09/06/2025
✨ MATAGUMPAY NA NAISAGAWA ANG BRIGADA ESKWELA 2025 KICK-OFF! ✨
Isang masigabong pagbubunyi at taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at tumulong sa unang araw ng ating Brigada Eskwela! Sa diwa ng bayanihan, sama-sama nating isinulong ang paghahanda para sa ligtas, maayos, at handang pagbubukas ng bagong taong panuruan.
Lubos ang aming pasasalamat sa mga sumusunod na katuwang ng paaralan:
🔹 Longos Barangay Council, sa pangunguna ng ating butihing Brgy. Captain, Hon. Alejo Payumo – salamat po sa inyong walang sawang suporta sa edukasyon!
🔹 Sangguniang Kabataan ng Longos, pinangungunahan ni SK Chairperson Hon. Stifanny Tolentino – tunay na kabataang huwaran!
🔹 4Ps Beneficiaries, sa pamumuno ni Mrs. Liza Bolo – salamat sa inyong panahon at dedikasyon sa paglilinis at pag-aayos ng kapaligiran.
🔹 Ginoong Sol Laforteza Jr. III, Founding Father ng EWBGI – isang tunay na modelo ng malasakit at inspirasyon sa pagtataguyod ng edukasyon. Maraming salamat po sa inyong presensya at suporta!
🔹 Ginoong John Joel P. Belmonte, masigasig na Pangulo ng SGC – maraming salamat po sa inyong patuloy na pamumuno at pagtutok sa mga programa ng paaralan.
🔹 At syempre, ang ating masisipag na mga magulang, sa pangunguna ni FPTA President Gng. Dolly Ann Daodoy, at mga mag-aaral ng Longos Integrated School – salamat po sa pakikiisa at pakikibahagi sa ating adhikain!
Ang ating tagumpay ngayong araw ay patunay na kung may pagkakaisa, may pag-unlad. Sama-sama nating ipagpatuloy ang diwa ng bayanihan para sa mas ligtas at maayos na paaralan!