902nd Infantry Fight & Serve Brigade

Call Contact the organization

902nd Infantry Fight & Serve Brigade The Official page of 902nd Infantry (Fight and Serve) Brigade, Philippine Army

04/10/2026

โ€œISANG PUNLA, ISANG PAGKAKAISA, ISANG KINABUKASAN.โ€






๐Ÿ—๐ŸŽ๐Ÿ๐๐ƒ๐„ ๐๐ˆ๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐‹๐€๐ ๐๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐๐„๐’๐“ ๐๐‘๐ˆ๐†๐€๐ƒ๐„ ๐ˆ๐ ๐€๐‘๐Œ๐˜ ๐’๐”๐๐๐Ž๐‘๐“ ๐Ž๐๐„๐‘๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐’ ๐‚๐˜ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”LABO, CAMARINES NORTE โ€” Kinilala ang 902nd Inf...
03/10/2026

๐Ÿ—๐ŸŽ๐Ÿ๐๐ƒ๐„ ๐๐ˆ๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐‹๐€๐ ๐๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐๐„๐’๐“ ๐๐‘๐ˆ๐†๐€๐ƒ๐„ ๐ˆ๐ ๐€๐‘๐Œ๐˜ ๐’๐”๐๐๐Ž๐‘๐“ ๐Ž๐๐„๐‘๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐’ ๐‚๐˜ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

LABO, CAMARINES NORTE โ€” Kinilala ang 902nd Infantry โ€œFight and Serveโ€ Brigade, Philippine Army, bilang Best Brigade in Army Support Operations CY 2026 sa ika-22 Founding Anniversary ng 9th Infantry (Spear) Division na ginanap sa Camp Col. Elias Angeles, Pili, Camarines Sur, noong Oktubre 1, 2026.

Iginawad nina Lt. Gen. Donald M. Gumiran PA, Commanding General, Philippine Army, at MGen. Aldwine I. Almase PA, Division Commander, 9ID, ang parangal bilang pagkilala sa mahusay na pagpapatupad ng Brigade ng mga Army Support Operations bilang suporta sa kabuuang misyon at operasyon ng yunit.

Sa ilalim ng pamumuno ni BGen. Manuel Darius M. Resuello PA, patuloy na pinatitibay ng Brigade ang kahandaan at kakayahan ng mga yunit nito sa pamamagitan ng maagap at epektibong pagbibigay ng kinakailangang suporta upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagpapatupad ng mga operasyon at pagtupad sa misyon ng 9ID at ng Philippine Army.









02/10/2026
๐Ÿ—๐ŸŽ๐Ÿ๐๐ƒ๐„, ๐๐€๐†๐๐ˆ๐†๐€๐˜-๐๐”๐†๐€๐˜ ๐’๐€ ๐๐€๐Œ๐€๐๐€ ๐๐ˆ ๐–๐„๐๐‚๐„๐’๐‹๐€๐Ž ๐. ๐•๐ˆ๐๐™๐Ž๐๐’LABO, CAMARINES NORTE โ€” Nakibahagi ang 902nd Infantry โ€œFight and...
01/10/2026

๐Ÿ—๐ŸŽ๐Ÿ๐๐ƒ๐„, ๐๐€๐†๐๐ˆ๐†๐€๐˜-๐๐”๐†๐€๐˜ ๐’๐€ ๐๐€๐Œ๐€๐๐€ ๐๐ˆ ๐–๐„๐๐‚๐„๐’๐‹๐€๐Ž ๐. ๐•๐ˆ๐๐™๐Ž๐๐’

LABO, CAMARINES NORTE โ€” Nakibahagi ang 902nd Infantry โ€œFight and Serveโ€ Brigade, kasama ang mga Operationally Controlled Units (OPCON) nitong 93rd Division Reconnaissance Company (93DRC) at 2nd Civil-Military Operations Company (2CMOC), sa Wreath-Laying Ceremony at 21-Gun Salute bilang pag-alala sa ika-116 na anibersaryo ng kapanganakan ni Wenceslao Q. Vinzons noong 28 Setyembre 2026 sa Provincial Capitol, Daet, Camarines Norte.

Pinangunahan ni 1Lt John Paul G. Matias (Inf) PA, Commanding Officer ng 93DRC, ang delegasyon ng Brigade sa nasabing aktibidad bilang pagkilala sa kabayanihan at makasaysayang ambag ni Vinzons sa lalawigan at sa bansa.

Si Vinzons ay nagsilbi bilang abogado, delegado sa 1934 Constitutional Convention, Gobernador ng Camarines Norte, at kinatawan sa Kongreso. Sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nag-organisa siya ng Citizen Army at nakipaglaban sa mga puwersang Hapones sa Lanton, San Lorenzo, at Tigbinan, Labo, Camarines Norte noong Disyembre 1941.

Ang kanyang buhay ay sumasalamin sa katapangan, paninindigan, pagmamahal sa bayan, at dedikasyon sa paglilingkodโ€”mga katangiang patuloy na nagbibigay-kabuluhan sa paggunita sa kanyang pamana.

Para sa 902Bde, ang pagbibigay-pugay kay Vinzons ay hindi lamang pagbabalik-tanaw sa nakaraan, kundi pagkilala sa kanyang mga makabayang prinsipyo na nagsisilbing inspirasyon sa bawat henerasyon ng mga lingkod-bayan.

Sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga makabuluhang aktibidad na ito, patuloy na ipinapakita ng 902Bde ang pagpapahalaga sa mga lokal na bayani, pakikipag-ugnayan sa komunidad, at sama-samang pagsusulong ng kapayapaan at pagkakaisa.

Ang alaala ay nananatili, at ang diwa ng paglilingkod ay nagpapatuloy.

01/10/2026

BABALA SA MGA KABATAAN
Huwag basta magpapadala sa mga ideolohiyang gumagamit ng tunay na problema sa lipunan upang hikayatin ang kabataan na sumama sa armadong pakikibaka. Matutong magsuri, magtanong, at alamin ang buong konteksto bago maniwala o sumunod sa anumang grupo.
Ang mga isyu tulad ng kahirapan, kawalan ng trabaho, kawalan ng katarungan, at hindi pagkakapantay-pantay ay totoong problema at dapat nating harapin. Ngunit hindi ibig sabihin na kailangan nating suportahan ang karahasan o anumang armadong kilusan bilang solusyon.
Huwag magpaloko. Huwag hayaang gamitin ang inyong galit at mga hinaing para manipulahin kayo. Protektahan ang inyong kinabukasan, mag-isip nang kritikal, at piliin ang mapayapang paraan ng pakikilahok sa pagbabago.
Kabataan, maging mapanuri. Huwag basta maniwala. Huwag sumali sa armadong pakikibaka.

๐Ÿฐ๐Ÿฎ๐—œ๐—•, ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ฆ๐—ง๐—”. ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—ก๐—”, ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜€ ๐—ก๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฒ โ€” Nagsagawa ang 42nd Infantry "Tagapagtanggol" Battalion ...
01/10/2026

๐Ÿฐ๐Ÿฎ๐—œ๐—•, ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป
๐—ฆ๐—ง๐—”. ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—ก๐—”, ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜€ ๐—ก๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฒ โ€” Nagsagawa ang 42nd Infantry "Tagapagtanggol" Battalion ng information awareness campaign noong Setyembre 27, 2026, sa Bulala Covered Court dito, bilang bahagi ng Linggo ng Kabataan.
Tinalakay sa aktibidad ang mga usaping may kaugnayan sa kapayapaan, seguridad at responsableng pakikilahok ng kabataan sa kanilang komunidad.
Nakatuon ang talakayan sa kahalagahan ng nasyonalismo, edukasyon at disiplina, gayundin sa pag-iwas sa maling impormasyon, mapanlinlang na recruitment at ideolohiyang maaaring magdulot ng panganib sa kabataan. Binigyang-diin din ang pagiging mapanuri sa mga impormasyong nakukuha sa komunidad at digital platforms, pati ang aktibong pakikilahok ng kabataan sa pagpapanatili ng kaayusan at pagtataguyod ng kaunlaran sa kanilang mga pamayanan.


๐‹๐‘๐‘, ๐’๐Ž๐‚๐Ž๐Œ ๐’๐“๐‘๐„๐๐†๐“๐‡๐„๐๐’ ๐„๐๐†๐€๐†๐„๐Œ๐„๐๐“ ๐“๐‡๐‘๐Ž๐”๐†๐‡ ๐‚๐Ž๐”๐‘๐“๐„๐’๐˜ ๐‚๐€๐‹๐‹ ๐€๐๐ƒ ๐ˆ๐๐…๐Ž๐‘๐Œ๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐ƒ๐‘๐ˆ๐•๐„Labo, Camarines Norte โ€” Bilang bahagi ng pa...
30/09/2026

๐‹๐‘๐‘, ๐’๐Ž๐‚๐Ž๐Œ ๐’๐“๐‘๐„๐๐†๐“๐‡๐„๐๐’ ๐„๐๐†๐€๐†๐„๐Œ๐„๐๐“ ๐“๐‡๐‘๐Ž๐”๐†๐‡ ๐‚๐Ž๐”๐‘๐“๐„๐’๐˜ ๐‚๐€๐‹๐‹ ๐€๐๐ƒ ๐ˆ๐๐…๐Ž๐‘๐Œ๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐ƒ๐‘๐ˆ๐•๐„

Labo, Camarines Norte โ€” Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng ugnayan at koordinasyon sa Philippine Army, isinagawa ni COL ACHILLES A DELA CRUZ MNSA (INF) PA, Deputy Regiment Commander ng Light Reaction Regiment (LRR), Special Operations Command (SOCOM), Philippine Army, ang courtesy call kay BGEN MANUEL DARIUS M RESUELLO PA, Brigade Commander.

Naging pagkakataon ang pagbisita upang mapagtibay ang professional engagement, mapalalim ang mutual understanding, at mapalawak ang koordinasyon sa pagitan ng mga yunit.

Kasabay nito, isinagawa rin ang information drive para sa mga personnel ng 902nd Infantry Brigade, kabilang ang mga kinatawan mula sa mga OpCon units nito, ang 93rd DRC at 2nd CMO Company. Layunin nitong magbigay ng mas malinaw na kaalaman tungkol sa LRR, SOCOMโ€”kabilang ang mandato, tungkulin, oportunidad, kwalipikasyon, at proseso para sa mga personnel na nagnanais na maging bahagi ng specialized unit.

Sa kanyang mensahe, biniyang-diin ni BGen Resuello ang kahalagahan ng patuloy na paghubog sa kakayahan, disiplina, at propesyonalismo ng bawat sundalo. Hinikayat din niya ang mga personnel na samantalahin ang mga oportunidad para sa kanilang personal at propesyonal na pag-unlad, habang nananatiling nakatuon sa higit na mahalagang layuninโ€”ang mahusay, marangal, at tapat na paglilingkod sa bayan.

Binigyang-diin naman ni Col Dela Cruz na ang pagiging bahagi ng isang specialized unit ay nangangailangan ng dedikasyon, kahandaan, disiplina, at patuloy na pagpapaunlad ng kakayahan.

Higit pa sa isang courtesy call, ang aktibidad ay nagsilbing tulay tungo sa mas matatag na ugnayan, mas malawak na kaalaman, at mga oportunidad para sa professional development ng mga tauhan.
Patuloy sa paghubog. Patuloy sa paglilingkod. Patuloy sa misyon.







๐‰๐๐’๐‚๐‚, ๐๐ˆ๐๐€๐“๐ˆ๐๐€๐˜ ๐€๐๐† ๐Š๐Ž๐Ž๐‘๐ƒ๐ˆ๐๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐๐„๐€๐‚๐„ ๐€๐๐ƒ ๐’๐„๐‚๐”๐‘๐ˆ๐“๐˜ ๐’๐€ ๐‚๐€๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐๐„๐’ ๐๐Ž๐‘๐“๐„LABO, CAMARINES NORTE โ€” Pinangunahan ni B...
25/09/2026

๐‰๐๐’๐‚๐‚, ๐๐ˆ๐๐€๐“๐ˆ๐๐€๐˜ ๐€๐๐† ๐Š๐Ž๐Ž๐‘๐ƒ๐ˆ๐๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐๐„๐€๐‚๐„ ๐€๐๐ƒ ๐’๐„๐‚๐”๐‘๐ˆ๐“๐˜ ๐’๐€ ๐‚๐€๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐๐„๐’ ๐๐Ž๐‘๐“๐„

LABO, CAMARINES NORTE โ€” Pinangunahan ni Brigadier General Manuel Darius M Resuello PA, Commander ng 902nd Infantry โ€œFight and Serveโ€ Brigade at Co-Chairperson ng Joint Peace and Security Coordinating Center (JPSCC), ang isinagawang pagpupulong ng JPSCC sa Camp Busig-On, Brgy. Tulay na Lupa, Labo, Camarines Norte.

Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) bilang bahagi ng patuloy na koordinasyon ng mga pangunahing security at law enforcement stakeholders sa lalawigan.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga usaping may kaugnayan sa peace, security, at public safety, gayundin ang mga hakbang upang higit pang mapahusay ang inter-agency coordination, information sharing, at synchronized response sa mga insidenteng maaaring makaapekto sa seguridad ng mga komunidad.

Binigyang-diin ni BGen Resuello ang kahalagahan ng patuloy na ugnayan at koordinasyon ng mga katuwang na ahensya, lalo na sa pagtukoy sa mga emerging security concerns at sa agarang pagtugon sa mga ito.

Sa pamamagitan ng JPSCC, pinatitibay ang mekanismo ng koordinasyon sa pagitan ng security forces at law enforcement agencies upang matiyak ang mas mabilis, maayos, at koordinadong pagtugon sa mga usaping pangkapayapaan at seguridad sa Camarines Norte.

Nagtapos ang pagpupulong sa muling pagpapatibay ng commitment ng mga dumalo na ipagpatuloy ang close coordination, information sharing, at unified efforts tungo sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa lalawigan.

Pinag-isang pwersa. Pinatibay na koordinasyon. Handa sa anumang hamon sa seguridad.








๐Ÿ—๐ŸŽ๐Ÿ๐๐ƒ๐„, ๐๐€๐†๐’๐€๐†๐€๐–๐€ ๐๐† ๐€๐„๐‘๐ˆ๐€๐‹ ๐‘๐„๐‚๐Ž๐๐๐€๐ˆ๐’๐’๐€๐๐‚๐„ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐’ ๐๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐Š๐€๐’ ๐๐€ ๐Ž๐๐„๐‘๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐Œ๐Ž๐๐ˆ๐“๐Ž๐‘๐ˆ๐๐†LABO, CAMARINES NORTE โ€” Pinang...
25/09/2026

๐Ÿ—๐ŸŽ๐Ÿ๐๐ƒ๐„, ๐๐€๐†๐’๐€๐†๐€๐–๐€ ๐๐† ๐€๐„๐‘๐ˆ๐€๐‹ ๐‘๐„๐‚๐Ž๐๐๐€๐ˆ๐’๐’๐€๐๐‚๐„ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐’ ๐๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐Š๐€๐’ ๐๐€ ๐Ž๐๐„๐‘๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐Œ๐Ž๐๐ˆ๐“๐Ž๐‘๐ˆ๐๐†

LABO, CAMARINES NORTE โ€” Pinangunahan ni Brigadier General Manuel D. M. Resuello PA, Commander, 902nd Infantry โ€œFight and Serveโ€ Brigade, ang aerial reconnaissance kasama ang mga Operational Control (OPCON) units sa mga piling lugar sa Camarines Norte, Camarines Sur, at Quezon Province, bilang bahagi ng patuloy na operational monitoring at assessment ng Brigade.

Sa Camarines Norte, isinagawa ang aerial reconnaissance sa loob ng Brigadeโ€™s Area of Operations upang masuri ang pangkalahatang terrain, accessibility, at iba pang mahahalagang operational considerations.

Samantala, sa Camarines Sur, saklaw ng aerial reconnaissance ang mga lugar sa 1st District at 2nd District, gayundin ang tatlong munisipalidad sa 3rd Districtโ€”Bato, Bula, at Balatan.

Kasama rin sa isinagawang aerial reconnaissance ang Tagkawayan, Quezon, bilang bahagi ng mas malawak na operational assessment sa mga lugar na may kaugnayan sa Area of Operations at operational responsibilities ng Brigade at mga OPCON units.

Sa pamamagitan ng aerial reconnaissance, nakakuha ang Command ng mas malawak na perspective sa aktuwal na kondisyon ng mga lugar, na nagsilbing karagdagang batayan sa situational awareness, operational planning, coordination, at command and control.

Ang aktibidad ay nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng 902Bde at mga OPCON units na mapanatili ang updated operational picture at maging maagap sa pagtukoy ng mga kinakailangang hakbang at suporta sa iba't ibang lugar na sakop ng kanilang operational responsibilities.



Address

Camp Busig-On, Tulay Na Lupa
Tulay Na Lupa
4612

Telephone

+639632219394

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 902nd Infantry Fight & Serve Brigade posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to 902nd Infantry Fight & Serve Brigade:

Share