23/03/2026
Sa araw ng inyong kaarawan, nais naming ipaabot ang aming taos-pusong pagbati at pasasalamat sa inyong buhay na naging inspirasyon sa marami. Hindi lamang kayo nakilala bilang dating Bise Alkalde at Konsehal, kundi higit sa lahat bilang 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐩𝐚𝐠𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐓𝐚𝐭𝐚𝐲 𝐚𝐭 𝐡𝐚𝐥𝐢𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚.
Bilang isang ama, kayo ay naging halimbawa ng sipag, tiyaga, at walang sawang sakripisyo upang maitaguyod ang inyong pamilya. Ang inyong pagmamahal, paggabay, at mga aral sa buhay ay patuloy na nagbibigay lakas at inspirasyon sa amin at sa mga taong nakakakilala sa inyo. Ang inyong kabutihan at kababaang-loob ay tunay na kahanga-hanga! 🫶🏼🙌🏼
Ang aming dalangin ay patuloy kayong pagpalain ng Diyos ng magandang kalusugan, mas marami pang taon ng masaya at makabuluhang buhay. Nawa’y patuloy kayong maging inspirasyon bilang isang ama, lider, at huwaran sa marami.
𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧 𝐩𝐨, 𝐓𝐚𝐭𝐚𝐲 𝐓𝐮𝐫𝐢𝐧𝐠! 🎉🎂💚
Mahal na mahal po namin kayo! 💚🎊