Cong Argel T. Cabatbat Supporters

Cong Argel T. Cabatbat Supporters

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Cong Argel T. Cabatbat Supporters, Political Party, .

09/05/2025

Hiniling ni Cong Argel Cabatbat nung siya ay Kinatawan ng Magsasaka Partylist sa pamamagitan ng House Resolution No. 21 noong Eighteenth Congress ang pagrebisa ng Rice Tarrification Law na lubos na nakapaminsala sa hanapbuhay ng ating mga magsasaka.

Siya ang kaunaunahang Congressman na naghain ng Resolusyon patungkol sa RTL na inihain noong July 1, 2019., unang mga araw ng kanyang panunungkulan bilang Kongresista.

Mabuhay ka, Cong. Argel T. Cabatbat. Kasama mo kaming lahat sa laban mo.



08/05/2025

3 years ago nagsimula ako ng Tricycle business. May nag-apply na driver, may record na siya ng carnapping. Pero kahit maraming ibang aplikante, siya pa rin ang kinuha ko kasi mukha namang mabait. Ayun, after 1 month tinangay yung tricycle ko!

Buti na lang nahuli siya at nakulong. Pero last week nakalabas na siya due to technicalities sa kaso.

Heto ngayon, bumalik sa'kin kahapon, nag-aapply uli na driver. Hindi na daw niya uulitin. Pero siyempre, dahil mukha naman siyang mabait, kinuha ko siya ulit.

Ayun, tinangay na naman yung tricycle ko!

Joke lang! Hindi nangyari yan...

Gusto ko lang ipakita ang kalagayan ng politika sa bansa. Pilit silang susuyuin ng mga politiko gamit ang magagarbong kanta at sayaw, matatamis na salita't pangako, at nakakasilaw na salapi at ayuda. Hanggang ngyon, paulit-ulit na lang nilang iniluluklok ang mga taong alam na nilang mandarambong, sinungaling at magnanakaw!!!

LOUD Podcast #010 - Congressman Argel Cabatbat 30/04/2025

Chill lang ang Cong Argel Cabatbat natin sa Podcast na to. Kinuwento ng ating mahal na Cong ang kanyang karanasan sa buhay at kung paano naging daan ang mga nangyare sa buhay nya para maisipan at lumaban para sa kanyang distrito.

Grabe, iba-iba ang kwento ng mga tao pero kakaiba ang napagdaanan ni Cong Argel. Walang kasiguraduhan ang bukas sa mga nangyare sa kaniya. Siguro nga meron pa nga siyang misyon sa buhay na dapat gampanan.

Kahit san ka pa dalhin ng kalsada Cong Argel, nandito kami hindi lang sa likod mo, pati sa tabi mo ay sasabayan ka namin upang tahakin itong nilalakbay mo ngayon!





LOUD Podcast #010 - Congressman Argel Cabatbat In this powerful and deeply inspiring episode of the LOUD Podcast, Renmin and Wendy sit down with Congressman Argel Cabatbat, former representative of the Ma...

Photos from Cong Argel T. Cabatbat Supporters's post 28/04/2025

Pinag sumbungan ng mga batang Guimba si Cong!

Salamat sa medyo makulimlim na panahon nung nag bahay bahay si Cong Argel Cabatbat sa Yuson, Guimba. Nag lapitan ang mga magsasaka, senior, at mga taong may hinaing at request para sa ikababago ng lugar kapag siya ang nahalal.

Pinakinggan kayo ni Cong! Masusing iniisip din ang mga sumbong niyo at idadagdag sa kanyang plataporma para sa ikauunlad ng ating bayan!



Photos from Cong Argel T. Cabatbat Supporters's post 25/04/2025

Kayo naman! Kala niyo di kayo mapupuntahan?

Kayo naman Cuyapo! Kahit walang naka ready na upuan, kahit nasa gilid lang tayo ng kalsada, OKAY LANG! Hindi papatinag ang Cong Argel Cabatbat natin at patuloy na ipapaalam sa inyo ang kanyang plano para sa unang distrito ng Nueva Ecija!

Maraming salamat sa mga kasama namin makinig, sa pag tyatyaga sa init sa kalsada. Sa mga walang sawang sumasama at sumusuporta. Yung ngiti ni Cong Argel ay nakakahawa. Kita naman sa mukha ng mga sumama at nakinig, diba?

Sa lahat po ng pupuntahan ninyo Cong Argel Cabatbat, lagi po kaming nakasunod. Laging masugid na tutulong at susuporta para sa ikakaunlad ng mga bayan sating distrito!

Mabuhay ka Cong Argel Cabatbat!



Photos from Cong Argel T. Cabatbat Supporters's post 23/04/2025

Sto Domingo naman!

Handa na ang mga barangay sa Sto Domingo para sa paparating na serbisyong para sa masa! Tulong na hindi lamang para sa magsasaka kundi para sa buong district 1 ng Nueva Ecija. Serbisyong bihasa at aral ang pangangailangan ng bawat barangay!

Kasama ang mga taga Sto Domingo, patuloy kaming susuporta sayo Cong Argel Cabatbat!



Want your business to be the top-listed Government Service?

Website