27/08/2026
Maligayang kaarawan at Taos Pusong Pagpupugay sa aming Dalubg**o II 💕
Maligayang kaarawan Ma’am Emerita Diaz 🎉 dalangin namin ang mabuting kalusugan, kapayapaan ng isip, at masaganang biyaya para sa iyo at sa iyong pamilya. Nawa’y ang bawat araw ng iyong buhay ay mapuno ng saya, pagmamahal, at mga sandaling tunay na magpapangiti sa iyong puso. Nawa'y magkaroon ka ng mas maraming oras para sa iyong sarili, pamilya, mga mahal sa buhay, at mga bagay na matagal mo nang nais gawin.
Ang espesyal na araw na ito ay di lamang para sa iyong kaarawan pati na din ang aming pagpupugay sa matagal mong paglilingkod para sa ating mga mag-aaral.
Sa maraming dekada na iyong ginugol sa pagtuturo napakarami mong mag-aaral ang naturuan, napakaraming buhay ang iyong nahubog, at napakaraming kag**ong napamahal sa iyo. Ang iyong mga taon ng paglilingkod ay hindi lamang nasusukat sa haba ng panahon, kundi sa dami ng pusong iyong naantig, mga pangarap na iyong natulungan maabot, at mga taong iyong naging inspirasyon.
Maraming salamat sa iyong mga payo, gabay, pang-unawa, at malasakit. Sa bawat pagkakataong kailangan namin ng direksyon, nandiyan ka upang magbahagi ng iyong karanasan at karunungan. Natutuhan naming hindi lamang maging mahusay na g**o, kundi maging mas mabuting tao at kasamahan.
Hindi namin makakalimutan ang mga simpleng sandali—ang mga kuwentuhan, tawanan, payo, paalala, at maging ang mga pagkakataong sama-sama nating hinarap ang mga hamon ng ating propesyon. Ang mga alaala ng ating pagsasama ay mananatiling kayamanan na aming dadalhin saan man kami mapunta.
Sa pagreretiro mo, maaaring matapos na ang isang kabanata ng iyong paglilingkod, ngunit hinding-hindi matatapos ang epekto ng iyong kabutihan at pagmamahal sa aming mga puso. Ang iyong mga itinuro ay mananatili sa iyong mga mag-aaral, ang iyong mga payo ay patuloy na magiging gabay sa mga kag**ong iyong napamahal, at ang iyong halimbawa ay patuloy naming susundin.
🎉Happiest Birthday maam at Happy Retirement po.💕
EMERITA T. DIAZ
Master Teacher II
(Matias Villa Elementary School formerly Calangcang ES)