03/04/2026
Isang makulay at makahulugang yugto ang ating pinagdiriwang ngayong Taong Panuruan 2025–2026! 🌈🎓
Taos-pusong pagbati sa ating mga munting mag-aaral sa Kindergarten Moving Up Ceremony ng Verdant Homes Elementary School. Ang inyong sipag, tiyaga, at mga munting tagumpay ay patunay na handa na kayong harapin ang susunod na hakbang ng inyong paglalakbay sa edukasyon.
Sa pamumuno ng ating butihing punong-g**o, Dr. Delia B. Poblete, patuloy nating itinataguyod ang dekalidad at makabuluhang pagkatuto para sa bawat bata.
Lubos din naming ikinararangal ang presensya ng ating Guest Speaker, “Kryzell Gyne Flores Denajiba, LPT”, na magsisilbing inspirasyon sa ating mga batang nagsisimula pa lamang abutin ang kanilang mga pangarap.
Mabuhay ang ating mga batang magsisipagtapos! Patuloy kayong mangarap, magsumikap, at magningning! ✨
30/03/2026
Sa isang makabuluhan at marangal na yugto ng Taong Panuruan 2025–2026, taos-puso naming ipinapaabot ang aming pinakamataas na pagbati sa lahat ng mga mag-aaral na nagkamit ng karangalan. Ang inyong tagumpay ay bunga ng walang sawang pagsisikap, matibay na determinasyon, at dedikasyon sa pag-aaral—mga katangiang tunay na kahanga-hanga at dapat ipagmalaki.
Kayo ay nagsisilbing liwanag at inspirasyon sa inyong kapwa mag-aaral, gayundin sa buong pamayanan ng paaralan. Sa bawat medalya at pagkilala ay nakapaloob ang inyong mga sakripisyo, pangarap, at ang suporta ng inyong mga magulang at g**o na patuloy na gumagabay sa inyong paglalakbay.
Nawa’y magsilbi ang tagumpay na ito bilang matibay na pundasyon sa inyong patuloy na pag-abot ng mas matatayog pang mithiin. Dalhin ninyo ang dangal, kababaang-loob, at pagmamahal sa pagkatuto saan man kayo dalhin ng inyong mga pangarap.
Muli, isang taos-pusong pagbati sa inyong lahat. Mabuhay kayo, mga batang may karangalan! 🌟
30/03/2026
🎓 Graduation 2026 🎓
Isang tagumpay na bunga ng sipag, tiyaga, at panalangin. Ngayon ay ating pinupugay ang lahat ng nagsipagtapos—handa na sa bagong yugto ng buhay na puno ng pangarap at pag-asa.
✨ “Tagumpay ay hindi wakas, kundi simula ng panibagong laban.”
Congratulations Graduates of 2026! 🎉👏
30/03/2026
𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 2026
Isang makahulugan at masayang pagdiriwang ang ating pinagsaluhan sa pagtatapos ng mga mag-aaral ng Verdant Homes Elementary School para sa Taong Panuruan 2025–2026. Ang okasyong ito ay sumasalamin sa kanilang sipag, determinasyon, at mga tagumpay na magsisilbing gabay sa susunod na yugto ng kanilang paglalakbay sa edukasyon.
Lubos ang aming pasasalamat sa ating panauhing pandangal, PAT. Reach Ann D. Hintog, para sa kanyang makabuluhan at nakapagbibigay-inspirasyong mensahe na nagpatibay ng loob ng ating mga nagsipagtapos.
Taos-puso ring nagpapasalamat ang buong pamunuan ng VHES, sa pamumuno ni Gng. Delia B. Poblete, sa lahat ng mga g**o, magulang, at mga katuwang ng paaralan na patuloy na sumusuporta upang maging matagumpay ang Taong Panuruan 2025–2026.
Sa ating mga nagsipagtapos, ipagpatuloy ninyo ang pag-abot sa inyong mga pangarap, dalhin ninyo ang mga aral na inyong natutunan sa VHES, at magsilbing inspirasyon sa iba.
Mabuhay ang Batch 2026!
12/03/2026
“Ready and safe! The National Simultaneous Earthquake Drill now includes Verdant Homes Elementary School.
04/03/2026
March is National Women's Month 2026: "Lead like the Babaylans, Filipinas!"
School Head: Dr. Delia B. Poblete
AOII: Jurhene Irish C. Diesta
02/03/2026
Division Early Language Literacy and Numeracy Validation
(CRLA and RMA)
February 27, 2026
SH: Dr. Delia B. Poblete
24/02/2026
VOTING ENDS 5:30PM ON FEBRUARY 25, 2026.
22/02/2026
📢 4th Week Early Registration
21/02/2026
Magpalista na! Huwag magpahuli sa huling Sabado ng Early Registration. Pumunta lamang sa paaralan at makipag-ugnayan sa mga g**o.
Magpalista na!
Dalhin ang sumusunod:
1. Incoming Kindergarten: Photocopy of PSA/Birth Certificate
2. Incoming Grade 1: Photocopy of PSA/Birth Certificate
3. Balik-aral: Report Card mula sa Baitang na pinanggalingan
Lunes hanggang Sabado simula January 31-February 27, 2026