Brgy.Janosa 0fficial Page

  • Home
  • Brgy.Janosa 0fficial Page
Call

Brgy.Janosa 0fficial Page JANOSA BINANGONAN RIZAL

UPDATE: Operation Linis Kanal 🧹Patuloy ang ating pamahalaan at mga miyembro ng barangay sa paglilinis ng ating mga kanal...
18/10/2026

UPDATE: Operation Linis Kanal 🧹

Patuloy ang ating pamahalaan at mga miyembro ng barangay sa paglilinis ng ating mga kanal at estero para maiwasan ang pagbaha at panatilihing ligtas at malinis ang ating komunidad.

💡 Paalala sa lahat: Ang malinis na barangay ay nagmumula sa disiplina ng bawat isa. Iwasan po natin ang pagtatapon ng basura sa ating mga daluyan ng tubig!

Maraming salamat sa ating mga barangay workers, volunteers, at mga residente na nakiisa ngayon! 🙌🏼

SITE INSPECTION PARA SA WATER SYSTEM 2 PROJECT, ISINAGAWA!Ginanap ngayong araw ang site inspection ng Provincial Enginee...
16/10/2026

SITE INSPECTION PARA SA WATER SYSTEM 2 PROJECT, ISINAGAWA!

Ginanap ngayong araw ang site inspection ng Provincial Engineering Office sa Itaas Floodway Purok 2, para sa pagtatayuan ng pangalawang Water System (Tangke).

Ang layunin ng mahalagang proyektong ito ay upang matugunan at masolusyunan ang suliranin o kakulangan sa supply ng tubig (NAWASA) sa ating barangay.

Ang Sangguniang Barangay, sa pangunguna ng ating butihing Kapitan Geronimo G. Mendoza, at ng kanyang mga Kagawad, ay patuloy na gumagawa ng hakbang at nakikipag-ugnayan sa pamahalaan upang agarang maibigay ang mga pangangailangan ng ating nasasakupan.

Konting tiis na lang po, malapit na malapit na nating mapakinabangan ang proyektong ito! 🚰✨




13/10/2026

ANUNSYO MULA SA TANGGAPAN NG BARANGAY📢

Humihingi po kami ng tulong at pakikiisa sa ating mga kabarangay ukol sa nawawalang lunday (kulay asul) na pagmamay-ari ni G. Erwin Arambulo nawala po ito sa may tulay.

Kung mayroon po kayong anumang impormasyon na makakatulong upang mahanap ito, maaari po kayong sumangguni o lumapit sa ating Tanggapan ng Barangay.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pakikipagkapwa-tao.

📢 ANUNSYO PARA SA MAY-ARI NG NAKUHA NA WALLETIsang wallet po na may naglalaman ng pera ang napulot sa lugar ng Alibangba...
12/10/2026

📢 ANUNSYO PARA SA MAY-ARI NG NAKUHA NA WALLET

Isang wallet po na may naglalaman ng pera ang napulot sa lugar ng Alibangbang at agad ito naisurrender na sa ating Tanggapan ng Barangay.

Taos-pusong pasasalamat kay Mam Niña Olorvida sa iyong katapatan at mabuting puso! Nawa'y maging halimbawa ka sa ating buong barangay.❤️

📍 Para ma-claim: Pumunta lamang po sa Tanggapan ng Barangay, Maraming salamat po!

LOST PHONE NOTICE / PANAWAGAN 📢Lumalapit po kami sa inyong mabuting puso. Nawawala po ang cellphone ng anak ni Rosal S. ...
05/10/2026

LOST PHONE NOTICE / PANAWAGAN 📢

Lumalapit po kami sa inyong mabuting puso. Nawawala po ang cellphone ng anak ni Rosal S. Sabiano (Unit: Redmi 14C) kaninang bandang 6:40 AM - 7:00 AM.

Kung sinoman po ang nakadampot o may impormasyon ukol dito, maaari po kayong makipag-ugnayan sa Barangay Hall.

Tapat at lubos na pasasalamat po ang aming iaabot sa makakatulong na maibalik ito. Maraming salamat po!

📢ANUNSYO MULA SA BARANGAY JANOSA📢Ito po ang opisyal na listahan ng mga benepisyaryo ng -BAGONG PILIPINAS PRESIDENTIAL SC...
04/10/2026

📢ANUNSYO MULA SA BARANGAY JANOSA📢

Ito po ang opisyal na listahan ng mga benepisyaryo ng -BAGONG PILIPINAS PRESIDENTIAL SCHOLAR (BBMP) - "Bawat Barangay Makikinabang Program" na funded ng Socio-Civic Projects Fund (SCPF).

Bawat isa ay nakatanggap ng Php 20,000.00 cash assistance para sa pag-aaral:

Narito ang mga listahan:

✅ JOHN VINCENT C. FLORES
✅ TRISHA MAE B. SHIRASHI
✅ JULLIANA M. VILLAFLORES
✅ KERBY D. AÑIS
✅ JESSA MAE C. CHICOTE

Naipamahagi na po ngayong araw at naihanda ng Sangguniang Barangay ang mga dokumento para sa release.

Maraming Salamat po kay PBBM! Mabuhay ang Bagong Pilipinas!

📢 IMPORTANT ANNOUNCEMENT | 2nd TRANCHE OF UPLIFT PAY-OUTPara sa lahat ng recipients, pakitandaan po ang mga detalye para...
01/10/2026

📢 IMPORTANT ANNOUNCEMENT | 2nd TRANCHE OF UPLIFT PAY-OUT

Para sa lahat ng recipients, pakitandaan po ang mga detalye para sa ating releasing bukas:

📅 Kailan: Bukas, October 02, 2026 (Biyernes)
📍 Saan: Binangonan Auditorium

Mga Dapat Dalhin:

1 Valid ID (Original)

Xerox copy ng inyong Valid ID

⚠️ PAALALA: Pakitingnan at tandaan po ang inyong Payroll Number sa talaan sa ibaba upang agad ninyong malaman kung saang Table kayo nakatalaga para sa pay-out.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon! Pakishare para manotify rin ang iba. 🙏

ASEC✍️

🎉 MALIGAYANG KAARAWAN, KAP. GERONIMO G. MENDOZA! 🎂Isang taos-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan para sa aming napakas...
29/09/2026

🎉 MALIGAYANG KAARAWAN, KAP. GERONIMO G. MENDOZA! 🎂

Isang taos-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan para sa aming napakasipag, tapat, at dedikadong Ama ng Barangay!

Ito'y pagdiriwang ng isang pinuno na may paninindigan, malasakit, at buong pusong pagmamahal para sa barangay. Ikaw ang patunay na kayang pagsabayin ang tapang at hinahon, talino at kababaang loob.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang paglilingkod at sa pag-una laging isipin ang kapakanan ng bawat mamamayan ng Barangay Janosa. Sa loob ng halos tatlong (3) taon ninyong pamumuno, saksi ang lahat sa napakaraming positibong pagbabago at proyektong inyong naisakatuparan.

Nawa'y pagpalain pa kayo ng Panginoon ng mabuting kalusugan, mahabang buhay, at patuloy na karunungan upang magabayan ang ating barangay tungo sa mas maunlad na bukas.

🎈Isang mainit na pagbati mula sa lahat ng mamamayan ng Barangay Janosa! ✨

📣 ANUNSIYO MULA SA BARANGAY NG JANOSA WATER SYSTEM 📣Magandang araw po sa ating lahat!Nais po naming ipagbigay-alam na si...
29/09/2026

📣 ANUNSIYO MULA SA BARANGAY NG JANOSA WATER SYSTEM 📣

Magandang araw po sa ating lahat!

Nais po naming ipagbigay-alam na simula ngayong araw, magkakaroon po ng pagbabago sa singil sa ating patubig batay sa napagkasunduan ng Sangguniang Barangay at ng Pamunuan ng Janosa Water System.

💧 Bago at Inadjust na Singil sa Tubig:

Minimum Charge: ₱180 kada 7 cubic meter.

Sobra sa Minimum: ₱10pesos kada cubic meter na dagdag singil

📌 Dahilan ng Pagtaas: Ang adjustment na ito ay bunsod ng tuluy-tuloy na pagtaas ng halaga ng kuryente o per kilowatts.

☀️ May Magandang Balita: Huwag po kayong mag-alala, nakahain na po ang ating request para sa Solar Water System Project. Kapag ito ay na-aprubahan at naipatupad na, ibabalik po natin sa dating halaga—o mas mababa pa—na magpapababa sa ating operasyon at singil sa tubig.

Hinihingi po namin ang inyong lubos na pang-unawa at suporta. Maraming salamat po!

✍️ASEC

📢 PAGKILALA SA KATAPATAN 📢Ang Pamahalaang Barangay ng Janosa ay taos-pusong nagpapasalamat kay G. ARMAN CAMAGONG sa kany...
28/09/2026

📢 PAGKILALA SA KATAPATAN 📢

Ang Pamahalaang Barangay ng Janosa ay taos-pusong nagpapasalamat kay G. ARMAN CAMAGONG sa kanyang ipinakitang katapatan.

Nakakuha/napulot po niya sa daan ang isang WALLET na may lamang pera at agad niya itong naibigay sa ating barangay.

Isang tunay na halimbawa ng mabuting puso at tapat na mamamayan ng Janosa! Sana po ay tularan natin ang ganitong gawain. ❤️

Sa may ari, pumunta lamang po sa Barangay Hall upang iclaim ang nasabing nakuhang wallet.

ASEC ON DUTY
ON DUTY KAGAWAD- ROMEO GOBRES

Address


Telephone

+639661490620

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy.Janosa 0fficial Page posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed government service?

Share