17/05/2025
SIYAM NA NGA AGAD!
Mula sa unang sigaw ng paninindigan hanggang sa bawat kilos para sa Bagong Pilipinas, walang kapantay ang dedikasyon ng kabataang naniniwala sa liderato ni Pangulong Bongbong Marcos. Happy 9th Anniversary sa BBM Youth Movementโsiyam na taon ng tapang, talino, at tunay na pagkilos para sa bayan. Patuloy tayong magsilbing liwanag ng pagkakaisa at pag-asa sa bawat sulok ng bansa. Para sa kinabukasan, para sa Pilipinas, para sa kabataanโito ang kilusang hindi matitinag.
17/05/2025
๐ฆ๐ฎ๐ฟ๐ถ-๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐น๐๐ด๐ฎ๐ฟ, ๐ถ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐: ๐๐น๐๐ฎ๐ป๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐!
Simula pa lang ng kampanya, ramdam na ramdam na ang tibok ng taumbayanโmula Luzon, Visayas, hanggang Mindanao.
Nakipagkamay tayo sa palengke, nakisaya sa mga plaza, nakipagkulitan sa mga kabataan, at nakiisa sa mga sektor na matagal nang naghahanap ng tunay na pagbabago.
Hindi lang tayo tumakbo sa kampanyaโlumaban tayo nang may puso, prinsipyo, at paninindigan.
Kaya sa bawat LGU partner, volunteer, online supporter, at kababayan nating naniwala sa Alyansa: maraming salamat po.
Hindi matutumbasan ang suportaโt tiwalang ibinigay ninyo. Kasama kayo sa bawat hakbang, sigaw, at tagumpay ng kilusang ito.
At sa ating Panguloโsalamat sa pagtindig kasama ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas.
Tapos na ang halalan, pero hindi dito nagtatapos ang laban.
Dahil ang tunay na Alyansa, tuloy-tuloy ang paninindiganโpara sa kinabukasan, para sa bayan.
๐ ๐ฎ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐น๐๐ฎ๐ป๐๐ฎ! ๐ ๐ฎ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐!