Councilor Ar. Ariel Bonus

Cómo llegar

Councilor Ar. Ariel Bonus ARCHITECT
Public servant of the Municipality of Mexico, Pampanga

28/10/2026
28/10/2026
22/10/2026
14/10/2026
10/10/2026

📢 𝗠𝗨𝗡𝗜𝗖𝗜𝗣𝗔𝗟 𝗢𝗥𝗗𝗜𝗡𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗡𝗢. 𝟬𝟯𝟵-𝟮𝟬𝟮𝟲: 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗖𝗜𝗧𝗜𝗭𝗘𝗡𝗦 𝗠𝗜𝗟𝗘𝗦𝗧𝗢𝗡𝗘 𝗔𝗪𝗔𝗥𝗗, 𝗠𝗔𝗬 𝗖𝗔𝗦𝗛 𝗜𝗡𝗖𝗘𝗡𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗤𝗨𝗔𝗟𝗜𝗙𝗜𝗘𝗗 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗖𝗜𝗧𝗜𝗭𝗘𝗡.

Alam mo ba? May nakalaang cash incentive para sa mga kwalipikadong senior citizen ng Bayan ng Mexico na aabot sa edad na 80, 85, at 90 taong gulang.

Ang ordinansa ay iniakda ni Hon. Ma. Angela B. Pangan at inisponsor ng Committee on Senior Citizens and Persons with Disability, sa pangunguna ni Hon. Lourdes G. Sicat bilang Chairperson, kasama sina Hon. Ariel Benedict B. Bonus at Hon. Ma. Angela B. Pangan bilang mga miyembro ng komite.

Sa ilalim ng Municipal Ordinance No. 039-2026, na kilala bilang Senior Citizens Milestone Award Ordinance, nakasaad ang sumusunod na insentibo:

• ₱1,000 – para sa edad na 80 taong gulang
• ₱3,000 – para sa edad na 85 taong gulang
• ₱5,000 – para sa edad na 90 taong gulang

Sino ang maaaring maging benepisyaryo?

✔️Rehistrado sa Mexico Office for Senior Citizens Affairs (OSCA).
✔️Bona fide resident ng Mexico nang hindi bababa sa isang taon bago maabot ang itinakdang edad.
✔️ Makapagsusumite ng mga kinakailangang dokumento.

PAALALA: Kailangang ma-claim ang insentibo sa loob ng 60 araw mula sa kaarawan ng benepisyaryo.

Sa pamamagitan ng mga batas at ordinansang ipinapasa ng 12th Sangguniang Bayan, sa pangunguna ni Vice-Mayor Doc Pangan, at sa pakikipagtulungan sa Executive Department sa pangunguna ni Mayor Ruding Santos Gonzales, patuloy na isinusulong ang kapakanan ng mga senior citizen sa Bayan ng Mexico. Layunin ng pagtutulungang ito na maisakatuparan ang mga hakbang at programang nagbibigay ng pagkilala, suporta, at benepisyo sa ating mga nakatatanda.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kinakailangan at proseso ng pag-claim, maaaring makipag-ugnayan sa Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) o sa Office of the Sangguniang Bayan ng Mexico.

Ibahagi ang impormasyong ito upang mas marami pang senior citizen at kanilang pamilya ang magkaroon ng kaalaman tungkol sa ordinansa.




07/10/2026

Regular Session 📄

06/10/2026

Dirección

San Jose Matulid
Mexico City
2021

Página web

Notificaciones

Sea el primero en enterarse: le enviaremos un correo electrónico cuando Councilor Ar. Ariel Bonus publique novedades y promociones. Su dirección de correo electrónico no se utilizará para ningún otro fin y puede darse de baja en cualquier momento.

Atajos

Compartir

Categoría

Servicios Gubernamentales cercanos