06/05/2026
Hebron Minority School
๐๐ฒ๐ฏ๐ฟ๐ผ๐ป ๐๐น๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น
06/05/2026
30/03/2026
Hebron Minority School
Graduation Ceremony 2026 ๐งโ๐
March 30, 2026
TEMA: "Pilipinong Nagsipagtapos: Handang mamuno nang may kakayahan at mabuting pagkatao"
CONGRATULATIONS, everyone! ๐๐๐
Maraming salamat din po ang aming ipinapaabot sa mga taong naging kaagapay ng paaralan para maging matagumpay ang Araw na ito. โค๏ธ
30/03/2026
Hebron Minority School
Moving-Up Ceremony 2026 ๐งโ๐
March 30, 2026
THEME: "Pilipinong Nagsipagtapos: Handang mamuno nang may kakayahan at mabuting pagkatao"
CONGRATULATIONS, everyone! ๐๐๐
Maraming salamat din po ang aming ipinaaabot sa mga taong naging kaagapay ng paaralan para maging matagumpay ang Araw na ito. โค๏ธ
12/03/2026
Fire fighters in action. ๐
Nagkaroon ng insidente ng sunog sa likurang bahagi ng Hebron Minority School kaninang 1:00 ng hapon na malapit na ring umabot sa paaralan. Agad itong naagapan dahil sa mabilis na aksyon ng mga kinauukulan.
Taos-pusong pasasalamat ang aming ipinapaabot kay SB Maybelle Villalobos sa agarang pakikipag-ugnayan sa BFP. Lubos din ang aming pasasalamat sa BFP-Abra de Ilog lalo na kina SFO1 Aeron Carlo P. Altura, FO1 Reyben D. Albaรฑo, FO1 Jayson B. Dantayana at
FO1 Judith D. Laab sa mabilis na pagresponde at pag-apula ng sunog upang matiyak ang kaligtasan ng paaralan at komunidad.
Maraming salamat po sa inyong agarang aksyon at serbisyo para sa kaligtasan ng lahat.
18/02/2026
Fire Safety Orientation at Fire Drill | Isang Araw ng Kaalaman at Kahandaan
Ngayong araw ay matagumpay na naisagawa ang Fire Safety Orientation, Fire Drill at Earthquake Drill sa Hebron Minority School sa pangunguna ng Bureau of Fire Protection โ Abra de Ilog Station.
Layunin ng aktibidad na ito na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga mag-aaral at g**o tungkol sa pag-iwas sa sunog at wastong paglikas sa oras ng sakuna. Mahalaga ang ganitong orientation upang mahubog ang disiplina, pagiging alerto, at kahandaan ng buong paaralan โ dahil ang kaligtasan ay nagsisimula sa tamang kaalaman.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa BFP Abra de Ilog Station sa kanilang oras, dedikasyon, at pagbabahagi ng mahahalagang aral sa fire safety. Maraming salamat po sa patuloy ninyong paglilingkod para sa kaligtasan ng aming komunidad! ๐
Paunawa: ang mga kuhang larawan ng mga Bata ay may pahintulot.
15/09/2025
Opisyal na pagsisismula ng ARAL Program sa Hebron Minority School.๐
Ngayong araw, matagumpay na isinagawa ang kick-off ng ARAL Program sa pangunguna ng mahal naming Ulong G**o, Gng. Ligaya L. Quiรฑones, kasama ang masisipag na mga g**o at masiglang dinaluhan ng ating mga mag-aaral.
Ang ARAL o "Access, Retention, and Alternative Learning" ay isang programang inilunsad ng Department of Education na layuning palakasin ang kasanayan ng mga bata sa pagbasa at pag-unawa, upang matiyak na sila ay handang-handa sa kanilang paglalakbay sa edukasyon.
Ipinaliwanag ni Gng. Angel Ellaine D. Causapin, Master Teacher II, ang kahalagahan ng ARAL program at ang magiging papel nito sa pagbibigay-suporta sa mga mag-aaral na nangangailangan ng dagdag na tulong sa pagbasaโisang mahalagang hakbang tungo sa mas inklusibo at epektibong pagkatuto.
Ang ating paaralan ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at patuloy na sumusuporta sa layunin ng edukasyon para sa lahat. Sama-sama nating itaguyod ang "Bawat Bata Bumabasa!"
13/09/2025
Outreach with a Purpose
Isang araw ng pagbibigay, pagkatuto, at pagtutulungan para sa mas maliwanag na kinabukasan!
Noong Setyembre 13, 2025, matagumpay na isinagawa ang Outreach Program ng TESDA - Occidental Mindoro sa Hebron Minority School. Kabahagi sa gawaing ito ang LGU-PESO at Office of Mangyan Affairs (OMA).
Ipinamahagi sa mga mag-aaral Ang 100 school supplies at 100 first aid kits naman ang natanggap ng mga magulang. Nakatanggap rin ang lahat ng mag-aaral at magulang ng Baked goods mula sa mga estudyante ng TESDA.
Nagsagawa rin ang TESDA ng training sa solar panel installation at workshop sa paggawa ng organic fertilizer na higit na makakatulong sa kabuhayan ng mga magulang sa Hebron Community.
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng nakibahagi sa programang ito. Sama-sama nating itinataas ang kalidad ng buhay sa pamamagitan ng edukasyon, kasanayan, at malasakit.
(Ang mga larawan ng mga bata na kuha sa araw na ito ay may pahintulot ng mga magulang.)
31/08/2025
Hebron Minority School
School Intramurals 2025 โค๏ธ
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the business
Website
Address
So. Hebron, Barangay Balao
Abra De Ilog
Opening Hours
| Monday | 7am - 5pm |
| Tuesday | 7am - 5pm |
| Wednesday | 7am - 5pm |
| Thursday | 7am - 5pm |
| Friday | 7am - 5pm |
