12/09/2026
๐ข ANNOUNCEMENT
Magandang araw po!
Ipinababatid po ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) na magkakaroon po ng VALIDATION PARA SA MGA POTENTIAL SOCIAL PENSIONERS sa darating na:
๐
September 21, 2026
๐ 8:00 AM
๐ Tanggapan ng MSWDO
Kaugnay nito, hinihiling po namin sa mga pangalan na kabilang sa listahang ibinigay ng DSWD na magtungo sa Tanggapan ng MSWDO sa nabanggit na petsa at oras para sa kinakailangang validation.
Ang listahan po ng mga potential beneficiaries ay batay sa datos mula sa CBMS 2024, alinsunod sa kasalukuyang proseso at guidelines ng DSWD.
๐ PAALALA:
Para po sa mga nagtatanong tungkol sa validation na isinagawa noong nakaraang taon o mga nakaraang taon, nais po naming ipabatid na ang mga naunang validation ay hindi na maaaring gamiting batayan para sa kasalukuyang validation process, dahil may mga bagong guidelines at instructions mula sa DSWD Central Office hinggil sa pagpili at pagproseso ng mga potential beneficiaries.
Sa kasalukuyang proseso, ang mga pangalan para sa validation ay ibabatay sa listahang inilabas ng DSWD mula sa datos ng CBMS 2024. Dahil dito, tanging ang mga pangalan na kabilang sa kasalukuyang listahan ang maaaring sumailalim sa validation.
Ang pagsasailalim sa validation ay hindi pa nangangahulugang awtomatikong pagkakatanggap bilang Social Pension beneficiary, dahil kinakailangan pa ring sumailalim sa kaukulang assessment, validation, at iba pang proseso alinsunod sa umiiral na guidelines ng DSWD.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikipagtulungan. ๐ค
-Makiki dala po pala ng ID ng senior at National ID kung meron, if wala po kahit birth certificate or Barangay ID.