The work of the Lord is seen in the love and help extended to children in need. Through the kindness and generosity of people who share their time and blessings, God’s care becomes evident. Every act of support brings hope and reminds these children that they are loved and valued.
UDALO Elementary School-Latag Extension
Elementary School
08/03/2026
"School Supplies at Tsinelas Hatid sa mga Mag-aaral ng Sitio Latag"
Noong March 6, 2026, nagsagawa ng pamamahagi ng school supplies, tsinelas, kasuotan at mga laruan ang Willingdon Church katuwang ang SeedCare at WCFF sa pangunguna ni Ma'am Tana para sa mga mag-aaral ng Udalo ES–Latag Extension Class at CAMNHS–Latag Extension Class sa Sitio Latag, Brgy. Udalo, Abra de Ilog, Occidental Mindoro.
Nagsimula ang programa sa Praise and Worship na pinangunahan ni Ms. Kristelle Anne Patrice M. Silan, na sinundan ng panalangin ni Mr. Joseph Patricio. Nagbigay ng welcome remarks si Mr. Reymark C. Cantos, Teacher Leader ng UES–Latag Extension at sinundan ng pagpapakilala ng mga panauhin. Nagbigay din ng mensahe si 2LT FRANCIS O’NEIL CUENTO , Platoon Leader ng Charlie Company, 76IB, 2ID PA. Matapos nito, naghandog ng sayaw ang mga mag-aaral bilang pasasalamat bago isinagawa ang pamamahagi ng mga kagamitan.
Sa ngalan ng aming Punong-g**o na si JENNIFER DIVINE S. MAGNAYE, taos-pusong nagpapasalamat ang paaralan sa patuloy na suporta at tulong ng Willingdon Church, SeedCare, at WCFF para sa kapakanan ng mga mag-aaral. Pasasalamat din ang ipinaaabot sa PA sa pangunguna ni 2LT FRANCIS O’NEIL CUENTO , Platoon Leader ng Charlie Company, 76IB, 2ID sa kanilang pakikiisa sa nasabing gawain.
“School Supplies at Tsinelas Hatid sa mga Mag-aaral ng Sitio Latag”
Handog na Sayaw ng mga mag-aaral ng Udalo ES-Latag at CAMNHS- Latag Extension Classes.
02/03/2026
It's never too late.😇😇😇
Great leadership isn’t about authority , it’s about serving with integrity and inspiring others to be their best. On your birthday, we celebrate not just you, but the positive difference you make in our entire school community. Happy Birthday! 🥂
26/02/2026
Pamilya: Pundasyon ng Pamayanan Kaagapay ng Paaralan, Tulong-tulong para sa Kaunlaran.
Isang taos-pusong pasasalamat sa mga magulang at mag-aaral na nakiisa at sumuporta sa isinagawang gawain, gayundin sa Charlie Hunters Company, 76IB 21D PA sa kanilang pakikipagtulungan at malasakit sa komunidad.
Lubos ding pinasasalamatan si Ma’am Tana sa pag-sponsor ng pagkaing pinagsaluhan ng bawat pamilya. Ang nasabing salu-salo ay naging makabuluhang bahagi ng pagtitipon na lalo pang nagpatibay sa pagkakaisa at ugnayan ng pamayanan.
Lateupload
Pamilya: Pundasyon ng Pamayanan Kaagapay ng Paaralan, Tulong-tulong para sa Kaunlaran.
Lateupload
Pamilya: Pundasyon ng Pamayanan Kaagapay ng Paaralan, Tulong-tulong para sa Kaunlaran.
Lateupload
16/01/2026
Udalo Elementary School–Latag Extension Celebrates Inauguration of Newly Improved Makeshift Classrooms
Pinasinayaan noong Enero 13, 2026 sa Sitio Yabanan, ang tatlong makeshift classroom na itinayo sa Sitio Latag Brgy. Udalo , Abra de Ilog , Occidental Mindoro para sa mga mag-aaral ng Udalo Elementary School–Latag Extension Class. Ang proyekto ay donasyon mula sa Korean sponsors sa pangunguna ni Rev. Paul Lim.
Nagsimula ang programa sa pamamagitan ng Praise and Worship na pinangunahan ng mga g**o ng Paaralan, kasunod ang Opening Prayer ni Rev. Shin Dongwan. Sinundan ito ng pag-awit ng Lupang Hinirang at opening remarks ng Punong-g**o II, ma'am Jennifer Divine S. Magnaye. Ipinagpatuloy ang programa ni Sir Joseph S. Patricio ng Camurong National High School–Latag Extension, na naglahad ng maikling kasaysayan ng pagtatayo ng bagong silid-aralan.
Nagbigay naman ng word of encouragement si Rev. Paul Lim, habang nagbahagi rin ng mensahe si Rev. Kim Sangix, SB Darius “Dada” E. Regis at SK Chairman Mc Cee-ian C. Bautista. Naghandog din ng special song ang isa sa Korean visitors/ASSP students.
Kasama sa mga aktibidad ang signing ng Certificate of Acceptance, awarding ng gifts sa mga g**o, at pagbibigay ng plaque at token sa mga sponsors bilang pagkilala sa kanilang mahalagang kontribusyon.
Tinapos ang programa sa pamamagitan ng closing remarks ng Punong Barangay, Ofelia U. Silan at closing prayer ni Pastor Roden Madrigal, na nagbigay diin sa tagumpay ng seremonya at sa kahalagahan ng edukasyon.
Sigman Ext. year end party🤍
07/12/2025
Paskong Pasaya para sa IRAYA 2022😇
PART V :
Konting hinga nalang malapit lapit na 🥰🥰
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Barangay Udalo, Sitio Latag
Abra De Ilog
