06/10/2026
TULONG PINANSYAL PARA SA MGA BAGONG KASAL NA MAGSISIMULA NG BAGONG BUHAY
Ang Hamamatsu City ay nagbibigay ng tulong pinansyal para sa bahagi ng mga gastusin sa pagsisimula ng bagong buhay bilang mag-asawa, tulad ng upa sa bahay at gastos sa paglipat (Moving Expenses) na binayaran mula Abril 1, 2026 hanggang Enero 31, 2027.
Pinakamataas na halagang maaaring matanggap
・Kung parehong 29 taong gulang pababa ang mag-asawa noong ikinasal: hanggang ¥600,000
・Kung parehong 39 taong gulang pababa ang mag-asawa noong ikinasal: hanggang ¥300,000
Sino ang maaaring makatanggap?
・Mag-asawang 39 taong gulang pababa na nagsumite ng Marriage Registration (婚姻届) sa isang munisipyo sa Japan mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2026
・Ang pinagsamang kita (income) ng mag-asawa noong 2025 ay mas mababa sa ¥5,000,000
・Ang bahay na sakop ng aplikasyon ay nasa Hamamatsu City, at ang address sa Juminhyo (住民票) ng isa o parehong mag-asawa ay kapareho ng address ng bahay
・May planong patuloy na manirahan sa nasabing bahay nang hindi bababa sa 1 taon pagkatapos makatanggap ng tulong
・Wala sa mag-asawa ang nakatanggap na dati ng kaparehong uri ng tulong
・Parehong walang hindi nababayarang municipal tax
・Parehong nakadalo sa itinakdang seminar, o kumonsulta sa isang medical institution tungkol sa pagbubuntis at panganganak
※ Para sa detalye, pakitingnan ang website ng Hamamatsu City.
Para sa mag-asawang parehong hindi Japanese citizen
Kailangang magsumite ng Marriage Registration (婚姻届) sa isang munisipyo sa Japan at ito ay opisyal na matanggap.
Kung ang kasal ay ini-report lamang sa gobyerno o Embahada ng inyong bansa at hindi nagsumite ng Marriage Registration sa isang munisipyo sa Japan, hindi maaaring makatanggap ng tulong na ito.
Deadline ng aplikasyon:Enero 29, 2027 (Biyernes)
※ Kailangang magpa-reserve muna gamit ang reservation form bago mag-apply.
※ Maaaring matapos nang mas maaga ang pagtanggap ng aplikasyon kapag naabot na ang limitasyon ng budget.
Para sa kumpletong detalye at aplikasyon, tingnan ang website ng Hamamatsu City :
https://www.city.hamamatsu.shizuoka.jp/katei/kekkonnshinseikatsu/kekkonshinseikatsushienzigyou2.html
☎️ Kodomo Wakamono Seisaku-ka TEL: 053-457-2795
このサイトではJavaScriptを使用したコンテンツ・機能を提供しています。JavaScriptを有効にするとご利用いただけます。