LGU Victoria, Oriental Mindoro

  • Home
  • LGU Victoria, Oriental Mindoro
Call Directions Contact the organization

LGU Victoria, Oriental Mindoro Opisyal na page ng LGU Victoria, Oriental Mindoro para sa tapat, napapanahon at makabuluhang impormasyon para sa Victoreño.

𝐋𝐎𝐒𝐓 𝐀𝐍𝐃 𝐅𝐎𝐔𝐍𝐃: 𝐂𝐄𝐋𝐋𝐏𝐇𝐎𝐍𝐄Ipinababatid sa publiko na may natagpuang cellphone na kasalukuyang nasa pangangalaga ni Sir Fe...
10/11/2026

𝐋𝐎𝐒𝐓 𝐀𝐍𝐃 𝐅𝐎𝐔𝐍𝐃: 𝐂𝐄𝐋𝐋𝐏𝐇𝐎𝐍𝐄

Ipinababatid sa publiko na may natagpuang cellphone na kasalukuyang nasa pangangalaga ni Sir Fernon Lucnagan.

Ang sinumang nawalan ng cellphone ay maaaring makipag-ugnayan kay Sir Fernon Lucnagan upang ma-claim at mabawi ang nasabing gamit. Matatagpuan siya sa Information Office ng Munisipyo ng Victoria.

Hinihiling ang pakikiisa ng publiko sa pamamagitan ng pagbabahagi ng impormasyong ito upang makarating sa tunay na may-ari ang nasabing cellphone.

Maraming salamat sa inyong pakikiisa.

𝟒𝐓𝐇 𝐐𝐔𝐀𝐑𝐓𝐄𝐑 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐕𝐈𝐂𝐓𝐎𝐑𝐈𝐀 𝐃𝐈𝐒𝐀𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐑𝐈𝐒𝐊 𝐑𝐄𝐃𝐔𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐍𝐃 𝐌𝐀𝐍𝐀𝐆𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐂𝐎𝐔𝐍𝐂𝐈𝐋 (𝐕𝐃𝐑𝐑𝐌𝐂)🗓️November 9,2026Matagumpay n...
09/11/2026

𝟒𝐓𝐇 𝐐𝐔𝐀𝐑𝐓𝐄𝐑 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐕𝐈𝐂𝐓𝐎𝐑𝐈𝐀 𝐃𝐈𝐒𝐀𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐑𝐈𝐒𝐊 𝐑𝐄𝐃𝐔𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐍𝐃 𝐌𝐀𝐍𝐀𝐆𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐂𝐎𝐔𝐍𝐂𝐈𝐋 (𝐕𝐃𝐑𝐑𝐌𝐂)

🗓️November 9,2026

Matagumpay na isinagawa ang 4th Quarter Meeting ng Victoria Disaster Risk Reduction and Management Council (VDRRMC) ngayong November 9, 2026, na dinaluhan ng ating Punong Bayan, 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐑𝐢𝐜𝐡𝐚𝐫𝐝 𝐕. 𝐈𝐧𝐜𝐢𝐨𝐧𝐠, kasama ang mga kinatawan mula sa iba't ibang departamento at ahensya, kabilang ang 𝐃𝐞𝐩𝐄𝐝, 𝐁𝐅𝐏, 𝐏𝐍𝐏, 𝐃𝐈𝐋𝐆, 𝐕𝐈𝐏𝐀𝐌𝐈𝐍, 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐞 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞, 𝐅𝐢𝐬𝐡𝐞𝐫𝐲, 𝐌𝐏𝐃𝐎, 𝐌𝐃𝐑𝐑𝐌𝐎, at iba pang tanggapan ng lokal na pamahalaan.

Kabilang sa mga mahahalagang tinalakay sa pagpupulong ang pagpapakilala ng isang sistema para sa mas maayos na pag-uulat at pagtugon sa mga insidente ng aksidente, gayundin ang paghahanda at mga nararapat na hakbang kaugnay ng posibleng epekto ng El Niño phenomenon.

Layunin ng mga talakayang ito na higit pang mapalakas ang koordinasyon, kahandaan, at kakayahan ng bawat sektor sa pagtugon sa iba't ibang panganib at kalamidad, tungo sa isang mas ligtas, handa, at matatag na Bayan ng Victoria.

𝐏𝐀𝐌𝐀𝐍𝐀, 𝐍𝐀𝐆𝐒𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐍𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐓𝐘 𝐕𝐄𝐆𝐄𝐓𝐀𝐁𝐋𝐄 𝐏𝐑𝐎𝐃𝐔𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐁𝐀𝐌𝐁𝐀𝐍𝐈𝐍  🗓️November 9,2026Upang magkaroon...
09/11/2026

𝐏𝐀𝐌𝐀𝐍𝐀, 𝐍𝐀𝐆𝐒𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐍𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐓𝐘 𝐕𝐄𝐆𝐄𝐓𝐀𝐁𝐋𝐄 𝐏𝐑𝐎𝐃𝐔𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐁𝐀𝐌𝐁𝐀𝐍𝐈𝐍

🗓️November 9,2026

Upang magkaroon ng mas sapat na pagkain at mas matatag na pagkakakitaan ang mga miyembro ng Nagkakaisang Balik-Loob Association ng Bambanin, matagumpay na isinagawa ang 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐧 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐕𝐞𝐠𝐞𝐭𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐏𝐫𝐨𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 ngayong araw, Nobyembre 9, 2026. Bahagi ang pagsasanay na ito, ng DSWD PAMANA LGU-Led Livelihood Program na ipinatutupad katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Victoria.

Sa nasabing aktibidad, itinuro ni 𝐌𝐚'𝐚𝐦 𝐉𝐞𝐬𝐬𝐢𝐜𝐚 𝐌𝐚𝐝𝐮𝐥𝐚, HVCDP Coordinator / Agricultural Technologist ng Municipal Agriculture Office kung paano ihanda ang lupa, pumili ng de-kalidad na binhi, magtanim nang wasto, mangalaga ng pananim, sugpuin ang peste at sakit, at anihin ang produkto sa tamang panahon. Ibinahagi nya rin ang mga praktikal na pamamaraan at estratihiya na madaling sundin at agad mauunawaan ng mga kalahok.

Pinangunahan ang gawaing ito ng mga kawani ng DSWD PAMANA na sina 𝐒𝐢𝐫 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝐌. 𝐉𝐮𝐚𝐧𝐢𝐥𝐥𝐨, 𝐋𝐏𝐓, 𝐌𝐚'𝐚𝐦 𝐉𝐚𝐧𝐞𝐭𝐡 𝐒. 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫𝐞𝐬, 𝐚𝐭 𝐒𝐢𝐫 𝐉𝐞𝐰𝐞𝐥𝐥 𝐆𝐚𝐫𝐜𝐢𝐚, pawang mga Project Development Officer II mula sa DSWD Field Office-MIMAROPA. Katuwang din nila ang mga tauhan ng Philippine National Police na sina 𝐏𝐂𝐩𝐥 𝐆𝐞𝐫𝐨𝐧 𝐒𝐨𝐥, 𝐏𝐚𝐭 𝐀𝐥𝐝𝐫𝐢𝐧 𝐁𝐢𝐥𝐚𝐧𝐨, 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐭 𝐉𝐨𝐡𝐧𝐯𝐞𝐭𝐡 𝐀𝐧𝐭𝐨𝐥𝐢𝐧, na tumulong sa maayos na pagdaraos ng aktibidad. Matapos ang talakayan, nagtungo ang grupo sa lugar na nakalaan para sa community garden upang suriin ang kondisyon nito at tukuyin kung ano-anong mga pananim ang pinakaangkop itanim doon.

Inaasahan na sa pamamagitan ng inisyatibang ito ay mapalalago ng asosasyon ang kanilang taniman, madadagdagan ang suplay ng pagkain ng bawat pamilya, at magkakaroon sila ng karagdagang kita mula sa pagbebenta ng kanilang mga ani. Ang tagumpay ng ganitong mga gawain ay patunay ng walang sawang pagsuporta ng Punong Bayan, 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐑𝐢𝐜𝐡𝐚𝐫𝐝 𝐕. 𝐈𝐧𝐜𝐢𝐨𝐧𝐠 sa mga programang naglalayong paunlarin ang kabuhayan at patatagin ang komunidad.


𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐈𝐏𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 𝐎𝐅 𝐕𝐈𝐂𝐓𝐎𝐑𝐈𝐀 𝐀𝐍𝐃 𝐒𝐒𝐒 𝐂𝐀𝐋𝐀𝐏𝐀𝐍 𝐁𝐑𝐀𝐍𝐂𝐇 𝐒𝐓𝐑𝐄𝐍𝐆𝐓𝐇𝐄𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐓𝐍𝐄𝐑𝐒𝐇𝐈𝐏 𝐓𝐇𝐑𝐎𝐔𝐆𝐇 𝐌𝐎𝐀 𝐒𝐈𝐆𝐍𝐈𝐍𝐆🗓️November 9, 2026 | Executive...
09/11/2026

𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐈𝐏𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 𝐎𝐅 𝐕𝐈𝐂𝐓𝐎𝐑𝐈𝐀 𝐀𝐍𝐃 𝐒𝐒𝐒 𝐂𝐀𝐋𝐀𝐏𝐀𝐍 𝐁𝐑𝐀𝐍𝐂𝐇 𝐒𝐓𝐑𝐄𝐍𝐆𝐓𝐇𝐄𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐓𝐍𝐄𝐑𝐒𝐇𝐈𝐏 𝐓𝐇𝐑𝐎𝐔𝐆𝐇 𝐌𝐎𝐀 𝐒𝐈𝐆𝐍𝐈𝐍𝐆

🗓️November 9, 2026 | Executive Conference Room, Poblacion I, Victoria, Oriental Mindoro

The Municipality of Victoria and the Social Security System (SSS) Calapan Branch formally strengthened their partnership through a Memorandum of Agreement (MOA) signing held on November 9, 2026, at the Executive Conference Room, Poblacion I, Victoria, Oriental Mindoro.

The signing ceremony was attended by key officials from the Municipality of Victoria, led by 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐑𝐢𝐜𝐡𝐚𝐫𝐝 𝐕. 𝐈𝐧𝐜𝐢𝐨𝐧𝐠, together with 𝐀𝐭𝐭𝐲. 𝐕𝐞𝐫𝐨𝐧𝐢𝐜𝐚 𝐂𝐡𝐚𝐧, Municipal Administrator, and 𝐒𝐢𝐫 𝐌𝐚𝐧𝐮𝐞𝐥 𝐌𝐞𝐥𝐨, MSWDO/OIC-HRMO. Representing the SSS Calapan Branch were 𝐌𝐬. 𝐈𝐦𝐞𝐥𝐝𝐚 𝐅𝐚𝐦𝐢𝐥𝐚𝐫𝐚𝐧, Branch Head, and 𝐌𝐫. 𝐑𝐞𝐝𝐞𝐧𝐭𝐨𝐫 𝐈𝐦𝐩𝐞𝐫𝐢𝐚𝐥, CEO II-AMS.

The MOA signing marks an important step in strengthening cooperation between the two institutions, particularly in promoting awareness and accessibility of SSS programs, services, and benefits. It also reflects their shared commitment to ensuring that social security services reach and benefit more individuals.

Through this partnership, the Municipality of Victoria continues to foster meaningful collaborations with government agencies to improve service delivery, support the welfare of its employees and constituents, and provide greater access to social protection programs.

Together, through unity and collaboration, we continue building a more responsive, inclusive, and service-oriented Municipality of Victoria!



𝗧𝗨𝗡𝗚𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗨𝗡𝗟𝗔𝗗 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗦 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗘𝗦𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗩𝗜𝗖𝗧𝗢𝗥𝗜𝗔!REVIEW AND DELIBERATION OF THE 2027 ANNUAL BUDGET 📍 Municipality ...
09/11/2026

𝗧𝗨𝗡𝗚𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗨𝗡𝗟𝗔𝗗 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗦 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗘𝗦𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗩𝗜𝗖𝗧𝗢𝗥𝗜𝗔!

REVIEW AND DELIBERATION OF THE 2027 ANNUAL BUDGET
📍 Municipality of Victoria, Oriental Mindoro
📅 November 5, 2026

Isinagawa ang pagdinig at masusing pagsusuri sa Panukalang Taunang Badyet para sa taong 2027 ng Pamahalaang Bayan ng Victoria, sa pangunguna ni Municipal 𝐕𝐢𝐜𝐞 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐇𝐨𝐧. 𝐉𝐨𝐬𝐞𝐥𝐢𝐭𝐨 𝐂. 𝐌𝐚𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐧, kasama ang mga kagalang-galang na miyembro ng 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧.
Nakiisa sa mahalagang aktibidad ang mga sumusunod na miyembro ng Sangguniang Bayan:
𝐇𝐨𝐧. 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚 𝐅𝐞𝐢 𝐀. 𝐃𝐞𝐥 𝐌𝐮𝐧𝐝𝐨
𝐇𝐨𝐧. 𝐉𝐞𝐬𝐬𝐢𝐜𝐚 𝐍𝐢𝐜𝐨𝐥𝐞 𝐋. 𝐂𝐚𝐥𝐢𝐬𝐢
𝐇𝐨𝐧. 𝐌𝐚𝐧𝐧𝐲 𝐀. 𝐀𝐭𝐢𝐞𝐧𝐳𝐚
𝐇𝐨𝐧. 𝐑𝐚𝐣𝐚 𝐆. 𝐁𝐚𝐫𝐛𝐞𝐫
𝐇𝐨𝐧. 𝐖𝐢𝐥𝐟𝐫𝐞𝐝𝐨 𝐌. 𝐌𝐚𝐫𝐚𝐧𝐚𝐧
𝐇𝐨𝐧. 𝐌𝐞𝐫𝐜𝐞𝐝𝐢𝐭𝐚 𝐃. 𝐃𝐮𝐦𝐚𝐬
𝐇𝐨𝐧. 𝐄𝐦𝐦𝐚𝐧𝐮𝐞𝐥 𝐆. 𝐄𝐬𝐭𝐞𝐛𝐚𝐧
𝐇𝐨𝐧. 𝐂𝐡𝐞𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐓. 𝐃𝐮𝐦𝐚𝐬
𝐇𝐨𝐧. 𝐆𝐞𝐦𝐚𝐫 𝐕. 𝐃𝐮𝐦𝐚𝐬
𝐇𝐨𝐧. 𝐉𝐨𝐬𝐡 𝐏𝐲𝐩𝐞𝐫𝐬 𝐀. 𝐌𝐚𝐜𝐚𝐥𝐢𝐧𝐭𝐚𝐥
Kasama rin sa mga dumalo sina 𝐌𝐚𝐝𝐚𝐦 𝐌𝐚𝐫𝐥𝐞𝐧𝐞 𝐀. 𝐂𝐚𝐬𝐭𝐢𝐥𝐥𝐨, Secretary ng Sangguniang Bayan; 𝐀𝐭𝐭𝐲. 𝐕𝐞𝐫𝐨𝐧𝐢𝐜𝐚 𝐆. 𝐂𝐡𝐚𝐧, Municipal Administrator; ang mga 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐇𝐞𝐚𝐝𝐬; at iba pang mahahalagang panauhin.

Bahagi ng proseso ang masusing pagtalakay, pagsusuri, at deliberasyon sa mga panukalang programa, proyekto, at kaukulang pondo ng bawat tanggapan upang matiyak na ang mga pondong pampubliko ay mailalaan nang maayos, responsable, at naaayon sa mga pangangailangan at prayoridad ng komunidad.

Ang Budget Hearing ay isang mahalagang hakbang sa pagtataguyod ng maayos na pamamahala, transparency, at pananagutan sa paggamit ng pondo ng bayan, tungo sa mas maunlad at mas magandang kinabukasan para sa bawat Victoreño.
Sa sama-samang pagpaplano at responsableng paglalaan ng pondo, patuloy nating isinusulong ang isang Bayan ng Victoria na may mas maraming oportunidad at serbisyong mapakikinabangan ng lahat.

PARA SA SERBISYO, KAUNLARAN AT PROGRESO NG BAYAN NG VICTORIA! ❤️

𝗠𝗔𝗜𝗡𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗜𝗦𝗜𝗧𝗔Malugod na tinanggap ni 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗥𝗶𝗰𝗵𝗮𝗿𝗱 𝗩. 𝗜𝗻𝗰𝗶𝗼𝗻𝗴 ang mga Pastors at iba pang personnel...
09/11/2026

𝗠𝗔𝗜𝗡𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗜𝗦𝗜𝗧𝗔

Malugod na tinanggap ni 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗥𝗶𝗰𝗵𝗮𝗿𝗱 𝗩. 𝗜𝗻𝗰𝗶𝗼𝗻𝗴 ang mga Pastors at iba pang personnel mula sa United Church of Christ in the Philippines (UCCP) sa isang makabuluhang pagbisita sa Pamahalaang Bayan ng Victoria. Kasabay nito, patuloy din ang pagtanggap ng Punong Bayan sa mga bisita at mamamayan mula sa iba't ibang barangay na dumudulog sa tanggapan upang humingi ng tulong at kaukulang assistance para sa kanilang mga pangangailangan.

Ang mga pagbisitang ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng bukas na komunikasyon, pakikipag-ugnayan, at pakikinig sa mga hinaing at pangangailangan ng bawat sektor ng komunidad.

Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Victoria ang bukas na komunikasyon at maagap na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga Victoreño sa pamamagitan ng pakikinig sa kanilang mga hinaing at pagbibigay ng nararapat na tulong at suporta.

𝗥𝗘𝗚𝗨𝗟𝗔𝗥 𝗙𝗟𝗔𝗚 𝗥𝗔𝗜𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗥𝗘𝗠𝗢𝗡𝗬: 𝗣𝗔𝗡𝗜𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗚𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚𝗞𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗩𝗜𝗖𝗧𝗢𝗥𝗘Ñ𝗢🗓️NOVEMBER 9,2026Muling nagtipon ang mg...
09/11/2026

𝗥𝗘𝗚𝗨𝗟𝗔𝗥 𝗙𝗟𝗔𝗚 𝗥𝗔𝗜𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗥𝗘𝗠𝗢𝗡𝗬: 𝗣𝗔𝗡𝗜𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗚𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚𝗞𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗩𝗜𝗖𝗧𝗢𝗥𝗘Ñ𝗢

🗓️NOVEMBER 9,2026

Muling nagtipon ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Victoria, kasama ang mga kinatawan ng National Government Agencies – Philippine National Police (VMPS), 1st PMFC, at Bureau of Fire Protection–Victoria, para sa Regular Flag Raising Ceremony bilang panimula ng panibagong linggo ng tapat at makabuluhang paglilingkod sa mga Victoreño.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang panalangin, na sinundan ng pag-awit ng Lupang Hinirang, Martsa ng Oriental Mindoro, at Himig ng Victoria bilang pagpapakita ng pagmamahal sa bayan, disiplina, at pagkakaisa.

Sa ikalawang bahagi ng programa, nagbigay ng mahahalagang anunsyo at paalala para sa mga kawani. Sinundan ito ng pagkilala at paggawad ng parangal sa Municipal Health Office (MHO) at Market sa pangunguna nina 𝐃𝐫. 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐟𝐫𝐚𝐧𝐜𝐢𝐚 𝐑𝐞𝐲𝐞𝐬 𝐚𝐭 𝐒𝐢𝐫 𝐑𝐨𝐧𝐚𝐥𝐝 𝐍𝐨𝐞𝐥 𝐃𝐞 𝐆𝐫𝐚𝐜𝐢𝐚 , bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon at paglilingkod.

Ipinakilala rin ng Tourism Office ang kinatawan ng Bayan ng Victoria na sasabak sa nalalapit na kompetisyon para sa Ms. Oriental Mindoro, na nagbigay ng panibagong pagkakataon upang maipakita ang ganda, talento, at kakayahan ng mga Victoreña.

Sa pagsisimula ng panibagong linggo, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Victoria sa pamumuno ni 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐑𝐢𝐜𝐡𝐚𝐫𝐝 𝐕. 𝐈𝐧𝐜𝐢𝐨𝐧𝐠 ang pagkakaisa, pagtutulungan, at serbisyong may malasakit para sa bawat Victoreño.

Sama-sama sa tapat na paglilingkod, tungo sa mas maunlad, mas matatag, at nagkakaisang Bayan ng Victoria!

𝐁𝐀𝐊𝐔𝐍𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐀𝐑𝐀𝐋𝐀𝐍: 𝐏𝐑𝐎𝐓𝐄𝐊𝐒𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐀𝐆-𝐀𝐀𝐑𝐀𝐋 𝐍𝐆 𝐕𝐈𝐂𝐓𝐎𝐑𝐈𝐀🗓️November 5,2025Patuloy ang pagsasagawa ng School-Bas...
08/11/2026

𝐁𝐀𝐊𝐔𝐍𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐀𝐑𝐀𝐋𝐀𝐍: 𝐏𝐑𝐎𝐓𝐄𝐊𝐒𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐀𝐆-𝐀𝐀𝐑𝐀𝐋 𝐍𝐆 𝐕𝐈𝐂𝐓𝐎𝐑𝐈𝐀

🗓️November 5,2025

Patuloy ang pagsasagawa ng School-Based Immunization (SBI) Program sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Victoria bilang bahagi ng kampanya upang maprotektahan ang mga mag-aaral laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna.

Kabilang sa mga paaralang napuntahan ng 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (MHO) team ngayong araw (Nobyembre 5, 2026) ang Alialy Roldan Memorial Elementary School at Victoria National High School, kung saan binigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makatanggap ng mga kinakailangang bakuna

Sa pangunguna ni Municipal Health Officer, 𝐃𝐫. 𝐋𝐞𝐚𝐡 𝐏𝐞ñ𝐚𝐟𝐫𝐚𝐧𝐜𝐢𝐚 𝐀𝐜𝐞𝐝𝐞𝐫𝐚 𝐑𝐞𝐲𝐞𝐬 𝐚𝐭 𝐃𝐫. 𝐊𝐚𝐭𝐫𝐢𝐧 𝐀𝐫𝐚𝐠𝐨, Medical Officer III, katuwang ang mga kawani ng MHO, mga Barangay Officials at Health Workers ng Poblacion 1 at sa pakikipagtulungan nina 𝐌𝐚'𝐚𝐦 𝐀𝐧𝐠𝐞𝐥𝐢𝐭𝐚 𝐎. 𝐆𝐞𝐧𝐢𝐳𝐚, Principal III ng Alialy-Roldan MES at ni 𝐒𝐢𝐫 𝐌𝐚𝐧𝐝𝐲 𝐋. 𝐏𝐚𝐝𝐮𝐚, HT III ng Victoria NHS, matagumpay na isinagawa ang pagbibigay ng Measles-Rubella (MR) at Tetanus-Diphtheria (TD) vaccines para sa mga mag-aaral sa Grade 1 at Grade 7, gayundin ang Human Papillomavirus (HPV) vaccine para sa mga babaeng mag-aaral sa Grade 4 at Grade 5. Layunin ng programa ito na mapalawak ang proteksyon ng mga bata at kabataan laban sa mga sakit na maaaring makaapekto sa kanilang kalusugan.

Bahagi ang programang ito, sa mga serbisyong pangkalusugan na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Victoria, sa ilalim ng pamumuno ni 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐑𝐢𝐜𝐡𝐚𝐫𝐝 𝐕. 𝐈𝐧𝐜𝐢𝐨𝐧𝐠, upang mailapit sa bawat mamamayan ang mga serbisyong nagtataguyod ng kalusugan at kaligtasan. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng paaralan, mga magulang, at mga health worker, mas napapalapit sa mga mag-aaral ang serbisyong pangkalusugan at nagiging mas madali ang pagbibigay ng proteksyon laban sa mga sakit.

“Ang pagbabakuna ay hindi lamang proteksyon para sa sarili, kundi isang mahalagang hakbang upang mapangalagaan ang kalusugan at kinabukasan ng bawat bata.”

𝐏𝐒𝐀 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐈𝐃 𝐑𝐄𝐆𝐈𝐒𝐓𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐈𝐘𝐄𝐌𝐁𝐑𝐎 𝐍𝐆 𝟒𝐏𝐬, 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐒𝐀 𝐕𝐈𝐂𝐓𝐎𝐑𝐈𝐀🗓️NOVEMBER 06, 2026Isinagawa sa Municipal...
06/11/2026

𝐏𝐒𝐀 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐈𝐃 𝐑𝐄𝐆𝐈𝐒𝐓𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐈𝐘𝐄𝐌𝐁𝐑𝐎 𝐍𝐆 𝟒𝐏𝐬, 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐒𝐀 𝐕𝐈𝐂𝐓𝐎𝐑𝐈𝐀

🗓️NOVEMBER 06, 2026

Isinagawa sa Municipal Gymnasium ng Victoria ang pagpaparehistro para sa 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐈𝐝𝐞𝐧𝐭𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐒𝐲𝐬𝐭𝐞𝐦 (𝐏𝐡𝐢𝐥𝐒𝐲𝐬) 𝐨 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐈𝐃 na naglalayong mabigyan ng pagkakataong makapagparehistro ang mga miyembro ng 𝐏𝐚𝐧𝐭𝐚𝐰𝐢𝐝 𝐏𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 (𝟒𝐏𝐬).

Pinangunahan ng mga kawani ng 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐢𝐬𝐭𝐢𝐜𝐬 𝐀𝐮𝐭𝐡𝐨𝐫𝐢𝐭𝐲 (PSA) ang nasabing aktibidad sa tulong nina 𝐌𝐚’𝐚𝐦 𝐉𝐚𝐦𝐚𝐢𝐜𝐚 𝐏. 𝐂𝐚𝐛𝐚𝐭𝐢𝐜 𝐚𝐭 𝐌𝐚’𝐚𝐦 𝐊𝐫𝐢𝐬𝐭𝐢𝐧𝐞 𝐊𝐚𝐭𝐞 𝐀. 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐨 bilang Registration Kit Operators, at 𝐌𝐚’𝐚𝐦 𝐆𝐞𝐦𝐚𝐥𝐲𝐧 𝐅. 𝐍𝐞𝐩𝐨𝐦𝐮𝐜𝐞𝐧𝐨 bilang Registration Assistant.

Sa pamamagitan ng gawaing ito, mas napapalapit sa mga mamamayan ang serbisyo ng pamahalaan, lalo na ang pagkakaroon ng opisyal na pagkakakilanlan na magagamit sa iba't ibang transaksiyon at serbisyo.

Patuloy na sinusuportahan ng Pamahalaang Bayan ng Victoria, sa ilalim ng pamumuno ni 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐑𝐢𝐜𝐡𝐚𝐫𝐝 𝐕. 𝐈𝐧𝐜𝐢𝐨𝐧𝐠, ang mga programang naglalayong mapadali ang pag-access ng mga mamamayan sa mahahalagang serbisyo ng pamahalaan at matiyak na bawat isa ay mabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng opisyal na pagkakakilanlan.

“Bawat rehistrasyon ay mahalagang hakbang sa pagkakaroon ng opisyal na pagkakakilanlan.”

𝗧𝗥𝗔𝗜𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗡 𝗚𝗘𝗡𝗗𝗘𝗥 𝗔𝗡𝗗 𝗗𝗘𝗩𝗘𝗟𝗢𝗣𝗠𝗘𝗡𝗧 (𝗚𝗔𝗗) 𝗖𝗨𝗠 𝗩𝗘𝗚𝗘𝗧𝗔𝗕𝗟𝗘 𝗔𝗡𝗗 𝗥𝗢𝗢𝗧 𝗖𝗥𝗢𝗣𝗦 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡: 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗞𝗔𝗬𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗨𝗧...
06/11/2026

𝗧𝗥𝗔𝗜𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗡 𝗚𝗘𝗡𝗗𝗘𝗥 𝗔𝗡𝗗 𝗗𝗘𝗩𝗘𝗟𝗢𝗣𝗠𝗘𝗡𝗧 (𝗚𝗔𝗗) 𝗖𝗨𝗠 𝗩𝗘𝗚𝗘𝗧𝗔𝗕𝗟𝗘 𝗔𝗡𝗗 𝗥𝗢𝗢𝗧 𝗖𝗥𝗢𝗣𝗦 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡: 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗞𝗔𝗬𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗨𝗧𝗨𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗖𝗘𝗥𝗩𝗘𝗭𝗔

🗓️ November 5, 2026

Nagpatuloy ang adbokasiya ng Municipal Agriculture Office sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga katutubong Mangyan sa ikalawang araw ng Training on Gender and Development (GAD) cm Vegetable and Root Crops Production na ginanap sa Barangay Villa Ce***za.

Pinangunahan ang aktibidad ni 𝐒𝐢𝐫 𝐍𝐨𝐞𝐥 𝐍𝐢𝐥𝐨, Agricultural Technologist at Technician ng nasabing barangay, katuwang sina 𝐌𝐚’𝐚𝐦 𝐍𝐨𝐞𝐦𝐲 𝐄𝐛𝐨𝐫𝐚, 𝐌𝐚'𝐚𝐦 𝐕𝐚𝐥𝐞𝐧𝐭𝐢𝐧𝐚 𝐂𝐚𝐬𝐭𝐢𝐥𝐥𝐨, 𝐚𝐭 𝐌𝐚’𝐚𝐦 𝐀𝐧𝐣𝐚𝐧𝐞𝐭𝐭𝐞 𝐃𝐞 𝐉𝐞𝐬𝐮𝐬, Agricultural Technologists. Nagsilbi namang mga resource speaker sina 𝐌𝐚’𝐚𝐦 𝐉𝐞𝐬𝐬𝐢𝐜𝐚 𝐌𝐚𝐝𝐮𝐥𝐚 𝐚𝐭 𝐒𝐢𝐫 𝐑𝐚𝐥𝐩𝐡 𝐂𝐡𝐞𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐁𝐮𝐫𝐠𝐨𝐬 ng DA Region, na nagbahagi ng kanilang kaalaman at karanasan upang higit na mapalawak ang pang-unawa ng mga kalahok sa gender equality at produktibong pagsasaka. Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng paggabay at suporta ni 𝐒𝐢𝐫 𝐌𝐚𝐧𝐮𝐞𝐥 𝐆𝐚𝐫𝐠𝐮𝐥𝐥𝐨, OIC ng Municipal Agriculture Office (MAO), na patuloy na nagtataguyod ng mga programang naglalayong mapalakas ang kakayahan at kabuhayan ng mga magsasaka at katutubong pamayanan.

Tampok sa talakayan ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay ng kababaihan at kalalakihan, gayundin ang pagkilala sa mahalagang papel ng bawat isa sa pagpapaunlad ng pamilya at pamayanan. Binigyang-diin din ang pantay na oportunidad, aktibong pakikilahok, at pagtutulungan sa mga gawaing pang-agrikultura at paghahanapbuhay.

Kasabay nito, isinagawa ang teknikal na pagsasanay tungkol sa wastong produksyon ng gulay at root crops, na sinundan ng mga hands-on activities tulad ng pagpupunla ng gulay. Sa pamamagitan ng aktuwal na pagsasanay, nagkaroon ang mga kalahok ng pagkakataong maisagawa at maisabuhay ang mga kaalamang kanilang natutuhan.

Bilang bahagi ng suporta sa kanilang pagsisimula sa pagtatanim, namahagi rin ang Municipal Agriculture Office ng vegetable seeds, planting materials para sa root crops, at iba pang kagamitang pang-agrikultura. Layunin nitong mahikayat ang mga katutubong Mangyan na magkaroon ng sariling produksyon ng pagkain, mapalawak ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pagsasaka, at makabuo ng karagdagang oportunidad para sa kanilang kabuhayan.

Ang ikalawang araw ng pagsasanay ay isa na namang hakbang tungo sa mas inklusibo at makabuluhang pagpapaunlad ng agrikultura, kung saan binibigyang-halaga ang partisipasyon ng mga katutubong pamayanan at ang pantay na pagkakataon para sa lahat.

Sinuportahan ang programa ng Pamahalaang Bayan ng Victoria sa ilalim ng pamumuno ni 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐑𝐢𝐜𝐡𝐚𝐫𝐝 𝐕. 𝐈𝐧𝐜𝐢𝐨𝐧𝐠 at ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni 𝐕𝐢𝐜𝐞 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐋𝐢𝐭𝐨 𝐌𝐚𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐧, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng kasarian at pagpapalakas ng kakayahan ng mga katutubong pamayanan sa larangan ng agrikultura.

Sama-sama sa kaalaman, pagkakapantay-pantay, at masaganang kinabukasan ng bawat pamilyang Mangyan!

Address

Victoria, Oriental Mindoro

5205

Opening Hours

Monday 08:00 - 17:00
Tuesday 08:00 - 17:00
Wednesday 08:00 - 17:00
Thursday 08:00 - 17:00
Friday 08:00 - 17:00

Telephone

+639279537268

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LGU Victoria, Oriental Mindoro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to LGU Victoria, Oriental Mindoro:

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed government service?

Share