Bagong Silang Community Library

  • Home
  • Bagong Silang Community Library
Call

Bagong Silang Community Library Creating a Community of Readers and Inquirers

Happy Birthday, Ate Via! 🥳🎈
02/11/2026

Happy Birthday, Ate Via! 🥳🎈

👀📚
28/10/2026

👀📚

COI Session | September 6, 2026Kasama sina Ate Rafie, Ate Kami, at Kuya Jonrei, muli nating nakasama ang mga bata mula s...
21/10/2026

COI Session | September 6, 2026
Kasama sina Ate Rafie, Ate Kami, at Kuya Jonrei, muli nating nakasama ang mga bata mula sa Bagong Silang Community Library sa isang masayang talakayan gamit ang kuwentong Sungit ni Liza Flores bilang stimulus.

Sa kuwentong ito, nakilala natin ang isang batang babae na makulit at masungit sa buong maghapon. Nakita natin kung paano siya naging masungit mula sa paggising niya, habang naghahanda para sa araw, at habang papunta sa paaralan. Habang umuusad ang kuwento, natutuhan ng bata na kilalanin at ayusin ang kanyang nararamdaman hanggang sa unti-unti siyang kumalma.

Ipinapakita ng kuwento na okay lang makaramdam ng iba’t ibang emosyon pero mahalagang matutunan natin kung paano ito haharapin at kung paano natin mapapakalma ang ating sarili.

Isinagawa rin ng mga bata ang isang gawain na tinatawag na “Draw Me a Feeling” kung saan binigyan ang mga bata ng pagkakataong ipakita sa pamamagitan ng pagguhit kung ano ang kanilang mararamdaman o magiging ekspresyon sa iba’t ibang sitwasyon.

Kailangan ba ng boses para mag-usap? Kaya bang magkaintindihan kahit gamit lang ang pag sensyas ng mga kamay? 🤔🤚Ilan sa ...
19/10/2026

Kailangan ba ng boses para mag-usap? Kaya bang magkaintindihan kahit gamit lang ang pag sensyas ng mga kamay? 🤔🤚

Ilan sa mga tanong na nabuo kahapon sa aming Community of Inquiry session kasama ang ISIP Pinas! Binasa namin ang kwentong "Sayaw Ng Mga Kamay" 🤞🙌🤟 at natutunan ang ilang mga sign language!



Rainbow Connection 🌈✨Salamat po sa kwentuhan, meryenda, at mga libro para sa aming community library. Patunay na ang mga...
27/09/2026

Rainbow Connection 🌈✨

Salamat po sa kwentuhan, meryenda, at mga libro para sa aming community library. Patunay na ang mga espasyo ng pagbabasa ay binubuo ng mga indibidwal at grupo na may iisang layunin.

Suportahan natin ang mga espasyo ng pagbabasa! ❤📚
19/09/2026

Suportahan natin ang mga espasyo ng pagbabasa! ❤📚

Project Libreng Libruhan coming up very soon in Sta Rita, Pampanga!!

Free access library for all 😇


Mahalaga ba ang emosyon? Okay lang ba magsungit minsan? 🤔Ilan sa mga tanong na nabuo noong nakaraang linggo, kasabay ang...
08/09/2026

Mahalaga ba ang emosyon? Okay lang ba magsungit minsan? 🤔

Ilan sa mga tanong na nabuo noong nakaraang linggo, kasabay ang ! Kasama ang ISIP Pinas, binasa namin ang librong "Sungit" ni Liza Flores at nagdrawing ng mga emosyon na madalas naming nararamdaman sa iba't ibang pagkakataon.

At kahit na nagsusungit ang panahon noong mga nakaraan 😡⛈️, hindi naman umulan noong nakaraang linggo, yehey! 🤩

Address


Telephone

+639484631668

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bagong Silang Community Library posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed government service?

Share