Cagayan Provincial Information Office

  • Home
  • Cagayan Provincial Information Office
Website

Cagayan Provincial Information Office Cagayan Province's catalyst for development. Vanguard of local events which provides needed information on vital and urgent issues affecting the province.

The Provincial Information Office aims to inform, motivate and educate the people of Cagayan about the policies, programs, and projects of the Provincial Government of Cagayan through available forms of media. The office is set to be a source or reliable and credible information which the people may count upon especially on matters pertaining to the affairs of the provincial government

GOB. AGLIPAY, INILAPIT ANG  SERBISYO NG KAPITOLYO SA PGC CARAVAN SA SOLANA, CAGAYANInilapit ng Pamahalaang Panlalawigan ...
05/11/2026

GOB. AGLIPAY, INILAPIT ANG SERBISYO NG KAPITOLYO SA PGC CARAVAN SA SOLANA, CAGAYAN

Inilapit ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang iba't ibang serbisyo ng Kapitolyo sa ginanap na "People's Day Caravan" sa bayan ng Solana, ngayong Huwebes.

Pinangunahan ni Gob. Edgar "Tatay Egay" Aglipay ang naturang aktibidad katuwang sina Mayor Meynard Carag, Vice Mayor Jennelyn Carag, at iba pang mga lokal na opisyal ng munisipalidad.

Kabilang sa mga pangunahing serbisyo na dinumog ng mga residente ay ang libreng medical at dental services mula sa Provincial Health Office (PHO), sa pakikipagtulungan ng Municipal Health Office (MHO) ng Solana.

Namahagi rin ang naturang tanggapan ng mga libreng gamot at bitamina, bukod pa sa isinagawang feeding program para sa mga dumalong residente.

Umarangkada rin sa aktibidad ang Provincial Natural Resources and Environment Office (PNREO) sa pamamagitan ng pamamahagi ng tulong-pinansyal sa ilalim ng kanilang Cash-for-Work Program. Dito, aabot sa 125 benepisyaryo na nagtanim ng kawayan ang tumanggap ng tig-₱2,250.

Isinabay rin sa aktibidad ang distribusyon ng pondo para sa No Barangay Left Behind (NBLB) program, NHLB Strategic Alignment meeting, at iba pang mga programa ng iba't ibang departamento ng Kapitolyo na tumutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.

Ang People's Day Caravan ay isa lamang sa mga inisyatiba ni Gob. Aglipay upang personal na maipaabot ang tulong sa mga Cagayano. Layunin din nitong makasama ang mamamayang Cagayano upang personal na mabatid ang kanilang mga hinaing, suhestiyon, at saloobin na dapat isaalang-alang tungo sa mas maayos na pagseserbisyo sa lalawigan. (Gelo Maguddayao)

BARANGAY CATAGGAMAN NUEVO, NATIONAL WINNER NG CY 2026 LUPONG TAGAPAMAYAPA INCENTIVES AWARDS (LTIA) Pinarangalan ang Bara...
05/11/2026

BARANGAY CATAGGAMAN NUEVO, NATIONAL WINNER NG CY 2026 LUPONG TAGAPAMAYAPA INCENTIVES AWARDS (LTIA)

Pinarangalan ang Barangay Cataggaman Nuevo, Tuguegarao City bilang National Winner ng CY 2026 Lupong Tagapamayapa Incentive Awards o LTIA sa ginanap na 2026 LTIA Awarding Ceremonies nitong araw, Nobyembre 5, 2026 sa Camp Crame, Quezon City.

Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Region 2 ang pagkapanalo ng Barangay Cataggaman Nuevo bilang kampeon sa Component City Category.

Dahil dito, nakatanggap ang Barangay Cataggaman Nuevo ng P500,000 bilang cash incentive at Plaque of Recognition. Ito ay bilang pagkilala sa ipinamalas ng barangay upang mapanatili ang kapayapaan at mahusay na maresolba ang mga problema sa barangay kasama na ang pagpapalakas ng katarungang pambarangay o barangay justice.

Ayon sa DILG Region 2, ang nasabing pagkilala sa mga natatanging barangays ay isang paraan upang mahikayat ang lahat ng barangays para itaguyod ang kahusayan sa pamamahala sa antas ng pamayanan at isulong ang mga kumunidad na mapayapa, maayos at matatag.

“Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagwagi ang Rehiyon Dos bilang overall champion sa lahat ng tatlong kategorya-isang tagumpay na maituring sa grand slam,” saad ng DILG R02.

Samantala, nakamit ng Barangay Andres Bonifacio, Diffun sa lalawigan ng Quirino ang kampeyonato sa 1st Class Municipality Category at Barangay Bacnor East, Burgos Isabela naman 3rd Class Municipality Category.

“TUGUEGARAO” DRESS, ISINUOT NI BEA MILLAN-WINDORSKI SA PAGSISIMULA NG MISS UNIVERSE Isinuot ni Miss Universe Philippines...
05/11/2026

“TUGUEGARAO” DRESS, ISINUOT NI BEA MILLAN-WINDORSKI SA PAGSISIMULA NG MISS UNIVERSE

Isinuot ni Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan-Windorski ang “Tuguegarao” dress na likha ng Filipino designer na si Rajo Laurel mula sa kaniyang 2018 Archipelago Mapa collection sa ginanap na send-off press conference sa Pasay City.

Hango ang disenyo ng “Tuguegarao” dress sa topograpiya ng rehiyon, partikular sa mga kabundukang Sierra Madre at Cordillera.

Ayon kay Millan-Windorski, bahagi ng kaniyang paghahanda ang pagpapakilala sa kultura at likas na yaman ng Pilipinas, gayundin ang pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at pagbibigay-pansin sa mga komunidad na apektado ng pagmimina.

Sa pagsusuot ng naturang disenyo, nais niyang maipakilala sa international audience ang husay ng mga Pilipinong designer at ang kahalagahan ng pangangalaga sa likas na yaman ng bansa. (Kane Manaoat)

P4.9 MILYON FUND MULA SA NBLB PROGRAM, IBINABA NG PGC SA BAYAN NG SOLANA‎‎Matagumpay na naibaba ng Pamahalaang Panlalawi...
05/11/2026

P4.9 MILYON FUND MULA SA NBLB PROGRAM, IBINABA NG PGC SA BAYAN NG SOLANA
‎
‎Matagumpay na naibaba ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pamumuno ni Gobernador Edgar "Tatay Egay" Aglipay at Provincial Treasury Office ang pondo ng ilang barangay at honorarya ng mga foot soldier sa Bayan ng Solana kasunod ng People's Day Caravan, ngayong Nobyembre 5, 2026.
‎
‎Batay sa datos, nasa kabuuang P4,939,600 ang naipamahagi sa ilalim ng No Barangay Left Behind (NBLB) Program. Nakapaloob dito ang honorarya at NBLB Hard Project Fund ng mga barangay na nakapag-liquidate ng kanilang pondo.
‎
‎Ang barangay Bauan West ay binabaan ng higit P450,000, Malalam-Malacabibi ay higit P438,000 barangay Cattaran ay higit P451,000, barangay Carilicud ay may higit P441,000, Sampaguita ay higit P489,000, Andarayan South ay higit P440,000, barangay Pataya ay higit P426,000 at barangay Nabbotuan na may higit P433,000.
‎
‎Mula sa naturang pondo, nailaan din ng PGC ang higit P529,000 na para sa honorarya ng mga Barangay Tanod, higit P498,000 para sa mga Barangay Health Worker, higit P76,000 para sa mga Barangay Nutrition Scholar, at higit P161,000 para sa mga Child Development Worker. Kasama rin sa ibinaba ay ang pondo para sa Aid to Barangay Subsidy Program na may P105,000 na pondo.
‎
‎Sa mensahe ni Gob. Aglipay, hinimok nito ang mga opisyal ng barangay na gamitin ang pondo para sa implementasyon ng mg proyektong ikabubuti ng kanilang mga nasasakupan.
‎
‎Aniya, magpapatuloy ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pagbababa ng suporta sa ilalim ng NBLB program upang makaagapay sa pangangailangan ng mga Cagayano.
‎
‎Tiniyak pa nito na lalo pang palalakasin ng PGC ang pagbibigay ng suporta sa lahat ng sektor dahil sa pagpapalawig sa programa sa pamamagitan ng No Household Left Behind program. (Gelo Maguddayao)
‎
‎

2,500 HOUSEHOLD SA SOLANA, TINANGGAP ANG LGSF RICE MULA SA PGC‎‎Personal na inihahatid ni Gobernador Edgar "Tatay Egay" ...
05/11/2026

2,500 HOUSEHOLD SA SOLANA, TINANGGAP ANG LGSF RICE MULA SA PGC
‎
‎Personal na inihahatid ni Gobernador Edgar "Tatay Egay" Aglipay ang bigas sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF) - Rice Program na ipinatutupad ng Provincial Government of Cagayan (PGC) sa bayan ng Solana, ngayong Nobyembre 5, 2026.
‎
‎Aabot sa 2,500 na sako ng tig-10 kilo ng bigas ang naihatid para sa mga benepisyaryong kabilang sa hanay ng vulnerable group.

‎Katuwang ng Ama ng Lalawigan sa aktibidad si Mayor Meynard Carag at iba pang opisyal sa bayan ng Solana.
‎
‎Paliwanag ng Gobernador, ito ay bunga ng maayos na ugnayan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa Pambansang Pamahalaan kung kaya't patuloy ang pagsuporta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga programa ng gobyerno sa probinsya.
‎
‎Pinasalamatan pa ni Gob. Aglipay si Pangulong Marcos dahil sa suporta nito upang matulungan ang Cagayan sa ilalim ng mandato ng Bagong Pilipinas.
‎
‎Kasabay nito, tiniyak naman ni Gob. Aglipay ang pagpapatuloy ng maayos na kolaborasyon sa pagitan ng LGU Solana at ng PGC tungo sa pagsusulong ng serbisyo-publiko na direktang mararamdaman ng mga Cagayano. (Gelo Maguddayao)
‎

HIGIT 3000 MAGSASAKA AT MANGINGISDA SA SOLANA, CAGAYAN, TINANGGAP ANG ACCIDENT INSURANCE POLICY‎‎Isinakatuparan muli ni ...
05/11/2026

HIGIT 3000 MAGSASAKA AT MANGINGISDA SA SOLANA, CAGAYAN, TINANGGAP ANG ACCIDENT INSURANCE POLICY
‎
‎Isinakatuparan muli ni Gobernador Edgar "Tatay Egay" Aglipay ang pangako ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan na suportahan ang pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisda sa Cagayan.
‎
‎Ito ay kasunod ng pamamahagi ng Ama ng Lalawigan ng Accident Insurance Policy sa mahigit 3,800 na mga magsasaka, mangingisda, at mga farm workers sa Bayan ng Solana kasabay ng tuloy-tuloy na pagsasagawa People's Day Caravan sa iba't ibang bayan sa Cagayan.
‎
‎Kasama ng Ama ng Lalawigan na naghatid ng serbisyo ang Office of Provincial Agriculturist (OPA) at si Agriculture Support Cluster Head Pearlita Mabassa kung saan ipinaliwanag ang nilalaman na polisiya ng naturang programa.
‎
‎Katuwang din ni Gob. Aglipay sa aktibidad sina Mayor Meynard Carag, Vice Mayor Jennelyn Carag, at ang mga Sanguniang Bayan Members ng Solana.
‎
‎Sinabi ni Gob. Aglipay na mahalagang masiguro ang kapakanan ng mga magsasaka sa kanilang paghahanap-buhay dahil sila aniya ang pundasyon upang matiyak ang seguridad sa pagkain at ekonomiya ng probinsya.
‎
‎Iginiit pa ni Gob. Aglipay ang kanyang dedikasyon na isulong ang nagkakaisang pagseserbisyo sa pagitan ng PGC at LGU Solana na magbababa ng mga episyenteng serbisyo.
‎
‎Ipinaliwanag ng gobernador ang pinaghahandaang implementasyon ng No Household Left Behind (NHLB) Program kung saan nagkaroon din ng pagpupulong sa pagitan ng mga Department Head at kinatawan ng Kapitolyo ng Cagayan sa pangunguna ni Chief-of-Staff Felipe Buena Jr. at ng mga opisyal sa bayan ng Solana.
‎
‎Nagpasalamat naman si Mayor Carag sa patuloy na pagtupad ng Gobernador sa kanyang mandato na tulungan ang mga Cagayano at tiniyak na makikiisa ang Bayan ng Solana sa lahat ng adhikaing tutugon sa pangangailangan ng kanilang mga residente. (Gelo Maguddayao)
‎
‎

05/11/2026

CPIO TELERADYO MORNING PROGRAM (NOVEMBER 05, 2026)

6:00 - 7:00: ONE ON ONE WITH TAY EGAY
8:00 - 9:00: BALITALAKAYAN
10:00 - 10:30: CAGAYAN NGAYON

NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL (NSED) 2026🌊📢‼️Isinasagawa ngayong araw, Nobyembre 5, 2026 ang 4th quarter Nati...
05/11/2026

NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL (NSED) 2026🌊📢‼️

Isinasagawa ngayong araw, Nobyembre 5, 2026 ang 4th quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa Santa Ana, Cagayan, na nagsisilbing pangunahing pilot area.

Pinangunahan ng Office of Civil Defense (OCD) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Cagayan, katuwang ang iba't ibang ahensya ng gobyerno, uniformed services, at mga lokal na pamahalaan ang naturang aktibidad.

Panauhing pandangal sa programa si Dr. Abdul Muhari, Deputy Minister for Prevention ng NDMA Indonesia. Kasama rin si Assistant Secretary Cesar M. Idio, Chief of Staff of the Office of Civil Defense (OCD) at Dr. Teresito Bacolcol, Director of DOST-Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Tampok sa full-scale exercise na ito ang isang senaryo ng magnitude 8.5 na lindol at tsunami na idinulot ng paggalaw ng East Luzon Trough, kung saan ang epicenter ay matatagpuan 180 kilometro sa timog-silangan ng Santa Ana, Cagayan.

Layunin ng pagsasanay na masuri at mapalakas ang kahandaan at kakayahan ng mga ahensiya ng pamahalaan at mamamayan sa pagtugon sa kalamidad, partikular na ang pagpapatupad ng Earthquake and Tsunami Contingency Plan at ng Regional Disaster Response Plan (RDRP) ng Cagayan Valley Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC).

04/11/2026

CPIO TELERADYO MORNING PROGRAM (NOVEMBER 05, 2026)
6:00 - 7:00: ONE ON ONE WITH TAY EGAY
8:00 - 9:00: BALITALAKAYAN
10:00 - 10:30: CAGAYAN NGAYON

WEDNESDAY IS SPORTS DAY SA PGC! 🏸🏀Akala mo ba puro trabaho lang sa Kapitolyo ng Cagayan? May sports day din tuwing Miyer...
04/11/2026

WEDNESDAY IS SPORTS DAY SA PGC! 🏸🏀

Akala mo ba puro trabaho lang sa Kapitolyo ng Cagayan? May sports day din tuwing Miyerkules!

Dahil mgayong Nobyembre 4, 2026, muling naging abala ang mga kawani sa iba't ibang laro bilang bahagi ng PGC Sports and Wellness Program. Mas naging kapana-panabik ang kompetisyon dahil nasa quarterfinals na.

Tara, silipin ang ilan sa mga naging ganap sa court ngayong araw.

Address

Allimanao Hills

3500

Opening Hours

Monday 08:00 - 18:00
Tuesday 08:00 - 18:00
Wednesday 08:00 - 18:00
Thursday 08:00 - 18:00
Friday 09:00 - 18:00

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cagayan Provincial Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed government service?

Share