07/08/2026
๐ณ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐ 2026 | ๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐ ๐ญ๐๐๐๐๐๐
๐๐๐ข๐: ๐๐๐'๐ฉ-๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐๐๐ฎ๐๐ฃ, ๐๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐ง๐๐ฃ
๐๐ฆ๐ง๐ข๐ฅ๐ฌ๐ ๐ก๐ ๐ฅ๐ข๐ก๐: ๐๐๐๐๐ง ๐๐๐ฃ๐ข๐ฆ, ๐๐๐ก๐๐๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ง๐จ๐๐ข๐ฌ
Mula sa paggawa ng hollow blocks, paghahagot ng abaca, pagtatanim at pag-aani ng palay, paggawa ng tiklad, hanggang sa paghuhugas ng pinggan, paglalaba, pagbabantay ng bata, at pagbebenta ng mga produktoโwalang marangal na trabaho ang hindi pinasok ni Rona upang maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. May mga panahong libreng pagkain sa mga programa at maliit na kita mula sa kanyang mga sideline ang kanyang naging sandigan. Hindi naging madali ang kanyang paglalakbay, ngunit lagi niyang pinanghawakan ang mga salitang:
โ๐ซ๐๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
๐๐๐๐. ๐ฒ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐."
Ngayon, ang anak ng mga magsasaka at manggagawa ay isa nang graduate ng ๐๐ฎ๐ฐ๐ต๐ฒ๐น๐ผ๐ฟ ๐ผ๐ณ ๐๐น๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐๐ฑ๐๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป. Ang diploma ay hindi lamang katuparan ng kanyang sariling pangarap, kundi bunga rin ng sakripisyo at pangarap ng kanyang mga magulang.
Bilang pagkilala sa kanyang sipag at katatagan, iginawad ng ๐ ๐๐ป๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐น ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ผ๐ณ ๐ฉ๐ถ๐ด๐ฎ, ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ป๐ด๐๐ป๐ฎ ๐ป๐ถ ๐๐ผ๐ป. ๐๐ฒ๐ป๐ป๐ถ๐ณ๐ฒ๐ฟ ๐ . ๐ง๐๐ฝ๐น๐ฎ๐ป๐ผ, ๐ ๐๐ป๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐น ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ, sa pamamagitan ng ๐๐ผ๐ฐ๐ฎ๐น ๐ฌ๐ผ๐๐๐ต ๐๐ฒ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ฝ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ, ang โฑ5,000 cash assistance at grocery package para kay Rona at sa kanyang pamilya.
Patunay ang kanyang kuwento na sa pamamagitan ng sipag, pananampalataya, at pagmamahal sa pamilya, ang bawat simpleng pangarap ay maaaring maging inspirasyon sa marami.
Sa ilalim ng Servisyong Magayon, patuloy nating kinikilala at sinusuportahan ang mga kabataang nagbibigay ng karangalan sa ating komunidad at nagsisilbing huwaran ng kasipagan, pagkamalikhain, at pag-asa para sa susunod na henerasyon.
๐๐ข๐ฌ๐๐ฅ๐๐ข๐ฆ๐๐ซ:
Ang video na ito ay bahagi ng youth Story Feature ng Municipal Government of Viga, Sa pamamagitan ng Local Youth Development Office, para sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026. Ang mga kuwento, larawan, video, boses, at personal na impormasyong nakapaloob dito ay kusang ibinahagi ng featured youth. Ang bawat kalahok ay nabigyan ng sapat na paliwanag tungkol sa layunin at paraan ng paggamit ng kailang kuwento at kusang lumagda sa kaukulang Informed Consent, Data Privacy Consent, at Photo and Video Release Form bago isinagawa at inilathala ang video.