25/07/2026
𝐏𝐑𝐎2, 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀𝐊𝐀𝐒 𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐆𝐈𝐓𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐂𝐀𝐏𝐀𝐁𝐈𝐋𝐈𝐓𝐘 𝐍𝐆 𝐏𝐍𝐏 𝐈𝐒𝐀𝐁𝐄𝐋𝐀
𝐏𝐑𝐎2, 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀𝐊𝐀𝐒 𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐆𝐈𝐓𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐂𝐀𝐏𝐀𝐁𝐈𝐋𝐈𝐓𝐘 𝐍𝐆 𝐏𝐍𝐏 𝐈𝐒𝐀𝐁𝐄𝐋𝐀
Pinalakas ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang kakayahan ng mga pulis sa Isabela sa paggamit ng social media sa isinagawang Cascading of Social Media Primer noong July 24 sa Camp Lt. Rosauro D. Toda Jr. Layunin ng aktibidad na turuan ang mga social media handlers at Community Affairs personnel ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) na maging responsable at epektibo sa pagpapakalat ng impormasyon online.
Binigyang-diin ni PRO2 Public Information Office Chief, PMAJ Sharon C. Mallillin, ang kahalagahan ng pagsunod sa PNP Social Media Policy upang maiwasan ang fake news at mapanatili ang kredibilidad ng organisasyon. Ayon kay PCADU Chief, PLTCOL Jomar F. Julian, ang social media ay nagsisilbing tulay upang mas mapatibay ang ugnayan ng kapulisan at ng mga mamamayan sa lalawigan.
Nagpasalamat si Isabela Police Provincial Director, PCOL Manuel B. Bringas, sa inisyatibong ito na magsisilbing sandata ng mga pulis laban sa maling impormasyon. Inaasahang sa pamamagitan ng pagsasanay, mas magiging propesyonal ang paggamit ng digital platforms ng PNP Isabela upang mas mapalakas ang tiwala ng publiko sa kanilang mga serbisyo.
Courtesy: PNP Isabela