19/01/2025
KennyMarky Story
Always remember that everything will be okay
19/01/2025
17/12/2024
CHAPTER 03
All the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner.
Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Galit na pumunta sa bahay ni Jake si Brie "Yung video may nag-send sa akin at totoo yung kwento ko sa inyo!" Sabi ni Brie kasama niya na pumunta ay si Jane "Brie kumalma ka pati sa akin may nag-send ng video." Sabi ni Jane dumating na rin sina Adam, Rose at Madeline kaya nagulat silang lahat sa sinabi ni Jane "May nag-send sa inyo ng video meron rin sa akin." Sabi ni Adam "Kahit sa akin meron." Sabi naman ni Rose "Kahit sa akin rin." Sabi ni Jake biglang tumingin si Jake kay Madeline "Madeline ikaw ba yung nag-send sa amin?" Sabi ni Jake "Siyempre hindi bakit ko naman yun gagawin?" Sabi ni Madeline "Gusto mo mapasa-amin rin yung video kaya sinend mo sa amin dahil ganun ka Madeline!" Sabi ni Brian tsaka tumayo "Brie hindi ko yun gagawin kaya maniwala ka!" Sabi ni Madeline "Tama na!"
Sabi nina Jane at Rose biglang nagsalita si Jake "Tumigil na kayo! Tanggapin na lang natin dahil nangyari na at tsaka video lang yan kaya sigurado ako walang mangyayari sa atin!" Sabi ni Jake kaya natahimik sila dahil nagalit si Jake sa kanila natapos ang kanilang pag-uusap habang naglalakad si Madeline ay naiinis siya "Nakakainis talaga sila ako pa talaga yung sinisisi. Sigurado ako nagpa send rin sila ng video kay Eddie!" Sabi ni Madeline habang naglalakad siya ay pakiramdam niya ay may sumusunod sa kanya kaya binilisan niya ang paglalakad pero biglang sumulpot ang itim na pusa kaya napasigaw siya "Nakakainis ka talaga!" Sabi ni Madeline tsaka naglakad ng mabilis samantala recess ay kumakain sina
Rose, Adam at Jane biglang napansin nila na may ka-text si Jane sa kanyang cellphone "Jane kumain ka kaya muna mamaya na yan." Sabi ni Adam "Si Brie kasi mag-date kami mamaya." Sabi ni Jane tsaka ngumiti sa kanila "Alam mo sigurado ka na ba talaga diyan kay Brie?" Sabi ni Rose "Oo naman Rose dahil mabait siya kaya hindi ko na siya pakakawalan pa kilala naman ninyo ako na naniniwala sa kasabihan na kapag mabait sayo ang lalaki ibig sabihin may gusto ito sayo." Sabi ni Jane tsaka tumawa sina Adam at Rose "Ganun na yun malay mo baka gusto lang niya kumopya sayo?" Sabi ni Adam tsaka tumawa uli sila ni Rose "Adam hindi ganun yun at tsaka naranasan mo na yan yung mabait sayo yung lalaki tapos may gusto siya sayo." Sabi ni Jane biglang nalungkot si Adam napansin ito ni Rose "Goodluck na lang sa date ninyo." Sabi ni Rose "Thank you." Sabi ni Jane tsaka ngumiti sa kanila nakita ni Adam na
Naglalakad si Madeline "Madeline tara dito ka kumain." Sabi ni Adam tsaka lumapit si Madeline sa kanila "Huwag na Adam alam ko naman na galit kayo sa akin eh." Sabi ni Madeline tsaka umalis "Madeline hindi yun totoo!" Sabi ni Rose "Madeline hoy!" Sabi ni Jane samantala naglalakad at nag-uusap sina Brie at Jake "Wow goodluck sa date ninyo ni Jane mamaya." Sabi ni Jake tsaka ngumiti sa kanya "Thank you Jake pasensya ka na kung nag-aaway kami dahil natatakot lang ako sa the death video na yun eh." Sabi ni Brie "Alam mo naiintindihan kita." Sabi ni Jake tsaka ngumiti sa kanya
05/12/2024
Heto na naman ako
Nag-aabang ng bago sa istorya ko
Paulit-ulit na lang
Paulit-ulit na lang
Heto na naman ako
Tinitignan sa'n nagkamali ang puso ko
Parang walang katapusan
Walang katapusan
Kahit pilitin pa'ng sarili
Ibigin ka, mali
Ako'y mali
Ako'y mali
Paano ba ang magmahal?
Palagi bang nasasaktan?
Umiiyak na lang palagi
Gusto ko nang lumisan
Paano ba ang magmahal?
Kailangan bang nasasaktan?
Lagi na lang 'di maaari
Ngunit ayaw lumisan
Samantala nabalitaan ng mga kaibigan nina Adam at Jake ang kanilang hiwalayan kaya pinuntahan nila ang dalawa para damayan si Jake ay umiiyak dahil nasaktan siya sa hiwalayan nila ni Adam samantalang si Adam ay pinapakita niya sa mga kaibigan niya na ayos siya at matapang hindi nila ito nakikita na umiiyak at hindi katulad ni Jake na umiiyak pagkatapos ng hiwalayan nila ay nasa dressing room si Jane nagpapaganda biglang dumating ang babae "Jane hinahanap ka na doon." Sabi ng babae "Sige pakisabi mo maglilipstick na lang ako tapos papunta na ako." Sabi ni Jane "Sige sasabihin ko Jane." Sabi ng babae tsaka umalis biglang humangin "Ang lamig talaga." Sabi ni Jane biglang dahan-dahan bumukas ang pintuan ng dressing room "Sinabi ko na sayo papunta na ako." Sabi ni Jane habang naglilipstick pero walang tao ang pumasok sa dressing room kaya tumayo si Jane "Sino yan? May tao ba diyan?" Sabi ni Jane biglang nagsara ang pinto kaya napasigaw siya biglang tumunog ang kanyang cellphone kaya tiningnan niya kung ano ito may video lang pala samantala si Brie naman ay nagpa-practice kumanta naiwan siya sa auditorium biglang nagbukas ang pinto ng dahan-dahan "Sir ikaw ba yan?" Sabi ni Brie pero walang tao ang nagpakita sa kanya kaya kukuhanin na dapat niya ang gamit niya pero biglang tumunog ang speaker ng malakas kaya nagulat si Brie "Putangina na speaker na ito nakakagulat!" Sabi ni Brie tsaka pinatay ito biglang tumunog rin ang kanyang cellphone kaya tiningnan niya kung ano ito may video lang pala samantala si Rose ay naglalakad
Biglang pakiramdam niya ay may sumusunod sa kanya kaya naglakad siya ng mabilis pero bigla siya nagulat dahil may sumulpot na tatlong lalaki sa harapan niya ito ang mga nanliligaw sa kanya "Nakakagulat naman kayo!" Sabi ni Rose na nagulat dahil sa kanila "Pasensya ka na Rose nandito ako para bigyan ka ng chocolate." Sabi ng unang lalaki "I'm so sorry Rose kung nagulat ka namin." Sabi ng pangatlong lalaki "Pasensya talaga Rose." Sabi ng pangalawang lalaki biglang tumunog ang cellphone ni Rose tiningnan niya kung ano ito may video lang pala samantala si Jake ay nasa classroom niya nilapitan siya ng mga kaklase niya na lalaki "Hindi ka ba kakain Jake?" Sabi nito "Hindi kailangan ko pa ito tapusin eh." Sabi ni Jake "Sige." Sabi ng lalaki tsaka umalis habang tinatapos ni Jake ang math ay biglang dahan-dahan bumukas ang pinto kaya inalam niya kung bakit ito bumukas naglakad siya nagulat siya dahil dumating ang janitor kaya nagulat siya "Pasensya ka na kung nagulat kita." Sabi ng janitor "Ikaw po ba yung bumukas ng pinto?" Sabi ni Jake "Oo ako nga hindi mo lang nakita dahil umalis agad ako dahil nay nakita ako na basura kaya pinulot ko." Sabi ng janitor biglang tumunog ang cellphone ni Jake tiningnan niya kung ano ito may video lang pala at si Adam naman ay nasa library naghahanap siya ng libro na babasahin niya biglang may naririnig siya na tunog ng paglalakad kaya tiningnan niya kung sino ito pero nagulat siya dahil walang naglalakad kaya naglakad siya ng mabilis pero bigla siya nagulat dahil biglang sumulpot ang librarian
"Pasensya na po." Sabi ni Adam na nagulat "Pasensya kung nagulat kita nakita kasi kita na naghahanap ng mga libro kaya tatanungin sana kita kung kailangan mo ng tulong pero nagulat kita." Sabi ng librarian "Ayos lang po ako actually nakapili na po ako." Sabi ni Adam tsaka naglakad habang naglalakad siya ay biglang tumunog ang kanyang cellphone kaya napatigil siya sa paglalakad tsaka tiningnan niya kung ano ito may video lang pala pagkatapos ng nangyari na kababalaghan sa kanila ay nagdesisyon sila na magkita-kita sa bahay ni Jake na kung saan doon nila pinanood ang the death video.
All the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner.
Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
ITUTULOY......
05/12/2024
Habang naghuhugas ng kamay biglang tumingin si Madeline sa kanya "Kilala mo naman si Brie lahat ng kwento alam niya kahit nakakatakot o nakakasuka ay alam niya." Sabi ni Madeline "Pero naisip ko yung huli niya na kwento totoo kaya yun may video ang isang babae pagkatapos naging sumpa." Sabi ni Jane habang nakatingin sa salamin "I don't know hindi naman ako si Brie." Sabi ni Madeline biglang tumunog ang pinto ng isang banyo kaya nagulat ang tatlo napatingin sila dito pero wala silang nakita na tao dito naglakad palapit na sana sila dito biglang lumabas ang itim na pusa kaya nagsigawan ang tatlo "S**t itim na pusa lang pala." Sabi ni Madeline na nainis sa itim na pusa "See dahil sa pagkukuwento natin ng nakakatakot ayan natakot tuloy tayo dahil lang sa black cat." Sabi ni Jane tsaka tumawa habang si Rose ay natakot dahil sa nangyari "Tara na natakot na talaga ako eh." Sabi ni Rose tsaka umalis pati na rin ang dalawa
Kinaumagahan habang naglalakad si Madeline ay nakita niya si Eddie na nakaupo lalapitan na sana niya ito biglang dumating ang dalawa niya na kaibigan na babae "Madeline saan ka pupunta?" Sabi ng babae "Oo nga Madeline huwag mo sabihin lalapitan mo yung weirdo na yun?" Sabi ng kanyang kaibigan "Bakit ano ang masama? Makikipagkaibigan ako sa kanya." Sabi ni Madeline kaya nagtinginan sa isat-isa ang dalawang babae "Madeline baliw ka ba? Hindi mo ba alam na maraming natatakot sa kanya dahil madalas yung mga video na pinapanood niya ay nakakatakot." Sabi ng babae "Totoo yan pati na rin yung the death video meron siya yun." Sabi ng kanyang kaibigan kaya nagulat si Madeline "The death video ano yun?" Sabi ni Madeline na interesado "Sabi nila tungkol daw yun sa isang babae na kung saan pinatay daw siya pagkatapos na-videohan daw yung nangyari sa kanya kaya kung sino yung nanood ng video niya ay papatayin." Sabi ng babae biglang naalala ni Madeline ang kinuwento sa kanila ni Brie
(FLASHBACK)
Yung tungkol sa death video sabi nila kapag may napanood ka na video ng isang babae ibig sabihin yun may mangyayaring masama sayo dahil papatayin ka niya." Sabi ni Brie
"Girls may naiwanan ko pala yung phone ko sa classroom puwede ba pakikuha please." Sabi ni Madeline kaya wala na nagawa ang dalawa kundi pumayag sa gusto niya umalis ang dalawa para pumunta sa classroom nila pagkaalis nila ay ngumiti si Madeline dahil hindi totoo ang kanyang sinabi tsaka naglakad palapit kay Eddie "Hi Eddie." Sabi ni Madeline nagulat si Eddie dahil kinakausap siya ni Madeline ang pinakatalented sa kanilang school "Kinausap mo ba ako?" Sabi ni Eddie na hindi makapaniwala dahil kinausap siya ni Madeline tsaka ngumiti si Madeline sa kanya "Oo naman bakit mag-isa ka lang nakaupo? Nasaan yung mga kaibigan mo?" Sabi ni Madeline na nagtataka biglang nalungkot si Eddie "Wala akong kaibigan dahil lahat sila natatakot sa akin tingin nila weirdo ako." Sabi ni Eddie biglang naawa si Madeline sa kanya "Alam mo hindi ka weird sadyang hindi ka nila gusto." Sabi ni Madeline samantala naglalakad at nag-uusap sina Adam at Jake "Sabay na tayong umuwi mamaya." Sabi ni Jake "May subject pa kami hanggang 2:30 pm pa yun kaya matagal yun." Sabi ni Adam biglang nalungkot si Jake "Ganun ba sige bukas na lang." Sabi ni Jake tsaka ngumiti kay Adam samantala "Kailan mo ba ako sasagutin Jane halos ang tagal ko na nanliligaw sayo hindi mo pa ako sinasagot." Sabi ni Brie biglang nagsalita si Jane "Sige na nga tayo na." Sabi ni Jane kaya tuwang-tuwa si Brie ganun na rin si Jane samantala si Rose ay nakita ang dalawang kaklase ni Madeline "Oh bakit hindi ninyo kasama si Madeline?" Sabi ni Rose na nagtataka "Nasa baba siya." Sabi ng babae "Pinakuha niya lang sa amin yung phone niya pero wala naman dito." Sabi ng kanyang kaibigan "Ganun ba sa tingin ko nasa bag niya nakakalimutan niya kasi minsan na inilalagay niya doon." Sabi ni Rose tsaka ngumiti samantala "Ano pala yung kailangan mo?" Sabi ni Eddie "Yung tungkol sa the death video gusto ko lang i-send mo sa akin yun." Sabi ni Madeline kaya nagulat si Eddie sa sinabi niya "Bakit mo naman gusto i-send sayo yun?" Sabi ni Eddie na nagtataka "Dahil gusto ko mapanood kaya i-send mo na please." Sabi ni Madeline tsaka ngumiti si Eddie sa kanya at kinuha ang cellphone nito "Pasalamat ka na-download ko pa yung video sa website bago ito burahin." Sabi ni Eddie tsaka inilabas ni Madeline ang kanyang cellphone para i-send ni
Eddie ang video sa kanya maya-maya ay natapos ang pag-send ni Eddie ng video sa kanya "Ipangako mo sa akin na hindi mo sasabihin sa kahit na sino na galing sa akin yung video." Sabi ni Eddie "Oo naman thanks." Sabi ni Madeline "Huwag ka magpasalamat dahil hindi maganda ito." Sabi ni Eddie tsaka umalis masayang-masaya si Madeline dahil nasa kanya ang the death video samantala kinagabihan ay nasa bahay sila ni Jake medyo malaki ang bahay ni Jake dahil may kaya sila pero kahit na ganun ay hindi niya ito pinagyayabang dahil ang kanyang ama ay attorney samantala ang kanyang ina ay model kausap ni Adam ang kanyang ina sa cellphone "Mama nandito po ako sa bahay ng kaibigan ko huwag ka po mag-alala dahil ligtas ako." Sabi ni Adam habang kausap niya ang kanyang ina ay nagluluto si Jake habang pinapanood siya nina Brie, Jane at Rose "Wow Jake ang galing mo talaga magluto." Sabi ni Rose na mangha na mangha kay Jake "Oo nga Jake kaya sayo ako nagpapaturo kung paano magluto o mag-bake para ibigay ko kay Jane eh." Sabi ni Brie tsaka tumawa si Jake "Sus mahirap ka naman maturuan eh dahil minsan hindi mo sineseryoso." Sabi ni Jake habang naghihiwa ng bawang at sibuyas tsaka nagtawanan silang apat "Sabi ko na nga ba mahirap ka turuan eh." Sabi ni Jane tsaka nagtawanan sila maliban kay Brie "Ay pinagtutulungan ninyo ako sige lang." Sabi ni Brie tsaka tumawa "Si Madeline bakit wala pa?" Sabi ni Jake na nagtataka "Papunta na daw siya nahuli lang siya." Sabi ni Rose "Hindi ba kayo sanay kay Madeline palagi naman siya late." Sabi ni Brie tsaka tumawa
"Pero yung mga niluluto mo kanino mo binibigay?" Sabi ni Jane na nagkukunwaring hindi niya alam yung sagot "Jane huwag ka na magkunwari na hindi mo alam yung sagot dahil siyempre kay Adam." Sabi ni Rose na kinikilig tsaka nagtinginan sila kay Adam na kinakausap ang kanyang ina sa cellphone "Kaya hindi na ako nagulat kung bakit nagkagusto sayo si Adam dahil nasa iyo na ang lahat." Sabi ni Brie tsaka ngumiti sa kanya biglang dumating si Madeline "Hi guys pasensya na kung na-late ako may group pa kasi ako sa ibang subject eh." Sabi ni Madeline tsaka naglakad palapit sa kanila "Ayos lang yun nagluluto pa lang naman ako eh." Sabi ni Jake habang nagluluto "Madeline sinagot ako ni Jane ngayon lang kami na." Sabi ni Brie habang nakangiti samantalang si Jane ay nahihiya at nakangiti at sina Rose at Jake ay nakangiti rin "Masaya ako para sa inyo." Sabi ni Madeline tsaka ngumiti "Pero alam ba ninyo may video na ipapanood ko sa inyo." Sabi ni Madeline habang nakangiti bigla siya nagsalita "Ano naman yun?" Sabi ni Rose na nagtataka "Edi yung the death video!" Sabi ni Madeline na masaya sa kanyang sinabi natapos ang pag-uusap ni Adam sa kanyang ina tsaka sumali na rin sa usapan nila "Madeline alam mo naman na nakakatakot yung kuwento na yun kaya bakit may video ka?" Sabi ni Brie na nagtataka "Ano ba yung video?" Sabi ni Adam na nagtataka sa nangyayari "Si Madeline meron siyang video ng kinuwento sa atin ni Brie." Sabi ni Rose kaya nagulat si Adam "Guys kalma dahil hindi naman yun totoo at tsaka urban legend lang yun o kuwento lang yun ng mha matatanda para hindi na makapag cellphone yung mga bata ganun lang yun." Sabi ni Madeline "Pero paano kung totoo yun?" Sabi
Ni Rose na natatakot na "Rose alam ko naman na hindi ka tanga kaya huwag ka maniwala sa
the death video na yun dahil hindi yun totoo." Sabi ni Madeline natapos ang pagluluto ni Jake kaya nakinig siya sa pagsasalita ni Madeline "Pero sabihin mo sa amin kanino mo ito nakuha?" Sabi ni Brie na nagtataka "Kay Eddie sinend ni Eddie yung video sa akin." Sabi ni Madeline kaya nagulat sila "Madeline naman hindi mo pa nga kilala si Eddie tapos kakausapin mo siya alam mo dahil sa ginagawa mo na ganyan ikapapahamak mo!" Sabi ni Brie na nagsimulang mainis "Brie kumalma ka." Sabi ni Adam at sinusubukan siya pakalmahin "Tama si Brie at tsaka paano kung may gawin yun sayo?" Sabi ni Jane "Alam ninyo napakajudgemental talaga ninyo! At tsaka kilala ko hindi niya kaya manakit." Sabi ni Madeline "Paano ka naman nakakasigurado hindi mo nga siya nakakausap eh ngayon lang dahil may kailangan ka sa kanya." Sabi ni Jake "Sigurado ako Jake dahil noong nakausap ko siya na-realize ko na mabait siya at tsaka nakakaawa nga niya dahil tinatawag siya na weirdo tapos walang kumakausap sa kanya." Sabi ni Madeline habang tinitingnan siya ng lima "Agree ako kay Madeline dahil naaawa ako kay Eddie dahil walang kumakausap sa kanya tapos ayaw siya kaibiganin kaya naiintindihan ko siya." Sabi ni Adam tsaka tumingin sa kanya si Jake biglang nagsalita si Rose "Kahit ako ganun rin pero sana Madeline dapat kausapin mo kami kung gusto mo kausapin si Eddie dahil hindi mo kami masisi mga kaibigan mo kami concern lang kami sayo." Sabi ni Rose habang nakasimangot si
Madeline sa kanila "Rose alam ko na rin naman na hindi kayo papayag kaya hindi ko na ginawa." Sabi ni Madeline "Pasensya ka na Madeline kun nahusgahan namin si Eddie." Sabi ni Jake tsaka ngumiti sa kanya "Madeline pasensya ka na tama si Rose mga kaibigan mo kami maya sinasabi namin ito dahil may concern kami sayo." Sabi ni Jane tsaka
Hinawakan ang kanyang kamay "Madeline I'm so sorry kung nasigawan at naging judgemental ako dahil hindi ko akalain na magagawa mo humingi kay Eddie ng video na yun kaya I'm so sorry." Sabi ni Brie tsaka ngumiti si Madeline "Okay pinapatawad ko na kayo pero gusto ba ninyo mapanood yung the death video?" Sabi ni Madeline tsaka nagtinginan ang lima sa isa't-isa "Sige papayag ako." Sabi ni Adam kaya nagulat silang lima "Adam gusto mo panoorin nababaliw ka na ba?" Sabi ni Brie "Brie hindi yun totoo ilagay mo yun sa utak mo." Sabi ni Adam habang nakatingin sa kanya "Pati ako papayag dahil hindi naman yan totoo." Sabi ni Jake tsaka nagsalita si Jane "Ako rin papayag na rin dahil hindi ito totoo." Sabi ni Jane kaya nainis si Brie "Brie at Rose gusto ninyo ba panoorin?" Sabi ni Madeline habang naghihintay ng kanilang kasagutan "Hindi ko alam dahil natatakot ako pero sige." Sabi ni Rose tsaka ngumiti si Madeline "Bahala na nga kayo sige papanoorin ko pero kung totoo yung sinasabi ko ikaw yung may kasalanan Madeline." Sabi ni Brie "Okay tatanggapin ko yan." Sabi ni Madeline tsaka pinanood na nila sa laptop ni Jake habang nakaupo silang lahat sa sofa "Sinasabi ko na sa inyo mali ito." Sabi ni Brie tsaka nagsalita si Madeline "Tumahimik ka nga." Sabi ni Madeline tsaka nagsimula na ang video
Natatakot ang babae habang nakaupo nakikita dito na madilim ang paligid pagkatapos nagsalita ang babae "Ngayon alam ko na napanood mo ang video na ito." Sabi ng babae biglang nag-stop ang video kaya nagtaka silang lima "Bakit nag-stop?" Sabi ni Madeline na nagtataka "Oo nga." Sabi ni Jane "Hintayin na lang natin ulit." Sabi ni Jake pagkatapos nagulat sila dahil may dugo na sa tiyan ng babae "Dahil sa ginawa mo hindi kita titigilan sisiguraduhin ko isasama kita sa mundo at magiging kasama mo ako at ang video na ito ang magiging kamatayan mo!" Sabi ng babae kaya nagsimula sila matakot biglang nag-stop ulit ang video at napanood nila na may sugat sa leeg ang babae at tumatawa biglang sumigaw kaya nagulat sila at sumigaw tsaka pinatay ni Jake ang video "Nakita na ninyo nakakatakot yung video kaya dapat hindi na natin pinanood!" Sabi ni Brian halatang takot na takot "Brian kumalma ka." Sabi ni Jane "Guys I'm so sorry kung natakot kayo pero sa tingin ko scene lang yan sa horror movie." Sabi ni Madeline "What if kung hindi?" Sabi ni Rose na natatakot biglang nagsalita si Adam "Guys please lang itigil na natin yung paniniwala natin sa yhe death video na yan dahil hindi naman yan totoo kaya tara na magpahinga na tayo." Sabi ni Adam "Tama si Adam huwag tayo maniwala sa the death video na yan." Sabi ni Jake pagkatapos ay naglalakad sina Adam at Jake para umuwi si Adam sa bahay niya
"Maraming salamat Jake dahil hinatid mo ako sa bahay." Sabi ni Adam tsaka ngumiti sa kanya "Walang anuman yun basta gusto ko maging safe ka." Sabi ni Jake biglang dumating ang ina ni Adam "Oh Adam nandito ka na pala gabi na. Sino yung kasama mo?" Sabi ng kanyang ina "Hi po Tita ako po si Jake Del Rosario." Sabi ni Jake tsaka ngumiti "Hello ako yung ina ni Adam." Sabi nito tsaka ngumiti sa kanya "Kumain ka na ba?" Sabi nito "Opo kumain na po kami ni Adam." Sabi ni Jake habang nakangiti "Ganun ba sige maraming salamat sa paghatid sa anak ko." Sabi nito "Walang anuman po yun. Sige Adam aalis na ako see you tomorrow." Sabi ni Jake "Sige Jake bye mag-ingat ka." Sabi ni Adam tsaka tumingin habang nakaalis na siya pumasok siya sa bahay naabutan niya na nandoon rin ang kanyang panganay na Ate at kasama nito ang dalawa nito na anak at asawa nito kumakain sila habang kausap ng kanyang Ate ang kanyang pangalawang Ate habang ang kanyang Kuya tinitingnan ni Adam sila "Oh Adam nandito ka na pala." Sabi ng kanyang panganay na Ate "Saan ka pala pumunta?" Sabi naman ng kanyang pangalawang Ate "Sa bahay ng kaibigan ko may tinapos lang kami na school project." Sabi ni Adam tsaka naglakad
"Yung lalaki na yun kaibigan mo lang ba siya o boyfriend mo?" Sabi ng kanyang ina kaya natigil siya sa paglalakad "Ano may naghatid na lalaki sa kanya?" Sabi ng kanyang Kuya "Oo ang gwapo nga eh at tsaka parang may kaya naman." Sabi ng kanyang ina "Ano naman kung boyfriend mo siya bakit may magagawa kayo?" Sabi ni Adam tsaka nagtawanan "Ibig sabihin boyfriend mo nga wow nakakagulat." Sabi ng kanyang Kuya samantala "Tara na mga anak doon muna tayo sa kwarto." Sabi ng asawa ng kanyang Ate tsaka pumasok sa kwarto "Adam huwag ka muna mag-boyfriend dapat mag-aral ka muna." Sabi ng kanyang panganay na Ate "Bakit bawal? Ikaw nga nagboyfriend noon eh!" Sabi ni Adam na nagsimulang magalit "Adam dahil magkaiba tayo at tsaka grade 12 pa lang kayo!" Sabi ng kanyang panganay na Ate "Adam totoo yung sinasabi ng Ate mo at tsaka siya pa yung dahilan kaya nahihirapan ka sa pag-aaral mo eh." Sabi ng kanyang ina "Hindi po yan totoo! Hindi si Jake ang dahilan kung bakit ako nahihirapan sa sa pag-aaral ko at tsaka dahil kay Jake kaya nagiging masaya ako kaya huwag ninyo siya sisihin!" Sabi ni Adam
"Alam mo ayan yung natutunan mo sa lalaki na yun!" Sabi ng kanyang Kuya "Wow nakakahiya naman sayo ikaw ano yung natutunan mo sa girlfriend mo sabihin mo nga sa akin kung maganda?!" Sabi ni Adam "Adam tama na!" Sabi ng kanyang ina "Kung maaari sana huwag ninyo pakialaman yung buhay ko dahil simula noon pa lang palagi na ninyo pinapakialaman yung buhay ko!" Sabi ni Adam tsaka nagsimulang tumulo ang kanyang luha "Adam kaya namin pinapakialaman yung buhay mo dahil pamilya mo kami!" Sabi ng kanyang ina "Pamilya hindi ko nga alam kung pamilya pa ninyo ako dahil meron kang paborito sa mga anak mo at hindi ako yun!" Sabi ni Adam tsaka umiyak "Adam hindi yan totoo wala akong paborito pantay-pantay ang pagmamahal ko sa inyo!" Sabi ng kanyang ina "Hindi yan totoo alam ko naman noon pa lang yung panganay at pangatlo mo na anak yung paborito mo kahit noong namatay si Papa tapos kapag magkukuwento ka sa ibang tao yung panganay ko na anak mabait yung panganay ko na anak may malasakit sa amin yung panganay ko na anak mahal ako yung panganay ko na anak naaawa sa akin yung pangatlo ko na anak binilhan ako ng cellphone yung pangatlo ko na anak may pakialam sa akin yung pangalawa ko na anak matapang yung pangalawa ko na anak kayang maging independent samantala yung bunso ko na anak walang kwenta!" Sabi ni Adam habang umiiyak
"Alam mo Adam kumain ka na sa tingin ko gutom lang yan." Sabi ng kanyang pangalawang Ate "Bakit totoo naman may paborito siya at alam mo kung sino yung paborito niya!" Sabi ni Adam "Adam tama na!" Sabi ng kanyang Ate "Alam mo kaya lang kayo may pakialam sa akin dahil ayaw ninyo maging kawawa ako pero hindi rin ba ninyo inisip na maaaring hindi yun mangyayari dahil mamatay ako." Sabi ni Adam tsaka nagsalita ang kanyang ina "Adam!" Sabi nito tsaka naglakad si Adam para pumasok sa kanyang kwarto samantala umiiyak si Adam sa kanyang kwarto at iniisip kung may pagkakataon lang siya na baguhin ang kanyang buhay ay gagawin niya para hindi maging ganito ang kanyang buhay nagising ng madaling araw si Adam para maligo naabutan niya anf kanyang ina na kakausapin siya "Pasensya ka na kung pakiramdam mo may paborito ako sa inyong magkakapatid pero maniwala ka Adam wala akong paborito sa inyo." Sabi ng kanyang ina "Alam mo hindi ako maniniwala dahil simula noon pinaramdam mo na sa akin may paborito ka dahil palagi mo ako pinapagalitan, pinagbibintangan sa kasalanan na hindi ko naman ginawa alam mo tinatanong ko na lang na maaaring ampon lang ako dahil ito yung napapanood ko sa mga palabas kapag hindi sila paborito maaaring ampon sila pero naisip ko na sadyang ganyan ka talaga dahil si Ate paborito mo siya kaya mo nga nagawang itago sa amin na mag-aasawa na siya eh tapos si Kuya kapag nakakagawa ng mali sa akin mo
Binubuntong yung galit mo alam mo huwag ka mag-alala dahil sisiguraduhin ko na hindi ako aasa sa mga kapatid ko. At tsaka yung tungkol kay Jake huwag ka mag-alala makikipaghiwalay na ako sa kanya dahil tama naman kayo hindi kami bagay sa isa't-isa." Sabi ni Adam tsaka umalis samantala ay kinausap ni Adam si Jake sa labas ng classroom niya "May sasabihin ka ba sa akin?" Sabi ni Jake "Oo importante ito Jake." Sabi ni Adam biglang napansin ni Jake na malungkot si Adam "Ano ba yung pag-uusapan natin?" Sabi ni Jake na nagtataka "Jake yung relasyon natin." Sabi ni Adam biglang nagsalita si Jake "Huwag mo ituloy yung sasabihin mo dahil hindi ko magugustuhan yung sasabihin mo." Sabi ni Jake "Jake kailangan ko ituloy kailangan na natin tapusin yung relasyon natin." Sabi ni Adam habang nakatingin sa kanya "Bakit naman may nagawa ba akong mali?" Sabi ni Jake "Jake wala dahil na-realize ko na tama sila bata pa tayo kaya hindi pa tayo puwede." Sabi ni Adam "Adam wala akong pakialam sa ibang tao dahil nagmamahalan tayo at tsaka ano naman kung mga bata pa tayo!" Sabi ni Jake "Jake hindi mo naiintindihan! Kaya please lang tapusin na natin yung relasyon natin mahal kita pero mas mahal ko yung sarili ko." Sabi ni Adam "Paano naman ako kapag iniwan mo ako masasaktan ako." Sabi ni Jake "Puwede pa naman tayo maging magkaibigan kaya hanggang doon na muna tayo pagkatapos kapag naka-graduate na tayo puwede maging tayo ulit." Sabi ni Adam "Sige gagawin ko yan thank you Adam dahil naging bahagi ka ng buhay ko." Sabi ni Jake "You are my love you are my pain you are my joy kaya hindi kita makakalimutan sa buhay ko." Sabi ni Adam
Tsaka naglakad papasok sa kanyang classroom umiiyak si Adam na nakaupo habang tinitingnan siya ng kanyang mga kaklase ganun rin si Jake umiiyak na nakatayo sa labas ng kanyang classroom samantala si Brie ay nagpa-practice ng kanta "Brie kumanta ka na." Sabi ng lalaki tsaka kumanta si Brie
05/12/2024
CHAPTER 02
All the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner.
Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Nakaupo sina Adam at Jake habang nasa fastfood sila hinihintay nila na dumating sina Brie, Jane, Madeline at Rose maya-maya ay dumating na rin ang apat "Oh nandito na pala kayo." Sabi ni Jake tsaka umupo ang apat "Pasensya na natagalan ang tagal kasi magturo ni Ma'am Enriquez eh." Sabi ni Madeline "Ganun talaga si Ma'am Enriquez sahi nga ng mga ibang estudyante eh." Sabi ni Adam "Oo nga pala kakain na muna ba tayo bago manood?" Sabi ni Brie "Bakit puwede naman yun at tsaka gutom na rin kasi ako eh." Sabi ni Rose kaya nagtawanan silang lahat "Mukha nga na gutom ka na paano ba naman pinag-aagawan siya ng tatlong lalaki." Sabi ni Jane "Wow ang haba ng hair." Sabi ni Adam kaya nagtawanan ulit silang lahat "Alam ninyo kalimutan na ninyo sila dahil nakakainis kanina hindi na naman nila ako tinigilan." Sabi ni Rose "Totoo yan binigyan pa nga siya ng bulaklak eh." Sabi ni Brie "Kaya pala may dala ka na mga bulaklak." Sabi ni Jake tsaka napansin ang tatlong bulaklak na rosas "Oo tinanggap ko nakakahiya naman eh." Sabi ni Rose "Alam mo Rose hindi ka talaga titigilan ng tatlong yun dahil kapag may binibigay sila sayo tinatanggap mo." Sabi ni Madeline "Ano ba yung dapat ko gawin?" Sabi ni Rose "Dapat hindi mo tinatanggap yung mga binibigay nila sayo." Sabi ni Madeline "Correct dahil maaaring isipin nila na may chance sila sayo."
Sabi ni Jane "Ako ba wala ba akong chance sayo?" Sabi ni Brie kaya nagtawanan ang lahat maliban sa kanila Brie at Jane "Wow sumisimple ka Brie." Sabi ni Jake tsaka nagtawanan ang lahat "Alam mo tigilan mo ako sa mga cheese na sinasabi mo." Sabi ni Jane "Sige na umorder na tayo." Sabi ni Jake natapos ang kanilang pag-uusap dahil nag-order na sila ang kanilang pagkain ay chicken, spaghetti, fries at burger bago sila kumain ay nagpicturan muna sila at natapos ang kanilang pagkain hanggang sa nagkuwentuhan silang anim "Alam ninyo bago tayo manood ng sine may ikukuwento ako sa inyo alam ko naman na hindi pa ninyo ito alam eh." Sabi ni Brie "Ano naman yun?" Sabi ni Jake tsaka uminom ng tubig "Yung noong November 06 2010 ay may namatay na teenager at grabe yung nangyari sa kanya." Sabi ni Brie "Ano yung nangyari sa kanya?" Sabi ni Madeline na interesado sa kinukuwento ni Brie "Natagpuan siya ng kanyang ina na patay sa kanilang bahay tapos grabe yung nangyari sa kanya." Sabi ni Brie biglang nagsalita si Rose "Alam ko na yan dahil ayan yung ni-report ko kahapon." Sabi ni Rose tsaka kumagat ng fries "Tapos ano yung sunod?" Sabi ni Jane na interesado na rin "Na yung katawan niya ay nasa sahig tapos puno ng dugo tapos pinugutan pa siya ng ulo kaya brutal yung nangyari sa kanya." Sabi ni Brie kaya nagsimulang matakot ang tatlong babae "Ano ba yan akala ko pa naman masaya yung kinukuwento mo ganyan pala." Sabi ni Adam tsaka uminom ng tubig "Oo nga nakakatakot ah." Sabi ni Jake "Alam ninyo may isa pa ako ikukuwento sa inyo. Yung tungkol sa
Death video sabi nila kapag may napanood ka na video ng isang babae ibig sabihin yun may mangyayaring masama sayo dahil papatayin ka niya." Sabi ni Brie biglang tumayo si Jane "Ikaw puro ka talaga kalokohan! Magbabanyo na muna ako." Sabi ni Jane tsaka naglakad "Ako rin pala guys." Sabi ni Madeline tsaka tumayo "Sama ako naiihi na rin kasi ako eh." Sabi ni Rose tsaka tumayo naglakad sila ni Madeline para sumunod kay Jane para pumunta sa banyo naiwan sina Adam, Brie at Jake "Ikaw kasi puro ka kalokohan eh." Sabi ni Jake tsaka tumawa "Totoo naman yung sinasabi ko totoong nangyari yun." Sabi ni Brie tsaka tumawa sina Adam at Jake "Alam mo kahit totoo yun nangyari dapat hindi mo kinuwento sa amin dahil nakakatakot kaya." Sabi ni Adam "Kaya tuloy nainis sayo ni Jane sige ka hindi ka na sasagutin." Sabi ni Jake tsaka tumawa sila ni Adam "Alam ninyo kaya kayo ganyan magsalita dahil masaya yung love life ninyo dahil-" Sabi ni Brie hindi na niya natuloy pa yung sasabihin niya dahil nagsalita si Adam "Naiihi na pala ako sige pupunta muna ako sa banyo." Sabi ni Adam tsaka naglakad papunta sa banyo habang nasa banyo ang tatlong babae ay nag-uusap "Parang baliw talaga si Brie nagkuwento ba naman siya ng creepy." Sabi ni Madeline habang nakatingin sa salamin "Pero kahit na ganun nagulat ako sa kanya dahil hindi ko akalain na alam niya yung kwento na yun yung iba nga kinakalimutan na yun dahil napakabrutal yung nangyari sa babae samantala siya ayan alam niya." Sabi ni Rose
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Telephone
Website
Address
Seoul
12344568
