30/07/2026
Mapabuti ang kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda, at mapalakas ang seguridad sa pagkain sa Lungsod ng Lucena. Ito ang pangunahing layunin ng panukalang “City Agricultural and Fishery Mechanization (AFMech) Plan 2026” na isinusulong ni SP Committee on Agriculture Chairman Konsehal Patrick Norman Nadera.
Sa pagdinig na isinagawa ngayong Hulyo 29, inilahad ni Hon. Nadera ang mahahalagang probisyon ng legislative proposal kasama si Konsehal Elizabeth Sio.
Present sa hearing ang mga kinatawan ng mga tanggapan ng City Agriculture, City Administrator, City Legal, City Budget at CPDO gayundin si G. Virginia Ronquillo, Chairperson-LCFARMC.