22/05/2026
📣Mga Kaso ng Administratibong Konsultasyon(行政相談事例)📣
【Serye ①】Nakatira ako sa lungsod ng Nagoya. Sa kasalukuyan, maayos at malusog ang aking pamilya, subalit nais ko lamang na malaman ang mga pamamaraan na dapat gawin kung sakaling may miyembro ng aking pamilya ang pumanaw sa hinaharap?
(名古屋に住んでいます。 将来、家族が亡くなった時の手続きについて知っておきたいです。何をする必要がありますか?)
↓↓↓↓
【Filipino】https://x.gd/0TOfk
13/05/2026
【Panimulang Pagsasanay para sa mga Tagasuporta ng Mga Dayuhang Mag-aaral (外国人児童生徒サポーター研修 入門編】
Magdaraos kami ng programang pagsasanay para sa mga baguhan sa pagsuporta sa mga batang dayuhan. Layunin nito na maunawaan ang kasalukuyang kalagayan at mga hamon na kinahaharap ng mga batang dayuhan at ng kanilang mga magulang, at pag-isipan kung paano ang epektibong pakikisalamuha at pakikipag -ugnayan sa kanila.
Petsa: Hunyo 14 (Linggo), 28 (Linggo), Hulyo 12 (Linggo) 2026 13:30~16:30
Mga Maaaring Lumahok: Mga interesado sa pagsuporta sa mga dayuhang bata o mag-aaral, o sa mga taong nagsisimula pa lamang sa mga gawaing pag-suporta.
Panahon ng Pag-apply: Mayo 13 (Miyerkules) 2026 ng 10:00 hanggang 29(Linggo)17:00
Paraan ng Pag-apply: Application Form mula sa Web, Mail, Pagtawag sa Telepono at mismong pagbisita sa pasilidad.
Higit pang detalye dito →
Panimulang Pagsasanay para sa mga Tagasuporta ng Mga Dayuhang Mag-aaral (外国人児童生徒サポーター研修 入門編 | NIC Filipino(Nagoya International Center)
Ang website na ito ay nagbibigay ng mga naninirahan sa ibang bansa na naninirahan sa Nagoya na may malawak na hanay ng impormasyon tulad ng impormasyon na kinakailangan para sa pang-araw-araw na buhay at impormasyon ng kaganapan. Mga Wika: Hapon, Ingles, Portuges, Espanyol, Tsino, Koreano, Pilipino,...
06/05/2026
★Ngayon tumatanggap ng mga aplikasyon★
Recruiting Language Study / Disaster Language Study Volunteer
(語学・災害語学ボランティア登録説明会)
ika-6 ng Hunyo, 2026 (Sabado) , 13:30-14:30 Nagoya International Center 4th floor Venue 3
Mayroong interes sa disaster preparedness, nakakapagsalita ng nihonggo at ng ibang wika, at may edad na 20 taong gulang pataas.
★I-click Dito Para sa Mga Detalye:
Sesyon ng Impormasyon para sa Pagpaparehistro sa Language & Disaster Language Volunteers sa taong 2026(語学・災害語学ボランティア登録説明会) | NIC Filipino(Nagoya International Center)
Ang website na ito ay nagbibigay ng mga naninirahan sa ibang bansa na naninirahan sa Nagoya na may malawak na hanay ng impormasyon tulad ng impormasyon na kinakailangan para sa pang-araw-araw na buhay at impormasyon ng kaganapan. Mga Wika: Hapon, Ingles, Portuges, Espanyol, Tsino, Koreano, Pilipino,...
05/05/2026
[Paunawa mula sa Immigration Services Agency]
Ang Immigration Services Agency ay nagpapatakbo ng isang komprehensibong support website para sa Specified Skilled Worker system, na nagtitipon at nagbibigay ng impormasyon para sa mga dayuhan sa iba’t ibang wika bilang bahagi ng mga pagsisikap upang isulong ang paggamit ng sistemang ito.
Mangyaring tingnan ang sumusunod na URL: https://www.ssw.go.jp/tl/
18/04/2026
★Konsultasyon ng Immigration Bureau ng Nagoya★
Ang mga kawani ng Immigration Bureau ng Nagoya ay magbibigay ng konsultasyon tungkol sa mga proseso ng imigrasyon, pag-renew at pagbabago ng status of residence, at iba pa.
Petsa at Oras: Ika-4 na Sabado ng bawat buwan, 13:00–17:00 (huling konsultasyon ay magsisimula ng 16:00)
Oras ng Konsultasyon: 45 minuto bawat tao
Bayad: Libre
Pag-apply: Sa pamamagitan ng pagbisita o telepono (sarado tuwing Lunes, 9:00–19:00)
Detalye: →
Pakikipagkonsultasyon sa Nagoya Regional Immigration Services Bureau(名古屋出入国在留管理局による相談) | NIC Filipino(Nagoya International Center)
Ang website na ito ay nagbibigay ng mga naninirahan sa ibang bansa na naninirahan sa Nagoya na may malawak na hanay ng impormasyon tulad ng impormasyon na kinakailangan para sa pang-araw-araw na buhay at impormasyon ng kaganapan. Mga Wika: Hapon, Ingles, Portuges, Espanyol, Tsino, Koreano, Pilipino,...
17/04/2026
【Abiso mula sa Nagoya Regional Immigration Services Bureau】
Ang Nagoya Regional Immigration Services Bureau ay sarado mula Mayo 4 (Lunes) hanggang Mayo 6 (Miyerkules) dahil sa mga pista opisyal.
12/04/2026
★2026 Aplikasyon para sa NIC Japanese Class (NIC日本語教室)【May Term】★
Ito ang Nihongo Class para sa mga matatanda na may edad 16 pataas.
Ang klase na ito ay nakatuon sa pag-uusap. Matututunan ang wikang Hapon at ang pamumuhay sa Japan habang nakikipag-usap sa boluntaryong g**o.
Hindi gagamit ng aklat.
【May Term】 Mayo 17 (Linggo) – Hulyo 19 (Linggo)
Interview at bayaran: Mayo 10 (Linggo) 10:00~
<Bayad sa Pagsali>\1,000 (pangkalahatan 10 beses) ※ Ang bayad sa pagsali ay non-refundable.
<Aplikasyon(First-come, first-served)【Online】>
*Bibigyan ng prayoridad ang mga naninirahan sa loob ng Lungsod ng Nagoya
→
2026 Aplikasyon para sa NIC Japanese Class (NIC日本語教室) | NIC Filipino(Nagoya International Center)
Ang website na ito ay nagbibigay ng mga naninirahan sa ibang bansa na naninirahan sa Nagoya na may malawak na hanay ng impormasyon tulad ng impormasyon na kinakailangan para sa pang-araw-araw na buhay at impormasyon ng kaganapan. Mga Wika: Hapon, Ingles, Portuges, Espanyol, Tsino, Koreano, Pilipino,...
11/04/2026
★2026 NIC Klase sa Hapon para sa mga Bata★
Magkakaroon ng klase sa wikang Hapon para sa mga batang nangangailangan ng suporta sa pag-aaral ng Japanese na kailangan sa paaralan at sa pang-araw-araw na buhay.
<Para kanino>
・Mga batang 6 hanggang 15 taong gulang na hindi Japanese ang unang wika (ipinanganak mula Abril 2, 2011 hanggang Abril 1, 2020)
・Mga batang ipinanganak bago Abril 2, 2011 na kasalukuyang nag-aaral sa junior high school
※ Ang mga estudyanteng naka-enroll sa night junior high school ay dapat sumali sa NIC Japanese Class para sa High School Students.
※ Bibigyan ng prayoridad ang mga nakatira sa lungsod ng Nagoya at nag-aaral (o planong mag-aral) sa pampublikong elementarya o junior high school sa Nagoya.
<Panahon>
[May Term] Mayo 17 (Linggo) – Hulyo 19 (Linggo), tuwing Linggo
10:00–11:30 (kabuuang 10 klase)
<Interview at Bayad>
Mayo 10 (Linggo) mula 10:00
<Panahon ng Aplikasyon>
[May Term] Abril 15 (Miyerkules) 10:00 – Abril 24 (Biyernes) 12:00
<Paraan ng Pag-apply>
※ Mag-apply sa website sa loob ng panahon ng aplikasyon.
※ Kung lalampas sa bilang ng puwesto ang mga aplikante, pipiliin sa pamamagitan ng loterya. Kahit magkapatid na mag-apply, hindi garantiyang makakasali nang sabay.
※ Isang beses lamang maaaring mag-apply ang bawat tao. Ang paulit-ulit o dobleng aplikasyon ay magiging hindi balido.
Para sa detalye, pindutin dito →https://x.gd/jVDDN
10/04/2026
【2026】 NIC High School Japanese Language Class (NIC高校生日本語教室)
Magsasagawa ng isang klase na magtatayo ng matibay na pundasyon sa wikang Hapon na kinakailangan sa pag-aaral sa paaralan, upang matulungan ang mga kabataang dayuhan na makapagtapos ng mataas na paaralan at makapagsimula sa kanilang karera.
Para sa: Mga dayuhang estudyante sa high school at kabataang dayuhan na nagnanais magpatuloy sa high school o unibersidad (ipinanganak bago ang Abril 1, 2011).
*Para sa mga estudyante nasa pangkaraniwan na junior high school (hindi kabilang ang night junior high school), mangyaring sumali sa NIC Children's Japanese Class.
*Mas binibigyang-priyoridad ang mga nakatira sa lungsod o nag-aaral sa high school sa lungsod.
Panahon ng Klase:
・【May Term】
Mayo 17 (Linggo) - Hulyo 19 (Linggo), tuwing Linggo 14:00-16:00 (10 sessions)
Interview at Pagbabayad: Mayo 10 (Linggo) 14:00~
・【Summer Term】
Hulyo 26 (Linggo), Agosto 2 (Linggo), Agosto 8 (Sabado), Agosto 16 (Linggo), Agosto 23 (Linggo) 14:00-16:00 (5 sessions)
Interview at Pagbabayad: Hulyo 19 (Linggo) 13:00~
・【September Term】
Setyembre 20 (Linggo) - Nobyembre 22 (Linggo), tuwing Linggo 14:00-16:00 (10 sessions)
Interview at Pagbabayad: Setyembre 13 (Linggo) 14:00~
・【January Term】
Enero 17 (Linggo) - Marso 28 (Linggo), tuwing Linggo 14:00-16:00 (10 sessions, hindi kabilang ang Pebrero 14)
Interview at Pagbabayad: Enero 10 (Linggo) 14:00~
Lugar: Nagoya International Center, 5th Floor Conference Room
Bayad sa Paglahok: ¥2,000 (Summer Term: ¥1,000)
Kapasidad: 25 katao (paunahan/first-come first-served)
*Mas binibigyang-priyoridad ang mga nakatira sa lungsod o nag-aaral sa high school sa lungsod.
Pagpaparehistro: Sa pamamagitan ng website
・【May Term】Abril 16 (Huwebes) 10:00 - Abril 30 (Huwebes) 17:00
・【Summer Term】Hunyo 25 (Huwebes) 10:00 - Hulyo 9 (Huwebes) 17:00
・【September Term】Agosto 20 (Huwebes) 10:00 - Setyembre 3 (Huwebes) 17:00
・【January Term】Disyembre 10 (Huwebes) 10:00 - Disyembre 24 (Huwebes) 17:00
→
【2026】 NIC High School Japanese Language Class (NIC高校生日本語教室) | NIC Filipino(Nagoya International Center)
Ang website na ito ay nagbibigay ng mga naninirahan sa ibang bansa na naninirahan sa Nagoya na may malawak na hanay ng impormasyon tulad ng impormasyon na kinakailangan para sa pang-araw-araw na buhay at impormasyon ng kaganapan. Mga Wika: Hapon, Ingles, Portuges, Espanyol, Tsino, Koreano, Pilipino,...
27/03/2026
📣Mga Kaso ng Administratibong Konsultasyon(行政相談事例)📣
Nakatira ako sa lungsod ng Nagoya. Kung biglang magkalagnat ang bata o napinsala, paano ako makakahanap ng ospital? (名古屋市に住んでいます。子どもが急に熱を出した時や、けがをした時、どのように病院を探せばいいですか。)
→→→https://www.nic-nagoya.or.jp/filipino/living-in-nagoya/living-information/living_information/2026/03111627.html