Biyahe ni Jeff

  • Home
  • Biyahe ni Jeff

Biyahe ni Jeff 𝗕𝗶𝗴 𝗺𝗮𝗻 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗮 𝗕𝗶𝗴 𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁 | 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗶 𝗝𝗲𝗳𝗳 𝗔𝗹𝗲𝗷𝗮𝗻𝗱𝗿𝗼 💙

📢 CLASS SUSPENSION | OCTOBER 9, 2026Suspendido na rin po ang klase sa lahat ng pampublikong elementarya at high school s...
09/10/2026

📢 CLASS SUSPENSION | OCTOBER 9, 2026

Suspendido na rin po ang klase sa lahat ng pampublikong elementarya at high school sa mga barangay ng Alicia na hindi kasama sa naunang Executive Order No. 2026-037, dahil sa hindi inaasahang pagkawala ng kuryente.

Epektibo ang suspensyon mula 1:00 PM hanggang 5:00 PM ngayong Biyernes, Oktubre 9, 2026.

Para naman sa mga pribadong paaralan, nasa school heads ang desisyon sa pagsuspinde ng afternoon classes, batay sa kalagayan ng kanilang paaralan.

Mangyaring manatiling updated sa mga opisyal na anunsyo ng LGU Alicia. Mag-ingat po ang lahat!

Ngayong araw, ating kinikilala at pinasasalamatan ang mga g**ong araw-araw na nagbibigay ng oras, kaalaman, malasakit  p...
05/10/2026

Ngayong araw, ating kinikilala at pinasasalamatan ang mga g**ong araw-araw na nagbibigay ng oras, kaalaman, malasakit para sa kinabukasan ng ating mga kabataan at ang tahimik na humuhubog sa kinabukasan ng ating bayan.

Bilang katuwang sa pag-kakampiyon ng edukasyon, patuloy nating isusulong ang pagkilala sa mahalagang papel at kapakanan ng ating mga g**o.

Ngayong National Teachers’ Day, hindi lamang “Salamat, G**o” ang ating ipadama, dapat;

Teacher, ikaw naman.

Ikaw naman ang pakinggan.
Ikaw naman ang suportahan.
Ikaw naman ang pahalagahan.

Mula sa opisina ni Mrs. Castro este SB Jeff Alejandro,

Malugod na pagbati sa lahat ng ating mga G**o! 🇵🇭❤️

27/09/2026

𝟕𝟕𝐓𝐇 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐀𝐋𝐈𝐂𝐈𝐀 𝐒𝐓𝐑𝐄𝐄𝐓 𝐃𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐄𝐓𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍 | 𝐕𝐈𝐃𝐄𝐎 𝐇𝐈𝐆𝐇𝐋𝐈𝐆𝐇𝐓𝐒 ✨

More than 𝟏,𝟐𝟎𝟎 𝐝𝐚𝐧𝐜𝐞𝐫𝐬 𝐟𝐫𝐨𝐦 𝐝𝐢𝐟𝐟𝐞𝐫𝐞𝐧𝐭 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥𝐬 𝐜𝐚𝐦𝐞 𝐭𝐨𝐠𝐞𝐭𝐡𝐞𝐫 —not simply to dance, 𝐛𝐮𝐭 𝐭𝐨 𝐭𝐞𝐥𝐥 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬, 𝐞𝐱𝐩𝐫𝐞𝐬𝐬 𝐝𝐫𝐞𝐚𝐦𝐬, 𝐡𝐨𝐧𝐨𝐫 𝐨𝐮𝐫 𝐡𝐞𝐫𝐢𝐭𝐚𝐠𝐞, 𝐚𝐧𝐝 𝐜𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐭𝐞 what it means to be an Aliciano.

With every beat of the music, every movement, every colorful costume, and every carefully crafted concept, our young dancers showed us that 𝐭𝐚𝐥𝐞𝐧𝐭 𝐢𝐬 𝐦𝐨𝐫𝐞 𝐭𝐡𝐚𝐧 𝐚 𝐩𝐞𝐫𝐟𝐨𝐫𝐦𝐚𝐧𝐜𝐞—𝐢𝐭 𝐢𝐬 𝐚 𝐠𝐢𝐟𝐭, 𝐚 𝐩𝐚𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧, 𝐚𝐧𝐝 𝐚 𝐥𝐞𝐠𝐚𝐜𝐲.

They danced with their hearts. They danced with pride. They danced for their schools, their families, and for Alicia.

And in every step, we saw something greater— the spirit of a generation that carries the stories of yesterday while creating the dreams of tomorrow.

𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐨𝐤 𝐭𝐢 𝐀𝐥𝐢𝐜𝐢𝐚. Because the true gold of Alicia is not only found in what we have inherited from the past, but in the talents, dreams, and limitless potential of our young people.

Mula po sa bumubuo ng 77th Araw ng Alicia, mula sa kaibuturan ng aming mga puso, maraming, maraming salamat.

Salamat sa mahigit 𝟏,𝟐𝟎𝟎 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐠𝐛𝐢𝐠𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐨𝐫𝐚𝐬, 𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬, 𝐭𝐚𝐥𝐞𝐧𝐭𝐨, 𝐚𝐭 𝐩𝐮𝐬𝐨. 𝐒𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐠𝐮𝐫𝐨 𝐚𝐭 𝐜𝐨𝐚𝐜𝐡𝐞𝐬 𝐧𝐚 𝐰𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐮𝐦𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐚𝐭 𝐧𝐚𝐧𝐢𝐰𝐚𝐥𝐚. Salamat sa mga magulang at pamilya na naging sandigan sa bawat ensayo at bawat pagtatanghal. At salamat sa bawat paaralan at bawat taong naging bahagi ng makasaysayang pagdiriwang na ito.

Ang inyong mga sayaw ay maaaring matapos sa entablado, ngunit ang inspirasyon na inyong iniwan ay mananatili sa puso ng Alicia.

Sa bawat galaw na inyong ipinamalas, nakita namin ang pamana ng kahapon. Sa bawat pangarap na inyong ipinakita, nakita namin ang tanglaw ng kinabukasan.

Muli, maraming salamat Alicia! ❤️

🎥𝐉𝐌𝐅 𝐏𝐫𝐨𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧

26/09/2026
24/09/2026

Maraming salamat PEMS Club North Luzon sa serbisyo!

Magkita-kita po tayo bukas para sa ating Streetdance Competition! 🌾

🚨 TRAFFIC ADVISORY | SEPTEMBER 25, 2026Bilang bahagi ng pagdaraos ng 77th Araw ng Alicia Street Dance Parade and Competi...
24/09/2026

🚨 TRAFFIC ADVISORY | SEPTEMBER 25, 2026

Bilang bahagi ng pagdaraos ng 77th Araw ng Alicia Street Dance Parade and Competition, magkakaroon ng temporary road closure sa ilang bahagi ng Barangay Magsaysay sa September 25, 2026, mula 2:00 PM hanggang 6:00 PM.

📍 Maharlika Highway – mula Caltex Station hanggang Our Lady of Atocha Roman Catholic Church
📍 Quezon Street – mula School of Our Lady of Atocha hanggang Rural Bank of Alicia

Para sa mga motorista, pinapayuhang gamitin ang mga sumusunod na alternate routes:

• Local traffic – inner municipal at barangay roads ng Brgy. Magsaysay
• Northbound/Southbound heavy traffic – San Fernando–Sta. Cruz–Apanay Bypass Road
• Inter-town traffic – McDonald’s–San Mateo Road

MALIGAYANG PISTA, ALICIAAAA! ✨💕
07/09/2026

MALIGAYANG PISTA, ALICIAAAA! ✨💕

MALIGAYANG PISTA, ALICIAAAA! ✨💕

Ngayong araw, kasabay ng pag-alaala sa Kapistahan ng Pagsilang sa Mahal na Birheng Maria, ipinagdiriwang natin bilang isang bayang pinagpala ang Dakilang Kapistahan ng Mahal ba Birhen ng Atocha, ang makalangit na pintakasi at reyna ng bayang Alicia.

Makiisa sa makasaysayang ika-261 . Ang mga Misang Pampista ay ipagdiriwang sa mga sumusunod na oras:

• 5:30 a.m.
• 7:00 a.m.
• 9:00 a.m. (Misa Concelebrada)

Magkakaroon din ng Mañanita at pag-aalay ng mga bulaklak bago magsimula ang unang Misang Pampista.

Address

Alicia Isabela

3306

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Biyahe ni Jeff posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed government service?

Share