Negosyo Center Pangasinan: San Nicolas - LGU

  • Home
  • Negosyo Center Pangasinan: San Nicolas - LGU
Contact the organization

Negosyo Center Pangasinan: San Nicolas - LGU The Negosyo Center promotes ease of doing business and facilitates access to services for MSMEs.

27/10/2026

11th COMMUNITY RUN 💙❤️

Pangasinan Run Club x DTI Pangasinan! 💙❤️

We are truly proud and honored to announce that for the first time in our Community Run series, the Department of Trade and Industry (DTI) has entrusted Pangasinan Run Club to be part of their celebration of Consumer Welfare Month.

This partnership is a meaningful milestone for PRC and a testament to the trust placed in our running community to promote not only an active and healthy lifestyle, but also awareness, responsibility, and consumer welfare.

📅 October 11, 2026 (Sunday)
⏰ 4:30 AM
📍 Pangasinan Provincial Capitol

Let’s run together with a purpose as we promote safe products, informed choices, and confident consumers! 💙❤️

We are grateful to the Department of Trade and Industry for this opportunity and for trusting Pangasinan Run Club to be part of this meaningful celebration.

See you, mga ka-PRC! 🏃‍♀️🏃‍♂️

27/10/2026

🛍️ “𝐍𝐎 𝐑𝐄𝐓𝐔𝐑𝐍, 𝐍𝐎 𝐄𝐗𝐂𝐇𝐀𝐍𝐆𝐄”? 𝐁𝐀𝐖𝐀𝐋 ’𝐘𝐀𝐍!

Ngayong Consumer Welfare Month 2026, mahalagang malaman ng bawat mamimili ang kanilang mga karapatan! 💙

Sa ilalim ng Republic Act No. 7394 o Consumer Act of the Philippines, ipinagbabawal ang paggamit ng salitang “No Return, No Exchange” dahil maaari itong magbigay ng maling akala na walang karapatan ang mga mamimili na ibalik ang produkto o humiling ng nararapat na remedyo para sa mga produktong may depekto o serbisyong hindi naaayon sa ipinangako.

📌 Tandaan: May karapatan kang humiling ng nararapat na remedyo kung ang biniling produkto ay depektibo o hindi naaayon sa ipinangako ng nagbebenta.

Alamin ang iyong mga karapatan at maging mapanuring mamimili!

💙 Safe Products, Confident Consumers!

26/10/2026

💰𝐊𝐔𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀 𝐒𝐔𝐊𝐋𝐈? 𝐁𝐀𝐖𝐀𝐋 𝐘𝐀𝐍!

Ngayong Consumer Welfare Month 2026, mahalagang maging mapanuri at alamin ang iyong mga karapatan bilang mamimili! 💙

Sa ilalim ng Republic Act No. 10909 o No Shortchanging Act of 2016, ipinagbabawal ang hindi pagbibigay ng tamang sukli sa mga mamimili. Kung walang eksaktong sukli, kailangang ibigay ng tindahan o establisyemento ang tamang halaga ng sukli, kahit sentimo, at hindi ito maaaring palitan ng kendi o anumang produkto nang walang pahintulot ng mamimili.

📌 Tandaan: Bilang mamimili, bilangin ang iyong sukli bago umalis sa tindahan at humingi ng resibo. Bilang negosyante, tiyaking tama ang sukli sa bawat transaksiyon.

Sama-sama nating isulong ang patas na kalakalan at proteksiyon ng bawat mamimili!

Safe Products, Confident Consumers! 💙

22/10/2026
21/10/2026

🔥 𝐌𝐀𝐆-𝐈𝐍𝐆𝐀𝐓 𝐒𝐀 𝐅𝐑𝐀𝐔𝐃 𝐋𝐏𝐆 𝐈𝐍𝐒𝐏𝐄𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐂𝐇𝐄𝐌𝐄!

Ngayong Consumer Welfare Month 2026, mahalagang maging mapanuri at alerto laban sa mga mapanlinlang na gawain na katulad ng LPG inspection scheme na nanlilinlang sa mga mamimili. 💙

📌 Tandaan ang mga sumusunod:
Huwag basta magbahagi ng personal na impormasyon o makipag-usap sa mga kahina-hinalang nag-aalok ng inspeksiyon. Walang sinuman ang maaaring pumasok sa inyong tahanan nang walang pahintulot. Huwag ding magpaloko sa mga nag-aalok ng LPG anti-leak o energy-saving devices na walang kaukulang awtorisasyon. Siguraduhing may PS Mark o ICC sticker ang binibiling LPG regulator at bumili lamang ng LPG accessories sa mga awtorisado at mapagkakatiwalaang LPG dealer.

Kung may kahina-hinalang insidente, agad itong i-report sa pinakamalapit na DTI Office o Negosyo Center sa inyong lugar. Maaari ring mag-email sa [email protected] o [email protected], o tumawag sa DTI Hotline 1-384.

Maging mapagmatyag, magtanong, at huwag mag-atubiling mag-report upang maprotektahan ang iyong sarili, pamilya, at komunidad laban sa panlilinlang.

Safe Products, Confident Consumers! 💙💛

19/10/2026

🏷️ 𝐓𝐀𝐌𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐄𝐒𝐘𝐎, 𝐊𝐀𝐑𝐀𝐏𝐀𝐓𝐀𝐍 𝐌𝐎!

Ngayong Consumer Welfare Month 2026, mahalagang maging matalino at mapanuri sa bawat pagbili! 💙

Ang Republic Act No. 7394 (Consumer Act of the Philippines) at Republic Act No. 71 (Price Tag Law) ay naglalayong protektahan ang mga mamimili at itaguyod ang patas na kalakalan. Tinitiyak ng Price Tag Law na dapat malinaw na nakasaad ang presyo ng mga produktong ibinebenta upang maging gabay ng mga mamimili sa kanilang pagbili.

📌 Tandaan: Kung magkaiba ang presyo sa shelf tag at sa cashier, ang mas mababang presyo ang dapat bayaran. Suriin ang presyo bago bumili at huwag kalimutang humingi ng resibo!

Safe Products, Confident Consumers! 💙

19/10/2026

🌟 SAVE THE DATE! 🌟

The North is coming to Manila!

📅 November 28, 2026 to December 2, 2026
📍 Midtown Atrium, Robinsons Place Manila

Join the RANIAG ti Amianan Trade and Travel Expo 2026 and experience the finest products, destinations, and culture of Region 1.

✨ More details coming soon!




14/10/2026

🛡️ 𝐒𝐀𝐅𝐄 𝐏𝐑𝐎𝐃𝐔𝐂𝐓𝐒, 𝐂𝐎𝐍𝐅𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓 𝐂𝐎𝐍𝐒𝐔𝐌𝐄𝐑𝐒! 🛍️

Sa bawat pagbili, kaligtasan ang dapat laging prayoridad! Bilang matalinong konsyumer, ugaliing suriin ang mga produktong binibili at hanapin ang PS Mark o ICC Sticker bilang gabay sa pagpili ng mga produktong sumusunod sa itinakdang product standards.

✨ Tandaan: Hindi sapat na maganda o mura ang produkto—dapat ligtas at sumusunod sa standards!

Address

Municipal Hall, Rizal Street, Poblacion East, San Nicolas

2447

Opening Hours

Monday 08:00 - 17:00
Tuesday 08:00 - 17:00
Wednesday 08:00 - 17:00
Thursday 08:00 - 17:00
Friday 08:00 - 17:00

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Negosyo Center Pangasinan: San Nicolas - LGU posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Negosyo Center Pangasinan: San Nicolas - LGU:

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed government service?

Share