07/09/2026
📢 Magandang balita, Kabataan ng Barangay Paso de Blas! ✍️
Ang 𝐄𝐃𝐔𝐊-𝐀𝐒𝐒𝐈𝐒𝐓𝐀𝐍𝐂𝐄 𝟐𝟎𝟐𝟔: 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐂𝐈𝐕𝐈𝐋 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐄𝐗𝐀𝐌 𝐅𝐄𝐄 ay bukas na para sa parehong batch ngayong taong 2026:
• 𝙐𝙣𝙖𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙩𝙘𝙝: Para sa mga nakakuha na ng pagsusulit nitong nakaraang Marso 2026.
• 𝙄𝙠𝙖𝙬𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙩𝙘𝙝: Para sa kukuha pa lamang ng pagsusulit sa iaanunsyong bagong petsa ng CSC ngayong taon.
‼️ Siguraduhin lamang na naitabi ninyo ang inyong mga requirements.
☑️ 𝗦𝗜𝗡𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗔𝗔𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗟𝗜?
1. 18-30 taong gulang
2. Residente ng Barangay Paso de Blas
3. Unang batch na kumuha ng CSE noong Marso 2026 o kukuha pa lamang ng CSE para sa ikalawang batch ngayong taon.
☑️ 𝗔𝗡𝗨-𝗔𝗡𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗔𝗦𝗔?
1. VALID ID na ang nakalagay na tirahan ay Barangay Paso de Blas
2. Application Receipt
3. CSS Official Receipt/Invoice
☑️ 𝗣𝗔𝗔𝗡𝗢 𝗠𝗔𝗚𝗖𝗟𝗔𝗜𝗠?
Ipasa ang kumpletong requirements sa SK Office hanggang Setyembre 14, 2026, 1 PM hanggang 5 PM.
‼️ 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔: 𝗟𝗜𝗠𝗜𝗧𝗘𝗗 𝗦𝗟𝗢𝗧𝗦 𝗢𝗡𝗟𝗬.
✍️ Petsa ng CSE sa National Capital Region (NCR): Hindi pa inaanunsyo ng CSC NCR ang bagong petsa ng pagsusulit. Kaya manatiling nakatutok sa kanilang page.
CSC National Capital Region:
https://www.facebook.com/share/14o5xq5iCdk/?mibextid=wwXIfr
𝑴𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏𝒈 𝑯𝒂𝒏𝒅𝒂 𝒔𝒂 𝑷𝒂𝒈𝒌𝒂𝒕𝒖𝒕𝒐!