„πŠπ’π˜πŽπ 𝐍𝐆 ππ€πŒπˆπ‹π˜π€!Matapos ang ating pag-alala at pagbisita sa ating mga yumaong mahal sa...
03/11/2026

π–π€π’π“πŽππ† ππ€π†π“π€ππŽπ 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐒𝐔𝐑𝐀, ππ‘πŽπ“π„πŠπ’π˜πŽπ 𝐍𝐆 ππ€πŒπˆπ‹π˜π€!

Matapos ang ating pag-alala at pagbisita sa ating mga yumaong mahal sa buhay noong Undas, tiyakin natin na manatiling malinis at ligtas ang ating mga sementeryo at komunidad!

Ang mga nakatambak na basura ay maaaring maging pamahayan ng mga peste tulad ng lamok, langaw, daga, at ipis na maaaring nagdadala ng mga nakahahawang sakit.

Sundin ang wastong waste segregation upang maiwasan ang sakit at mapanatiling protektado ang kalusugan ng pamilya.

ππ€ππ€π“πˆπ‹πˆπ‡πˆππ† π‹πˆπ†π“π€π’ 𝐀𝐍𝐆 πŠπ€π“π€π–π€π ππ†π€π˜πŽππ†  !Maiiwasan ang pagkalat ng mikrobyo at sakit sa pamilya sa simpleng pagligo at ...
03/11/2026

ππ€ππ€π“πˆπ‹πˆπ‡πˆππ† π‹πˆπ†π“π€π’ 𝐀𝐍𝐆 πŠπ€π“π€π–π€π ππ†π€π˜πŽππ† !

Maiiwasan ang pagkalat ng mikrobyo at sakit sa pamilya sa simpleng pagligo at pagpapalit ng damit pag-uwi sa bahay. Ngayong Undas, ipagpatuloy nating payapa at ligtas Undas upang protektado ang kalusugan ng ating mga pamilya.

Isang paalala mula sa Kagawaran ng Kalusugan at ng Cagayan Valley Medical Center.

πŠπ€π‹π”π’π”π†π€π 𝐀𝐓 ππ”π“π‘πˆπ’π˜πŽπ 𝐍𝐆 ππ€πŒπˆπ‹π˜π€, π”ππ€π‡πˆπ ππ†π€π˜πŽππ† ππ€ππ€π‡πŽπ 𝐍𝐆 𝐄𝐋 ππˆπΜƒπŽ!Sa kabila ng mga pagbabago at hamon na dala ng El ...
01/11/2026

πŠπ€π‹π”π’π”π†π€π 𝐀𝐓 ππ”π“π‘πˆπ’π˜πŽπ 𝐍𝐆 ππ€πŒπˆπ‹π˜π€, π”ππ€π‡πˆπ ππ†π€π˜πŽππ† ππ€ππ€π‡πŽπ 𝐍𝐆 𝐄𝐋 ππˆπΜƒπŽ!

Sa kabila ng mga pagbabago at hamon na dala ng El NiΓ±o, maipapadama natin ang pagmamahal sa ating pamilya sa pamamagitan ng pagpapanatili ng sapat at masustansyang pagkain sa hapag-kainan.

Sama-sama nating pangalagaan ang paglaki ng ating mga chikiting at siguraduhing ligtas ang buong pamilya laban sa anumang banta sa kalusugan.

Maging alerto at magtulungan tayo para sa isang malusog na pamayanan!

Huwag kalimutan ngayong  , piliin natin ang lugar ng pagtitipon upang manatiling ligtas ang pamilya laban sa ubo, sipon,...
01/11/2026

Huwag kalimutan ngayong , piliin natin ang lugar ng pagtitipon upang manatiling ligtas ang pamilya laban sa ubo, sipon, at lagnat.

Magtipon sa bukas, mahangin, at maaliwalas na lugar, gaya ng tolda o lilim ng puno, at iwasang magtagal sa saradong musoleyo o masikip na silid.

Makatutulong ang magandang daloy ng hangin para mabawasan ang panganib ng pagkalat ng sakit. Tiyakin ding updated ang bakuna ng buong pamilya laban sa trangkaso at iba pang sakit. Isang paalala mula sa Kagawaran ng Kalusugan at ng Cagayan Valley Medical Center.

π‹πˆπ†π“π€π’ 𝐍𝐀 ππ€π†πŠπ€πˆπ, πŒπ€π‹π”π’πŽπ† 𝐍𝐀 ππ€πŒπˆπ‹π˜π€!Ang ligtas na pagkain ay mahalaga sa pagpapanatili ng kalusugan ng buong pamilya. ...
01/11/2026

π‹πˆπ†π“π€π’ 𝐍𝐀 ππ€π†πŠπ€πˆπ, πŒπ€π‹π”π’πŽπ† 𝐍𝐀 ππ€πŒπˆπ‹π˜π€!

Ang ligtas na pagkain ay mahalaga sa pagpapanatili ng kalusugan ng buong pamilya. Sa tamang pagpili, paghahanda, at pag-iimbak ng pagkain, makatutulong tayong maiwasan ang mga sakit na dulot ng kontaminasyon.
Ngayong darating na Undas, kung maghahanda o magbabaon ng pagkain para sa pamilya, isama sa paghahanda ang mga paraan upang mapanatili itong ligtas kainin. Tandaan, ang pag-iingat sa pagkain ay dapat isinasagawa araw-araw, saanman at kailanman!

βœ… Panatilihing malinis ang pagkain at kagamitan! Kung magdadala ng pagkain sa sementeryo, gumamit ng malinis at may takip na lalagyan upang maprotektahan ang pagkain mula sa alikabok at insekto. Magbaon din ng tubig at sabon o hand sanitizer para sa paglilinis ng kamay bago kumain.

βœ… Ihiwalay ang hilaw sa lutong pagkain! Kung may dalang iba't ibang sangkap o putahe, gumamit ng magkakahiwalay na lalagyan upang maiwasan ang pagtagas at paglipat ng mikrobyo sa pagkaing handa nang kainin.

βœ… Lutuin nang mabuti ang pagkain! Bago bumiyahe, tiyaking luto nang husto ang mga pagkaing ihahanda. Planuhin din kung paano mapananatili ang tamang temperatura ng mga ito habang nasa sementeryo, lalo na kung matagal ang biyahe o paghihintay bago kumain.

βœ… Itabi nang wasto ang pagkain! Dahil mainit ang panahon, gumamit ng insulated bag na may ice pack para sa mga pagkaing kailangang panatilihing malamig. Huwag iwan ang mga pagkaing madaling mapanis sa init nang mahigit dalawang oras, o isang oras kung lampas 32Β°C ang temperatura. Iwasang kainin ang pagkaing hindi napanatili sa ligtas na temperatura, kahit mukhang maayos pa ito.

Tandaan, ang ligtas na pagkain ay mahalaga araw-araw. Sa kaunting paghahanda at pag-iingat, masisiguro nating ligtas ang pagkaing pagsasaluhan ng pamilya ngayong Undas at sa bawat araw!

Bago umuwi sa probinsya o dumalaw sa sementeryo, siguraduhing handa ang sasakyan at ang bumibiyahe. πŸš—I-check ang  : Batt...
01/11/2026

Bago umuwi sa probinsya o dumalaw sa sementeryo, siguraduhing handa ang sasakyan at ang bumibiyahe. πŸš—

I-check ang : Battery, Light, Oil, Water, Brakes, Air, Gas, Self, Engine, at Tools. Gawing KERI ang ligtas na biyahe sa tamang paghahanda!

Isang paalala mula sa Kagawaran ng Kalusugan at ng Cagayan Valley Medical Center.

ππ€ππ€π“πˆπ‹πˆπ‡πˆπ 𝐀𝐍𝐆 πŠπ€π‹πˆππˆπ’π€π 𝐒𝐀 πŒπ†π€ π’π„πŒπ„ππ“π„π‘π˜πŽ ππ†π€π˜πŽππ† 𝐔𝐍𝐃𝐀𝐒!Bukod sa pag-alala sa ating mga pumanaw na mahal sa buhay, sig...
01/11/2026

ππ€ππ€π“πˆπ‹πˆπ‡πˆπ 𝐀𝐍𝐆 πŠπ€π‹πˆππˆπ’π€π 𝐒𝐀 πŒπ†π€ π’π„πŒπ„ππ“π„π‘π˜πŽ ππ†π€π˜πŽππ† 𝐔𝐍𝐃𝐀𝐒!

Bukod sa pag-alala sa ating mga pumanaw na mahal sa buhay, siguraduhin din nating ligtas at malinis ang ating kapaligiran.

Ang basurang iniiwan sa mga sementeryo ay maaaring maging pamugaran ng mga lamok na nagdudulot ng dengue at iba pang sakit! Kaya sa pagbisita natin sa mga sementeryo ngayong November 1, magbaon ng sariling trash bag at dalhin ang sariling basura at itapon ito sa tamang basurahan.

Ipakita natin ang ating pagmamahal at respeto sa pamamagitan ng pagiging responsable sa ating kapaligiran.

01/11/2026

TUNE IN NOW | Dr. Mariz Kayl Reyes, Medical Officer III, and Dr. Jamaica Ramos, Medical Officer III, from the Department of Internal Medicine, for their guest appearance on the Doctor Bombo Segment of Bombo Radyo Tuguegarao, as they talk about Lung Cancer Awareness.

Don't miss out! πŸ”ŠπŸ”Š

As we move into a new month, remind yourself that you don’t have figured it all out at once. It’s okay to slow down, tak...
01/11/2026

As we move into a new month, remind yourself that you don’t have figured it all out at once. It’s okay to slow down, take a deep breath and give yourself room to rest before taking your next step.

Remember that progress is not always doing more. Sometimes, it means listening to yourself, valuing your needs, and letting life unfold one moment at a time.

The most meaningful thing you can do is pause and simply be present.

If you or someone you know needs someone who listens, don’t hesitate to connect with us:
0967 125 7906 (GLOBE)
0929 646 2625 (SMART)
πŸ’¬ m.me/cvmc.crisis

Address

Tuguegarao City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cagayan Valley Medical Center - CVMC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share