13/11/2013
APPLY NOW!
Provincial Scholarship Program Opens on November 13, 2013. Tulong sa iskolar ng lalawigan, muling ipinamahagi Bilang pagtupad sa kanyang adhikain na matulungan ang mga kabataan sa kanilang edukasyon, pinangunahan ni Gobernador Jonvic Remulla.
Online Scholarship program in now accepting applicants from November 13 to December 02, 2013 only.
Puntahan po lamang ang link na ito at i-verify ang pangalan ng estudyante kung qualify. http://www.cavite.gov.ph/psp/
http://www.cavite.gov.ph/home/index.php/hot-news-articles/337-provincial-scholarship-program-opens-on-november-13-2013
29/10/2013
Ako'y taos pusong nagpapasalamat sa ating Poong Maykapal at naging matagumpay at mapayapa sa pangkalahatan ang nagdaang Barangay eleksyon. Ako'y sumasaludo din sa ating mga kabarangay na nagtyagang pumila makaboto lamang. Hindi nila alintana ang init ng panahon, siksikan, uhaw, gutom, pagod at haba ng pila maihayag lamang ang kanilang kaparatang pumili at ang kanilang boses. Maraming salamat din sa mga g**o, poll watchers, at mga pulis na matyagang nagbantay noong halalan.
Sa mga nanalong kandidato, nawa'y ito na ang simula ng pagbabagong inaasam-asam ng bawat isa sa atin sa Barangay Lumbreras. Sana ay ibalik ninyo sa taong bayan ang tiwalang ibinigay nila sa inyo sa pamamagitan ng pagtupad sa inyong mga pangako at sana’y maipagpapatuloy ang mga magagandang bagay at hakbangin na napasimulan ng nagdaang pamunuan (2010-2013).
Sa mga natalong kandidato naman ay tanggapin natin ng maluwag at taos sa ating mga puso ang pagkabigo. Alalahanin din sana natin na kahit wala tayo sa katungkulan ay maaari pa rin tayong tumulong at maglingkod sa ating mahal na barangay, isang magandang halimbawa nito ay ang pakiki-isa at pagsuporta sa mga nilalatag na mga programa at proyekto ng bagong pamunuan at sangguniang barangay (2013-2016).
Ito na sana ang simula ng pagbabagong ating hinahangad, ang tunay na pagkakaisa isa at ang unang hakbang tungo sa ating inaasam na mas magandang kinabukasan.
Lumbreras, Marangal Ka! Mabuhay po ang buong mamamayan ng Barangay Jacinto Lumbreras!
-Hasinto
27/10/2013
PANALANGIN PARA SA MAPAYAPANG HALALAN.
manalangin po tayo bago bumoto.
Panginoon, pagpalain Niyo po sana ang aming Barangay eleksyon.
Patnubayan Niyo po sana ang isipan namin, upang mapili namin ang mga karapat-dapat na mamuno sa aming komunidad.
mga pinunong MAKABAYAN, na mangangalaga sa kapakanan ng ka-barangay at di ng kanilang sarili;
mga pinunong MARUNONG mamahala, upang maging maayos ang pamamalakad ng aming pamahalaan barangay;
mga pinunong MASIPAG sa pag-ganap ng mga tungkulin nilang sinumpaan;
mga pinunong MARANGAL, ‘di nasisilaw sa salapi, at matapang na lumalaban sa katiwalian;
at higit sa lahat, mga pinunong MAKA-DIYOS na laging sumusunod sa Inyong kalooban.
Ipagkaloob po Ninyo ang aming hiling, na maging malinis, mapayapa at makabuluhan ang halalan pong ito.
Gabayan Niyo po kami sa lahat ng oras, sa tamang pagpili ng mga mamumuno sa aming barangay, upang tuluyan nang magkaisa at umunlad ang aming mahal na Barangay Jacinto Lumbreras.
Hiling po naming ito sa Inyo, Panginoon na aming tagapagligtas.
Amen.
26/10/2013
Isasantabi mo ba ang karapatan mong pumili ng mga nararapat na ihalal na pinuno ng ating Barangay? Kilos na.
25/10/2013
Mga mahal kong ka-barangay ilang araw na lamang po at nasa ating nang pagpapasya kung sino-sinung mga pinuno ang ating itatala sa ating sagradong balota. May ilang araw pa po para muling maging mapag-panuri.
Atin pong pakatandaan na buong tatlong taong kaginhawahan, pagkakaisa, katahimikan at kaayusan ang ating makakamtan kung ang mailuluklok po natin ay yung tama, puma-parehas, tapat at tunay na maglilingkod sa ating barangay...
Gayun pa man tatlong taon problema, pagkakawatak-watak, kahirapan at pagtuturuan ang ating namang makakamit kung tayo po ay magkakamali sa ating mga pipiliing mga tao. Suriin po natin ng husto ang bawat isang kandidato at pumili ng mga pinunong mag-seserbisyo, maaasahan at karapat-dapat.
LUMBRERAS Marangal ka! "Ang kandidatong bumibili ng boto, negosyo ang habol, hindi serbisyo!"
21/10/2013
Maging maparaan... ilaw galing sa plastik na bote upang makatipid sa bayarin sa kuryente.
http://aliteroflight.org/ - Ang galing ng Pinoy!
How to Build a Solar bottle
Contact 0939.9166770 or email: [email protected] Bring Light to the poor, 1 liter at a time. Join us as we help light one million homes by 2012. Give love. Gi...
23/08/2013
Mga ka-distrito, bukas po ang aming opisina para sa mga gustong mag-aral ng LIBRENG TECHNICAL SKILLS TRAINING NA BARISTA. Magsadya lamang po kayo dito sa ating District Office sa Carmona Municipal Hall o tumawag po kayo sa numerong (046) 482-0617 at hanapin po ninyo si Ms. Celia Gabijan. - Cong. Roy
https://www.facebook.com/Cong.RoyM.Loyola
21/08/2013
SURVIVAL KIT: Dapat maging handa tayo ano mang oras.