Ang tuwid na daan

Ang tuwid na daan

Share

nonprofit na organisasyon

23/12/2023

Ang pagsali sa pagdiriwang ng Pasko ay pagsang-ayon sa paniniwala na si Jesus ay anak ng Diyos.

23/12/2023

PANGANIB NA DULOT NG SHAHADAH MODUS

Bismillah, hindi ito pag-aakusa, opinyon ko ito, huwag ka na mag-comment kung di ka sang-ayon, mag post ka na lang sa timeline mo. Ayoko ng debate, ayoko ng ingay. Ang topic ko ay ang gawain at hindi ang tao na gumagawa nito. Si Allah ang maghahatol sa kanila at sa atin pero ito ang masasabi ko tungkol sa gawaing ito.

SINO BA AKO PARA MAGSALITA TUNGKOL DITO?

17 taon na ako sa Da'wah. Nagtapos ako ng 2 taon na special Arabic Language Course sa Imam Muhammad bin Saud Islamic University sa Riyadh noong 2008, hindi yaon bachelors at hindi ako Alim pero mas ok naman yaon kaysa sa self study at pagbabasa ng Biblia sa halip na Quran. Nasamantala ko rin ang 6 na taon ko sa Saudi Arabia sa pagdalo ng halaqat ng Ulama alhamdulillah. Hindi ako sikat pero alam ko ang sinasabi ko.

ANO ANG SHAHADAH MODUS

Ito ang mapanlinlang na pagpapashahadah para sa makamundo o hindi makamundong layunin. Mapanlinlang dahil pinagshahadah ang tao na hindi lubos na nakauunawa sa proseso ng pagmu-Muslim o hindi niya alam na siya pala ay nagmu-Muslim. Madalas ay maramihan ito at sensationalized para mas sisikat.

BAKIT NILA ITO GINAGAWA?

Bilang husnudh dhan o mainam na pag-aakala, sinasabi nila na ginagawa nila ito upang hindi mamatay ang tao na hindi pa nakapag shahadah. Ang iba sa kanila ay nangangako pa ng Paraiso basta mag-shahadah lang. Malinaw na may panlilinlang at pagpapakitang-tao sa mga shahadah modus na ito pero isantabi muna natin iyan. Isipin na lang natin na nagmamalasakit lang sila. Habol din daw nila ang reward.

Pero tanong ko naman, hindi ba't ang pagmu-Muslim, sa pagsambit ng shahadah ay dapat sa layunin na mag-Muslim? Kaya bakit may mga nakuhanan ng video na nagshahadah pero hindi nila alam na nag-Muslim na pala sila at kapag tinanong mo sila kung sino ang Diyos nila ay si Jesus pa rin ang Diyos nila?

Tanong ko rin, sapat ba ang shahadah upang makapasok ang tao sa Paraiso? Hindi ba't ang Iman ay sa dila, puso at gawa, kaya paano nila ito nagagawang pangakuan ang tao ng Paraiso samantalang pinag-shahadah lamang nila ang tao ngunit hindi naman tinuruan magsalah at iba pang mga paniniwala at gawa? Totoo, may Sahabah na namatay sa Jihad na hindi man lamang nakapag-salah, pero namatay kasi siya agad, pero ang pinilit na magshahadah na isang taon na ang lumipas na hindi pa rin nagsa-Salah - alam ninyo na hindi sila magkatulad. Gusto ba ninyo na humarap kay Allah sa Araw ng Paghuhukom at itatanong niya sa iyo kung sino ka upang mangako ng Paraiso sa kung sinu-sino.

Minamadali nila ang shahadah para hindi raw mamatay ang tao na hindi nag-Muslim. Tanong ko naman, hindi ba't ang ginabayan ni Allah ay wala ring makapipigil sa kanya na mag-Muslim at hindi siya hahayaan ni Allah na mamatay na hindi-Muslim? Hindi ba't ang ginabayan ni Allah, harangan man ng sibat ay magmu-Muslim pa rin? Hindi ba't ang hindi ginabayan, magshahadah man, mag thawb man at mag Ghutrah ay hindi pa rin nagabayan?

Makikita natin na ang gawaing ito ay dulot na labis na pagmamalasakit at paghahabol sa gantimpala na hindi nakabatay sa kaalaman. Pero sa iba ay modus nga ito talaga malaki ang materyal na pakinabang na kasikatan, yaman at impluwensiya. Trabaho lang para sa kanila. Gabayan nawa tayo ni Allah.

MGA PANGANIB AT PINSALA

* Dumarami ang mga nag-shahadah pero hindi naman dumami ang mga Muslim. Sabi nga nila sa Saudi, daming pinoy nag-Muslim pero walang Pinoy sa masjid, kahit sa lugar na maraming Pilipino.
* Napupulaan lamang ang relihiyon dahil ang mga pinilit na mag-shahadah ay maaaring isama ng nga kalaban ng Islam sa bilang ng mga Muslim na umalis sa Islam.
* Napupulaan ang mga du'at na kaunti ang nga nagsa-shahadah sa kanilang Islamic Center dahil ang boss nila ay naghahanap ng libu-libong nagsa-shahadah. Nakakalimutan nila na ang gabay ay nasa gabay ni Allah hindi sa nagpa-shahadah. Pero siyempre may mga duat na tamad din naman kaya walang nagsa -shahadah sa kanila. Yaong mga nanonood lang ng Youtube sa opisina at nakababad lang sa FB, ibang topic naman yaon.
*Related ito sa nauna pero iniisip ngayon ng mgq tao na ang dami ng napashahadah ay ang nag-iisang sukatan ng tagumpay sa Da'wah. Nakalimutan na natin na ang tunay na sukatan dito ay ang dalisay na layunin at pagsunod sa Sunnah. Kaya saan ba sa Sunnah ang pagpapashahadah ng libu-libo para lamang iwanan mag-isa.
*Ang shahadah modus na ito ang nagbibigay sa tao ng ideya na magpanggap na Muslim kaso may mga nagpapa-shahadah na sinasabi nilang may tulong na darating o kaya ay makita nila na ang nagbalik-Islam ay nakakautang sa Muslim etc. May reward ang pagtulong na ito, oo, pero huwag mong ipamukha sa kanila at pamihasain o sanayin sila sa materyal na kapalit ng pagmu-Muslim.

LAHAT TAYO AY MAY PANANAGUTAN DITO

Hindi natin basta mababago ang ugali ng ilang duat na nakikinabang sa shahadah modus at hindi ni basta iiwan ito. Dito na sila yumaman, sumikat, nagka impluwensiya etc, PERO KAYA NATING BAGUHIN ANG ATING MGA SARILI.

Tulungan natin ang sinumang nag-shahadah kahit hindi sa pamamagitan natin-kahit taong mga nagshahadah sa mga modus bilang pangangalaga sa relihiyon.

GABAYAN NAWA TAYO NI ALLAH AT PANGALAGAAN.

✍️ Ustadh Mujahid Navarra

Want your business to be the top-listed Government Service in Jubail?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Address


Jubail
31951