Barangay Valencia Quezon City 2018

Barangay Valencia Quezon City 2018

Share

PBJulieSalmingoKgds:KayeFerrerJunBingcangCecilleRiveraNida SillonRaquelYapeLynnieBulaoTanzFrial

27/05/2026

Ang ating classroom ay limitado lamang kaya hinihikayat po namin ang lahat na magpatala nang maaga upang masigurong mapabilang sa mga tatanggapin.

πŸ“Œ Batch 1 – hanggang 18 learners lamang
πŸ“Œ Batch 2 – hanggang 17 learners lamang

First come, first served basis po tayo.

24/05/2026

Maging katuwang namin pag report -QC iReport

May tambak na basura? Sirang streetlight? O lubak-lubak na kalsada sa inyong lugar? I-report agad sa QC iReport!

Mas mabilis at mas madali nang magsumite ng non-emergency concerns at reklamo sa Quezon City, kahit saan, kahit kailan.

Bisitahin ang QC eServices website o i-scan ang QR code para makapag-report.

credits: Quezon City Government

Photos from Quezon City Government's post 22/05/2026

SCHOLARSHIP PROGRAM NG QUEZON CITY

22/05/2026

HOLIDAY MAY 27, 2026 WEDNESDAY

ππ‘πŽπ‚π‹π€πŒπ€π“πˆπŽπ 𝐍𝐎. πŸπŸπŸ”πŸ’, 𝐬. πŸπŸŽπŸπŸ”

Declaring Wednesday, 27 May 2026, a Regular Holiday Throughout the Country, in observance of Eid'l Adha (Feast of Sacrifice)

Visit the Official Gazette website: https://www.officialgazette.gov.ph/RJdUhv

21/05/2026

GOOD NEWS MGA PARENTS AND GUARDIANS!

Maaari na pong i-enroll ang ating mga bata simula sa Lunes, alas 10:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon sa ating DAYCARE.

Hanapin lamang po sina
πŸ‘©β€πŸ« Teacher Marissa
πŸ‘©β€πŸ« Teacher Aid Lorna

Maraming salamat po!

20/05/2026
Photos from Barangay Valencia Quezon City 2018's post 19/05/2026

BARANGAY VALENCIA SANTACRUZAN AT FLORES DE MAYO 2026 πŸ‘‘πŸŒΉ

Isang makulay at makahulugang pagdiriwang ng pananampalataya at debosyon sa ating Mahal na Birheng Maria ang matagumpay na idinaos sa Barangay Valencia sa pamamagitan ng Santacruzan at Flores de Mayo 2026, na dinaluhan ng humigit-kumulang 80 sagala.

Ang makabuluhang gawaing ito ay pinangunahan ng ating Committee Chairman for Cultural Affairs, Kagawad Rolando Frial, sa suporta ng buong Sangguniang Barangay sa pamumuno ng ating mahal na Punong Barangay, Julie Salmingo.

Sa programang ito, ibinahagi ang kasaysayan ng Santacruzanβ€”kung paano ito nagsimula bilang tradisyong Katoliko at kung paano ipinakilala ang mga makasaysayang karakter na kinakatawan ng bawat sagala. Sa bawat kasuotan at paglalakad, muling nabuhay ang mga simbolo ng pananampalataya, kabutihan, at paggalang sa ating Mahal na Inang Maria.

Higit pa sa isang makulay na prusisyon, ang Santacruzan ay isang taos-pusong pagpapahayag ng ating debosyon sa Mahal na Birhen at isang paalala ng kahalagahan ng pananampalataya, pagkakaisa, at pagmamahalan sa ating komunidad.

Maraming salamat sa lahat ng mga magulang, kalahok, at mga tumulong na naglaan ng oras, pagod, at sariling gastos upang maging matagumpay at makabuluhan ang pagdiriwang na ito.

Ave Maria! πŸ™πŸ’™πŸŒΉ



18/05/2026

PAANYAYA NG ATING PUNONG LUNGSOD JOY BELMONTE SA MGA MAGULANG AT TAGAPAG-ALAGA NG BARANGAY VALENCIA, QUEZON CITY

Protektahan natin ang ating mga anak laban sa Tigdas (Measles) at Rubella (German Measles)!

Sa buong buwan ng Hunyo 2026, isasagawa ang LIGTAS TIGDAS: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (SIA) para sa mga batang may edad 6 hanggang 59 buwan (5 taong gulang pababa).

Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Quezon City