27/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ โ๏ธ
Nitong May 26, 2026 ay isinagawa ang libreng gupit sa Buhay na Tubig Elementary School sa pakikipag-ugnayan ng City Government of Imus at Barangay Buhay na Tubig.
Maraming salamat sa patuloy na pagbibigay-serbisyo para sa ating mga mag-aaral at komunidad!
27/05/2026
๐โจ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ โจ๐
๐ ๐บ๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ซ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ซ๐๐๐๐ ๐
Donation Period: June 1-5, 2026
Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa sa ating programang pang-donasyon para sa mga mag-aaral na nangangailangan.
Maaari po kayong magbigay ng mga sumusunod:
โ๏ธ BNTES School Uniform
โ๏ธ School Shoes (Black)
โ๏ธ BNTES PE Uniform
โ๏ธ PE Shoes
โ๏ธ School Supplies
โ๏ธ At iba pa
๐ Maaaring bago o kinalakihan na ngunit maayos at magagamit pa ng ibang mga mag-aaral.
๐ Ang inyong simpleng tulong ay malaking hakbang upang masuportahan ang pag-aaral at pangarap ng ating mga kabataan.
๐ Para sa mga magdo-donate, maaari pong ilagay ang inyong donasyon sa donation box na matatagpuan sa BNTES Covered Court.
Maraming salamat po sa inyong kabutihan at pakikiisa! โค๏ธ๐
26/05/2026
๐๐ฅ๐๐๐๐๐ ๐๐ฆ๐๐ช๐๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐ซ
Tara na at makiisa sa Brigada Eskwela 2026! Sama-sama nating ihanda ang paaralan para sa ligtas, malinis, at maayos na pagbubukas ng klase.
Inaanyayahan ang mga magulang, mag-aaral, stakeholders, at buong komunidad na makibahagi sa diwa ng bayanihan para sa edukasyon.
Bawat tulong ay mahalaga. Kita-kits sa Brigada Eskwela! โจ
24/05/2026
Magandang araw po sa ating mga minamahal na magulang at tagapag-alaga!
Bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng klase, sama-sama nating suportahan ang Oplan Balik Eskwela 2026 upang matiyak ang maayos, ligtas, at masayang pagbabalik-eskwela ng ating mga mag-aaral.
Hinihikayat ang mga magulang, mag-aaral, at buong komunidad na makiisa at makipagtulungan para sa matagumpay na pagsisimula ng panuruang taon.
Narito ang mahahalagang petsa bilang bahagi ng ating Oplan Balik Eskwela 2026 upang maging maayos at organisado ang pagbubukas ng klase:
๐ Mayo 28, 2026 - Posting of List of Pupils and Sections
๐ Hunyo 3, 2026 (8:00 AM - 12:00 NN) - Parentsโ Orientation (Kindergarten)
๐ Hunyo 4, 2026 (8:00 AM - 12:00 NN) - Parentsโ Orientation (Grades 1-3)
๐ Hunyo 5, 2026 (8:00 AM - 10:00 AM) - Parentsโ Orientation (Grades 4-6)
Inaanyayahan po namin kayo sa gaganaping Parentsโ Orientation para sa darating na taong panuruan. Layunin namin na maipabatid sa inyo ang mahahalagang impormasyon tungkol sa mga programa ng paaralan, iskedyul ng klase, mga alituntunin, at iba pang kaugnay na patakaran.
Ang inyong pakikilahok ay napakahalaga upang mas mapagtibay ang ugnayan ng tahanan at paaralan para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.
Inaanyayahan po ang lahat na dumalo
24/05/2026
Magkakaroon po ng Barangay Libreng Gupit sa darating na Mayo 26, 2026 (Martes) sa Buhay na Tubig Elementary School.
Oras: Magsisimula ng 8:30 ng umaga
Lugar: Buhay na Tubig Elementary School Covered court
Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa nasabing aktibidad. Samantalahin ang pagkakataong makapagpagupit nang libre! ๐โโ๏ธ๐โโ๏ธ
Lalo na sa ating mga mag-aaral, magandang pagkakataon ito upang maging mas maayos at handa sa pagpasok. Kita-kits po!
13/05/2026
BIG CONGRATULATIONS! ๐
Our amazing School Registrar's Clerk is now a Licensed Professional Teacher! ๐ฉโ๐ซโจThe entire community proudly congratulates you.
Your journey inspires us allโcheers to this well-deserved success in the March 2026 LET! ๐
11/05/2026
๐ฆ๐๐๐๐๐จ๐๐ ๐ข๐ ๐๐ก๐ฅ๐ข๐๐ ๐๐ก๐ง ๐๐ก๐ ๐ฅ๐๐๐๐๐ฆ๐ ๐ข๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐ข๐ฅ๐ง ๐๐๐ฅ๐ ๐ฃ๐ฃ๐ฃ
Inaanyayahan po ang lahat ng magulang at mag-aaral para sa enrolment para sa darating na School Year 2026-2027 sa Buhay na Tubig Elementary School
Narito po ang schedule para sa enrollment at ang release of report card ng mga mag-aaral ng Buhay na Tubig Elementary School
๐ Mahalagang Paalala: Mahigpit pong ipinapakiusap na sundin ang nakatalagang schedule ng release of report card per grade level upang maging maayos, organisado, at maiwasan ang pagsisiksikan sa paaralan. Gayundin po, ang schedule of enrollment para sa bawat baitang.
๐๐ก๐ฅ๐ข๐๐ ๐๐ก๐ง ๐๐ข๐ฅ:
โ
Kindergarten
โ
Grade 1
โ
Transferees (Grade 2-6)
โ
Balik-Aral
๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐ก๐ ๐๐ข๐๐จ๐ ๐๐ก๐ง๐ข:
๐ง ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ฒ๐ฟ๐ด๐ฎ๐ฟ๐๐ฒ๐ป
โ Photocopy ng PSA Birth Certificate
โ Cut-off Birth Date: October 31, 2021
๐ง ๐๐ฟ๐ฎ๐ฑ๐ฒ ๐ญ
โ Photocopy ng PSA Birth Certificate
โ Original Report Card
โ ECCD Checklist
๐ ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ธ-๐๐ฟ๐ฎ๐น / ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ป๐๐ณ๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ฒ
โ Original Report Card
โ Photocopy ng PSA Birth Certificate
Maraming salamat po
06/05/2026
๐๐ฅ๐๐ ๐ฅ๐ฒ๐ฎ๐ฑ๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ ๐ฎ๐๐ต๐ฒ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐ฐ๐ ๐ฆ๐๐บ๐บ๐ฒ๐ฟ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น๐น๐ ๐๐ฎ๐๐ป๐ฐ๐ต๐ฒ๐ฑ โจ
Matagumpay na inilunsad ang ARAL Reading and Mathematics Summer Program na naglalayong higit pang mapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa at matematika ngayong bakasyon.
Bilang panimula, nagsagawa ng maikli ngunit malinaw na orientation bago tuluyang pumasok ang mga mag-aaral sa kani-kanilang klase. Dinaluhan ito ng mga magulang/guardian at mag-aaral upang mas maunawaan ang layunin, alituntunin, at daloy ng programa.
Pinangunahan ang programang ito nina Maโam Grace Ann Sorosoro - ARAL Reading Coordinator, Sir Jonel Hitosis - ARAL Mathematics Coordinator, at ang punongg**o ng paaralan, Sir Jesus V. Bergado, kasama ang mga ARAL Tutors/Volunteers
Sa sama-samang pagtutulungan ng mga g**o, magulang, at mag-aaral, inaasahang magiging makabuluhan at matagumpay ang ARAL Summer Program na ito.
21/04/2026
๐ฆ๐ฃ๐ง๐ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ท๐ฒ๐ฐ๐ ๐ฆ๐ฌ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ-๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Isang malaking hakbang tungo sa mas ligtas at maayos na kapaligiran para sa ating mga mag-aaral!
Matagumpay na naisakatuparan ang pagpapasemento ng mababang daanan sa PPP building, isang lugar na dati ay naiipunan ng tubig tuwing umuulan. Dahil dito, nahihirapan at nalalagay sa alanganin ang mga bata sa kanilang pagdaan. Ngayon, mas maayos, ligtas, at komportable na ang kanilang pagpasok at paglabas kahit tag-ulan.
Ang proyektong ito ay naging posible sa pagtutulungan at dedikasyon ng mga SPTA Officers sa pangunguna ni SPTA President Corita Relloso, kasama sina:
Vice President: Jason Bautista
Secretary: Rachelle Cruz
Treasurer: Bodeliza Bondad
Auditor: Amor Santos
BOD: Narrah Capillanes
BOD: Alfie Manalastas
Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa lahat ng mga magulang at stakeholders na sumuporta at nagbigay ng kanilang tulong upang maisakatuparan ang proyektong ito.
14/04/2026
Imusenyo we need your Support!
Hit Like, Heart or Wow to the photo of Region 4A School Paper Exhibit Booth.
Isa sa mga School Paper na nasa Exhibit Booth ng CALABARZON ay ang โEastern Meridianโ ang official na pahayagang pamparaalan ng Gov. DM. Camerino Integrated School.
Laban CALABARZON, Laban Imus City!
๐๐๐
SCHOOL PAPER EXHIBIT: Region 4A (CALABARZON)
Iboto ang inyong paboritong School Paper Exhibit booth sa pamamagitan ng LIKE, HEART, o WOW โ ang litratong may pinakamaraming reaction pagsapit ng April 16, 3PM ang mananalo.
Cast your votes now! ๐๐ผโค๏ธ๐ฎ
08/04/2026
Isang taos-pusong pasasalamat sa ๐๐ฟ๐ฎ๐ฑ๐ฒ ๐ฒ ๐๐ฎ๐๐ฐ๐ต ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ-๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ, sa pangunguna ng kanilang Grade Level PTA Officers, sa kanilang proyekto para sa ating paaralan!
Sila ay naghandog ng 50 pcs na monoblock chairs, 9 pcs na trash bins, at 3L ng pintura.
Malaki po ang maitutulong nito sa pagpapabuti ng ating paaralan. Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at malasakit.