31/08/2019
Bmtf Shirts Tee
Born on August 31 1950
31/08/2019
14/05/2019
Hindi man maisakatuparan ang ating ninanais na maging resulta ng nagdaang halalan, tayo po ay nananawagan sa lahat na irespeto ang naging proseso dahil ito ay bahagi ng ating demokrasya. Tao po tayo, hindi natin maitatago ang pagkadismaya, ngunit sa bandang huli, tayo po ay kailangang kumilos pa din mula sa puntong ito para sa ating pang-araw araw na buhay, para sa pamilya, at para sa bayan.
Hindi man natin mabawi ang kapitolyo para sa adhikaing maibalik ang sigla ng ating lalawigan, ngunit ang laban natin ay higit pa sa nagdaang halalan. Sa mga panahong ito na nananaig pa din ang corrupt na sistema, nais pa rin nating ipakita na mayroon pa ring tumatayo na may prinsipyo at paninindigan sa pag-asa na mamulat ang mga tao na hindi lang sa basta pera o impluwensya ang labanan. Nangangarap tayo na darating ang araw na mawawala tayo sa gapos ng corrupt na sistemang ito sa pamamagitan ng pangunguna ng kabataan, at mamamayan na matalino at may pakialam sa kapakanan ng bayan.
Higit sa lahat, asahan po ninyo na nandito pa rin si Governor Edno Joson, patuloy na magbabantay, at magmamasid, patuloy na magiging aktibo sa gawaing pang-kaunlaran at tutulong sa abot ng makakaya.
Maraming salamat po sa halos isang-daang libong TUNAY NA BOTO mula sa konsensya at puso ng Ecijano na ating natanggap sa lumipas na halalan. At sa mga bagong mamumuno sa ating lalawigan, ipinapaabot natin ang ating pagbati at inuudyok ko kayo na unahin ang kapakanan ng Ecijano, higit sa lahat.
Edno Joson po 4 Governor.
Wag nyo po kalimutan,
Number 4 po😊
Edno Joson po 4 Governor.
14/04/2019
Suportado ni noo'y Congressman Edno Joson ang pagkakaroon ng isang "Anti-Dynasty" law na magbabawal o maglilimita sana sa mga magkakamag-anak na humawak ng iba't-ibang posisyon sa gobyerno, lalo na ang mga pwestong inihahalal ng tao. Naniniwala siya na kahit gaano kabuti ang paglilingkod ng mga magkaka-anak, dapat ay mabigyan pa din ng pagkakataon ang ibang indibidwal na may kapasidad na maglingkod sa bayan. Kaya naman kahit siya mismo ay galing sa Pamilya Joson na kilalang prominenteng pamilya sa pulitika, buong loob nya na isinulong ito.
13/04/2019
13/04/2019
Nais ba nating maibalik ang sigla ng ating lalawigan, na naipapakita sa pagpapatayo ng mga istruktura gaya ng Provincial Sports Complex, Provincial Dormitory, School and Hospital Buildings, Freedom Park, at Provincial Capitol? Samahan natin si sa adhikaing maibalik ang dating sigla ng Nueva Ecija! Sa darating na Mayo 13, i-shade sa balota, (4) para Gobernador, Edno Joson.
13/04/2019
Sa paglapit ng araw ng halalan, may konting paalala lang si sa ating mga mamamayan, para sa pagmamalasakit sa ating bayan at mahal na lalawigan.
13/04/2019
Sinisugurado ni na walang maiiwan na Ecijano sa paglilingkod at serbisyo ng kapitolyong mas ipapalapit sa tao. Bukod sa mga pangkalahatang serbisyo, tutuon din si Governor Edno Joson sa mga sektor ng lipunan para sa mas epektibong paghahatid ng serbisyo publiko.
04/02/2019
Hindi natin hahayaan na maging pang-throwback na lang ang larawan ni sa Kapitolyo. Samahan natin siya sa kanyang adhikain na ibalik ang tunay at maprinsipyong paglilingkod para sa mga Ecijano.
Naniniwala si na "THE PEOPLE DESERVE NOTHING BUT THE BEST, ESPECIALLY THE ECIJANO"... Kaya dapat "The Best" din ang nasa Kapitolyo.
20/01/2019
Si ay hindi na bago sa larangan ng serbisyo publiko. Siya ay naging Assemblyman noong ang kongreso ay Batasang Pambansa pa. Tuluyan siyang naging Kongresista at kinatawan niya ang Unang Distrito ng Nueva Ecija ng dalawang termino. Pinamunuan niya rin ang National Food Authority at naging kasapi ng gabinete ni Dating Pangulong Erap Estrada. Higit sa lahat, siya rin ay naging Gobernador at ama ng ating mahal na lalawigan.
Ibalik natin ang dating sigla ng Nueva Ecija. Subok na natin si
