31/03/2026
Araw ng Pagkilala 2026 ✨
Marso 30, 2026
Isang espesyal na araw kung saan kinilala ang husay, galing, sipag, at dedikasyon ng mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 5. 🌟
Tunay ngang bawat maliliit na hakbang ay nagdulot ng malaking tagumpay at inspirasyon sa buong taon ng pagkatuto. 📚
Sa araw ding ito, ang mga mag-aaral ay nakarinig ng mensaheng puno ng aral at inspirasyon mula sa ating panauhing pandangal na si G. Jake Smitch Lacorte. Isang taos-pusong pasasalamat sa kanyang pagbabahagi.
Pinarangalan din hindi lamang ang mga mag-aaral, kundi pati ang mga g**o sa kanilang di-matatawarang dedikasyon at pagmamahal sa pagtuturo.
Ang tagumpay ng gawaing ito ay bunga ng pagtutulungan, malasakit, at pagsisikap ng bawat isa. 🌈
Kaya naman, isang masigabong pagbati sa lahat ng g**o at mag-aaral! 🎉
30/03/2026
Kindergarten Moving Up 2026 🎓✨
Marso 30, 2026
Isang matagumpay na pagdiriwang ng pagtatapos ng unang hakbang sa pagkatuto! 🌈
Pagbati sa ating mga mag-aaral at sa masisipag na mga g**o sa isang buong taon ng pagsisikap, pagkatuto, at tagumpay. 💛
Pasasalamat at pagkilala kay Bb. Daisy Lazar, ang ating panauhing pandangal, sa pagbabahagi ng mensaheng puno ng aral at inspirasyon. 🌟
Gayundin, taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging abala upang maging maayos, maganda, at makabuluhan ang ating programa. 🎉
Mabuhay ang ating munting nagsipagtapos—patuloy kayong mangarap at abutin ang inyong mga pangarap! 🌼✨
29/03/2026
Araw ng Pagkilala 2026 ✨
Isang makabuluhang araw upang parangalan ang mga natatanging mag-aaral mula Baitang 1 hanggang Baitang 5!
Sama-sama nating kikilalanin ang kanilang pagsisikap, dedikasyon, at kahanga-hangang tagumpay sa buong taong pampaaralan. 🌟
Isang pagbati sa inyong lahat!
Pagpupugay sa inyong patuloy na pagsusumikap at sa inspirasyong hatid ninyo sa ating paaralan. 💛
Abangan… 🎉
28/03/2026
Earth Hour 2026 🌍✨
FSS Patulo ES joins the whole world in making a stand for our planet.
One hour, one action, one brighter future. 💡🌱
Here are some of our learners, together with the whole community, taking part in this meaningful movement by switching off lights and switching on awareness.
Sa simpleng pakikiisa, ipinapakita natin na kahit maliit na hakbang, may malaking epekto para sa kalikasan. 💚
27/03/2026
A week filled with victory and accomplishments! 🎉📚
We proudly congratulate our dedicated teachers whose action research were successfully validated. Patunay ito ng kanilang sipag, tiyaga, at pagmamahal sa pagtuturo. 💛
Congratulations,
Ma'am Florenda S. Dela Vega
Ma'am Marievic D. Belonio
Ma'am Erica N. Lagro
Ma'am Gina D. Billones
Ma'am Michelle E. Santos
Your efforts in exploring innovative ways to improve instruction and enhance learning truly make a difference! 🌟
Patuloy kayong maging inspirasyon sa bawat g**o at mag-aaral. 👏✨
26/03/2026
Switch off the lights. Switch on habits for a sustainable Philippines.
FSS Patulo Elementary School proudly joins the global movement this March 28, 2026, at 8:30 PM in celebrating 20 years of .
More than a symbolic 60-minute lights-off, this is a call to action for every learner and member of our school community to embrace energy conservation as a daily habit.
Together, let us build a future that is stable, resilient, and sustainable, because the small actions we take today will power a brighter tomorrow.
25/03/2026
💜
Huling Miyerkules sa Buwan ng mga Kababaihan, ngunit hindi ito ang huling araw upang patuloy na ipakita ang suporta at gampanan ang mga gawaing tunay na nagpapakita ng paggalang, pagkakapantay-pantay, at pagpapahalaga sa kababaihan.
Iba-iba man ang pinagkakaabalahan at ginagampanang papel, ang mga babae ay mananatiling inspirasyon, haligi ng lakas, at lider na may kakayahang makapagbago ng komunidad at humubog ng mas mainam na lipunan.
24/03/2026
Mapagpalang araw para sa ating paaralan at sa mga mag-aaral na naging kabahagi ng isang EGGciting day, full of EGGceptional blessings from our EGGxemplary partners. Isang araw na napuno ng ngiti at pasasalamat.
Ang mga piling mag-aaral ay nakatanggap ng tray of eggs mula sa Bulacan Egg Producers Association (BEPA), katuwang ang kanilang mga partners at sponsors. Lubos-lubos ang pasasalamat sa ibinahaging biyaya na tiyak na makatutulong sa nutrisyon at kalusugan ng ating mga mag-aaral.
Nakatanggap din ang mga mag-aaral ng iba pang masustansyang pagkain at inumin gaya ng juice, snacks, at lugaw na higit pang nakapagpalakas sa kanilang pangangatawan at nagbigay sigla sa kanilang araw. Nakatutuwang malaman na may mga taong hangad na maging pagpapala sa kapwa at patuloy na nagbabahagi ng kanilang kabutihan at suporta upang mapangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng kabataan, kahit sa simpleng pamamaraan.
Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagtulong at pakikiisa:
BEPA, Ceva Animal Health Ph, MSP, Rebisco, at sa lahat ng naging daan upang ang ating paaralan ay maabot ng pagpapalang ito.
Mabuhay po kayo at nawa’y patuloy kayong maging inspirasyon sa iba sa pagbabahagi ng kabutihan!
23/03/2026
🔥 Fire Prevention Month Activity – Accomplished! 🔥
Creativity plus awareness in one meaningful activity!
The learners enjoyed learning through interactive and engaging tasks that made fire safety more understandable and relevant. These activities help raise awareness and deepen their understanding of the importance of fire prevention and preparedness.
They actively participated in coloring, working with cut-out materials, and watching informative videos. With the guidance of their class advisers, they further learned the value of being alert, responsible, and ready during fire emergencies. 🔥
23/03/2026
Flag Raising Ceremony
Marso 23, 2026
Halos narito na tayo sa huling bahagi ng taong pampaaralan. Patuloy nating balikan nang may ngiti kung gaano na kalayo ang ating narating. ✨
Ipagpatuloy natin ang pagsisikap at manatiling nakatuon sa ating mga layunin. Ibigay ang ating buong makakaya upang matapos natin ang taong ito nang may tagumpay. ✨