19/09/2026
SIMPLENG PAGPUPULONG, MASAYANG SALU-SALO | SK FEDERATION MEETING
Isang simple ngunit makabuluhang pagpupulong at salu-salo ang isinagawa ng Sangguniang Kabataan Federation ng Bayan ng Rizal ngayong Setyembre 19, 2026, na dinaluhan ng mga SK Chairperson mula sa iba’t ibang barangay ng ating bayan at pinangunahan ni SK Federation President Hon. Jeslie V. Pimentel.
Ginanap ang munting pagtitipon sa Riverside, Sitio Payompon, Barangay Magsikap, Rizal, Occidental Mindoro, kung saan bukod sa pagtalakay at pag-finalize ng mga paghahanda para sa nalalapit na Linggo ng Kabataan (LNK), nagkaroon din ng simpleng salu-salo na nagsilbing pagkakataon upang mas mapalalim ang samahan, pagkakaisa, at pagkakaibigan ng bawat SK Chairperson. 🤝🥰
Taos-pusong pasasalamat sa PNP- 1st Occidental Mindoro Provincial Mobile Force Company (PMFC), Philippine National Police, sa pangunguna ni PltCol Ruel Lito T. Fronda, Force Commander, 1st Occidental Mindoro PMFC, kasama sina PCpl Kenneth Rae N. Alvaro, PCR PNCO, at Pat Anna May E. De Mesa, Asst. PCR PNCO, sa kanilang pakikilahok, suporta, at sa pagpapagamit ng venue para sa ating munting pagtitipon.
Maraming salamat po sa inyong mainit na pagtanggap at patuloy na pakikipagtulungan para sa mga programa at gawain para sa kabataan ng Rizal. 🫡
Simpleng salu-salo, matibay na samahan, iisang layunin para sa kabataan ng Rizal. ❤️🤝