Buenavista Rural Health Unit

Cómo llegar

Buenavista Rural Health Unit This is the Official page of Buenavista, Quezon Rural Health Unit

Pabakunahan na ang mga bata sa Bakuna Eskwela!Isasagawa sa mga pampublikong paaralan ang Bakuna Eskwela na naglalayong m...
06/10/2026

Pabakunahan na ang mga bata sa Bakuna Eskwela!

Isasagawa sa mga pampublikong paaralan ang Bakuna Eskwela na naglalayong magbigay proteksyon sa mga mag-aaral laban sa mga vaccine preventable diseases (mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna) tulad ng:

✅ Measles
✅ Rubella
✅ Diphtheria
✅ Tetano
✅ Human Papillomavirus (nagdudulot ng cervical cancer)

Ang Bakuna Eskwela ay para sa mga mag-aaral na kabilang sa mga itinakdang baitang, alinsunod sa mga inirerekomendang bakuna:

Para sa Grade 1 at Grade 7:
✅ Measles-Rubella
✅ Tetanus-Diphtheria

Para sa Grade 4 at Grade 5 na babae:
✅Human Papillomavirus (HPV, bakuna kontra cervical cancer)

Protektahan ang inyong mga anak!
Magpabakuna na!


𝐓𝐀𝐑𝐀 𝐍𝐀! 𝐇𝐔𝐖𝐀𝐆 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐌𝐏𝐀𝐒𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐊𝐔𝐍𝐀 𝐄𝐒𝐊𝐖𝐄𝐋𝐀! 🏫💉Simula ngayong Oktubre, pabakunahan ang mga batang nasa Grade 1 at 7 lab...
06/10/2026

𝐓𝐀𝐑𝐀 𝐍𝐀! 𝐇𝐔𝐖𝐀𝐆 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐌𝐏𝐀𝐒𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐊𝐔𝐍𝐀 𝐄𝐒𝐊𝐖𝐄𝐋𝐀! 🏫💉

Simula ngayong Oktubre, pabakunahan ang mga batang nasa Grade 1 at 7 laban sa measles, rubella, tetanus at diphtheria.

Huwag ding kalimutang pabakunahan laban sa Human Papillomavirus (HPV) at cervical cancer ang mga batang babae na nasa Grade 4, gayundin ang mga babaeng nasa Grade 5 na hindi pa nababakunahan laban sa naturang sakit.

Para sa mga magulang at tagapag-alaga, alamin at ibahagi ang mga hakbang na dapat gawin para sa kalusugan ng inyong mga anak.

Kitakits po tayo sa mga pampublikong paaralan para sa Bakuna Eskwela!






Isang Lider na May Pusong Naglilingkod ❤️🩸Ang tunay na malasakit sa mamamayan ay hindi lamang nasusukat sa salita, kundi...
22/09/2026

Isang Lider na May Pusong Naglilingkod ❤️🩸

Ang tunay na malasakit sa mamamayan ay hindi lamang nasusukat sa salita, kundi sa mga gawa.

Sa aming minamahal na Mayor, maraming salamat sa pagiging isang regular blood donor at sa patuloy na pagpapakita ng malasakit sa buhay at kalusugan ng ating mga kababayan. Sa bawat donasyong dugo, may pag-asang naibabahagi at may buhay na maaaring mailigtas.

Ang inyong simpleng halimbawa ay isang magandang paalala na ang pagiging lider ay hindi lamang tungkol sa pamumuno, kundi sa kusang pagtulong at pagbibigay para sa kapwa.

Maraming salamat po sa inyong mabuting puso, malasakit, at tunay na serbisyong may ngiti para sa mamamayan. ❤️🩸

Dugo Mo, Buhay Ko. Sama-sama tayong Magbigay-Buhay!

🩸 KASALUKUYANG ISINASAGAWA ANG VOLUNTARY BLOOD DONATION! 🩸📅 Setyembre 22, 2026📍 Municipal Function Hall⏰ 8:00 AM – 12:00...
22/09/2026

🩸 KASALUKUYANG ISINASAGAWA ANG VOLUNTARY BLOOD DONATION! 🩸

📅 Setyembre 22, 2026
📍 Municipal Function Hall
⏰ 8:00 AM – 12:00 NN

❤️ TARA NA! MAGBIGAY NG DUGO AT MAKATULONG MAGLIGTAS NG BUHAY!

Kung ikaw ay kwalipikadong blood donor, hinihikayat ka naming pumunta sa Municipal Function Hall ngayong araw at makiisa sa blood donation drive.

🩸 Isang donasyon mo, malaking tulong sa isang pasyenteng nangangailangan.

Huwag nang maghintay—mag-donate ngayon at maging bahagi ng pagliligtas ng buhay! ❤️

21/09/2026

PABATID:

Ang Buenavista Municipal Health Office po ay kumakatok sa puso ng bawat Buenavistahin katuwang ang Philippine Red Cross ay taos puso po namin kayong inaanyayahan na makiisa sa pagbabahagi ng inyong dugo o Voluntary Blood Donation na gaganapin sa ating MUNICIPAL FUNCTION HALL ngayong SETYEMBRE 22,2026 ( MARTES ) sa ganap na alas 8:00 nang umaga hanggang alas 12:00 nang tanghali.

Ang Layunin ng Blood Program ay agaran na matulungang makakalap ng libreng dugo lalo't higit ang ating mga kababayan na may kakulangan sa pinansyal na aspeto. Kaya’t hinihikayat po natin ang lahat na may malusog na katawan at kwalipikado na boluntaryong magbahagi ng dugo. Marami pong magandang mga benepisyong maitutulong ang pagdodonate ng dugo sa ating kalusugan. At higit sa lahat ay nakatulong ka pa upang madugsungan ang buhay ng ating kababayan may kailangan ng masalinan ng dugo.

Samantala, upang ipakita po ang pagsuporta sa kabayanihan ng ating mga kababayan na magbabahagi ng kanilang dugo ay naglaan ang ating Lokal na pamahalaan ng para sa COMPLEMENTARY GROCERIES para FIRST 50 DONORS.

Narito po mga paalaala para sa lahat ng nagnanais na makiisa sa ating Voluntary Blood Donation:

Mga maaring magdonate:
■ 18-65 years old; My timbang na di baba sa 50 kilo o 110lbs.
■ Hindi gumagamit ng Pinagbabawal na gamot;
■ Hindi nakainom ng alak sa loob ng 24 oras;
■ Kung babae ang magdodonasyon, dapat ay hindi buntis o walang regla at nakalipas na ang 1 linggo natapos ang buwanan regla.

Mga HINDI maaaring magdonate:
● May lagnat, sipon at ubo
● May Sakit na tulad ng mga sumusunod:
Diabetes, Cancer, Hyperthyroidism, Sakit sa Puso, Severe Psychiatric Disorder, Sakit sa baga, Sakit sa atay at bato, May iniindang pagdurugo ng mahabang panahon at may sakit sa dugo tulad ng Sepsis.

Ano ang Benepisyo ng Pagdodonate ng dugo?
■ Maganda para sa Puso
■ Napapalitan ng bago ang dugo
■ Pinapababa ang Cholesterol Level
■ Pinapababa ang timbang
■ Malalaman mo ang iyong Blood Type
■ Self- Fulfillment dahil naging instrumento ka na nakatulong upang madugsungan ang buhay ng may nangangailangan ng dugo

Ano ang gagawin bago magdonate ng dugo:
● Kumain ng masustansiyang pagkain at uminom ng maraming tubig
● Irelax ang iyong kaisipan
●Matulog ng sapat na walong oras (8hours)
●Iwasang uminom ng alak

Marami pong Salamat.

20/09/2026

📢 CLINIC SCHEDULE | RHU BUENAVISTA

Narito po ang schedule ng clinic para sa linggong ito:

✅ Lunes | September 21
MAYROONG CLINIC SA UMAGA

✅ Martes | September 22
MAYROONG CLINIC SA UMAGA

❌ Miyerkules | September 23
WALANG CLINIC. MASS PHILHEALTH REGISTRATION

✅Huwebes | September 24
MAYROONG CLINIC SA UMAGA

❌Biyernes | September 25
WALANG CLINIC

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa. Ingat po tayong lahat! 🩺❤️

13/09/2026

📢 CLINIC SCHEDULE | RHU BUENAVISTA

Narito po ang schedule ng clinic para sa linggong ito:

✅ Lunes | September 14
CLINIC SA UMAGA
LOCAL HEALTH BOARD MEETING sa hapon

✅ Martes | September 15
MAYROONG CLINIC SA UMAGA

✅ Miyerkules | September 16
MAYROONG CLINIC SA UMAGA

✅Huwebes | September 17
MAYROONG CLINIC SA UMAGA

❌Biyernes | September 18
WALANG CLINIC

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa. Ingat po tayong lahat! 🩺❤️

12/09/2026
06/09/2026

📢 CLINIC SCHEDULE | RHU BUENAVISTA

Narito po ang schedule ng clinic para sa linggong ito:

❌ Lunes | September 7
WALANG CLINIC

✅ Martes | September 8
MAYROONG CLINIC SA UMAGA

✅ Miyerkules | September 9
MAYROONG CLINIC SA HAPON

❌ Huwebes | September 10
WALANG CLINIC

✅ Biyernes | September 11
MAYROONG CLINIC SA UMAGA

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa. Ingat po tayong lahat! 🩺❤️

Dirección

Buenavista
4320

Página web

Notificaciones

Sea el primero en enterarse: le enviaremos un correo electrónico cuando Buenavista Rural Health Unit publique novedades y promociones. Su dirección de correo electrónico no se utilizará para ningún otro fin y puede darse de baja en cualquier momento.

Atajos

Compartir