24/08/2026
Isang panibagong tagumpay para sa ating mga mag-aaral at sa buong Kabataang Iraanon! 🌟📚
Tayo po, kasama ang ating SK Officials, ay matagumpay na namahagi ng mga school supplies ngayong August 24, 2026 sa ating Jack & Jill Daycare Center at Starlight Daycare Center.
Inuna po natin ang dalawang daycare centers na ito upang masig**ong maihanda at matulungan agad ang ating mga pinakababatang mag-aaral sa kanilang pagsisimula sa eskwela.
Ang proyektong ito ay isinagawa sa ilalim ng Sangguniang Kabataan (SK) Fund bilang bahagi ng ating patuloy na komitment sa edukasyon. Isang malaking karangalan at kagalakan para sa ating pamunuan ang makapagbigay ng suporta at matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng ating mga estudyante at ng ating mga masisipag na g**o.
Maraming salamat po sa patuloy na pagtitiwala at suporta. Para sa mas matatag at mas maliwanag na kinabukasan ng Kabataang Iraanon, tuloy-tuloy ang ating lingkod-kabataan! 🎒✨