13/04/2026
📢 𝐏𝐀𝐔𝐍𝐀𝐖𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎
Magalang pong ipinababatid ng 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐅𝐞𝐝𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐑𝐨𝐬𝐚𝐫𝐢𝐨 na kanselado ang lahat ng scheduled at upcoming “𝐒𝐊” 𝐒𝐩𝐨𝐫𝐭𝐬 𝐋𝐞𝐚𝐠𝐮𝐞 sa buong bayan ng Rosario hanggang sa susunod na abiso.
Ang desisyong ito ay bilang pagsunod sa ipinatutupad na 𝐄𝐱𝐞𝐜𝐮𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐎𝐫𝐝𝐞𝐫 𝐍𝐨. 110 ng ating Pangulo na si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., na nagdedeklara ng 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐞 𝐨𝐟 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐄𝐧𝐞𝐫𝐠𝐲 𝐄𝐦𝐞𝐫𝐠𝐞𝐧𝐜𝐲, gayundin sa 𝐃𝐈𝐋𝐆 𝐌𝐞𝐦𝐨𝐫𝐚𝐧𝐝𝐮𝐦 𝐂𝐢𝐫𝐜𝐮𝐥𝐚𝐫 𝐍𝐨. 2026-023 na nag-uutos ng mahigpit na pagpapatupad ng 𝙚𝙣𝙚𝙧𝙜𝙮 𝙘𝙤𝙣𝙨𝙚𝙧𝙫𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙖𝙩 𝙖𝙪𝙨𝙩𝙚𝙧𝙞𝙩𝙮 𝙢𝙚𝙖𝙨𝙪𝙧𝙚𝙨 sa buong bansa.
Batid po namin ang kasabikan at suporta ng ating mga kabataan at mamamayan sa programang ito. Gayunpaman, sa gitna ng kinahaharap na krisis ng bansa, mas nararapat lamang na maging responsable, maingat, at makabuluhan ang paggamit ng pondo at enerhiya ng ating pamahalaan, kabilang ang Sangguniang Kabataan.
Sa kabila nito, nais po naming tiyakin na ang bawat SK sa bayan ng Rosario ay patuloy na magpapatupad ng mga programang napapanahon, makabuluhan, at direktang makatutugon sa pangangailangan ng ating mga kabataan sa kasalukuyang sitwasyon.
Kami po ay taos-pusong humihingi ng inyong pang-unawa, suporta, at pakikiisa.
Maraming salamat po.