14/07/2020
Tulungan Natin ang mga Rangers at Wardens na Kumakalinga sa mga Tamaraw!
Alam nating lahat na ang mga Tamaraw, na dito lang makikita sa OkSi sa buong mundo, ay nanganganib. Ang mga Rangers at Wardens ang matagal nang nagsisilbing “Frontliners” sa pangangalaga at pagkalinga kay Kalibasib at sa natitirang 480 na Tamaraw sa kagubatan ng OkSi.
Dahil sa pandemyang dulot ng Covid19, hirap ang ating mga Rangers at Wardens dahil apektado ang kanilang kita at kabuhayan. Sa kabila nito, hindi sila nagpapabaya sa kanilang tungkuling pangalagaan ang mga Tamaraw.
Bilang tugon, ilulunsad bukas, July 15, 2020, ang “Together for Tamaraws”, isang pandaigdigang fund-raising campaign para suportahan ang ating mga Rangers at Wardens. Pangungunahan ito ng United Nations Development Program (UNDP), Biodiversity Finance Initiative (BIOFIN), Department of Environment and Natural Resources Biodiversity Management Bureau (DENR-BMB), Tamaraw Conservation Program (TCP), Mts. Iglit-Baco Natural Park Protected Area Management Office (MIBNP-PAMO) at ng aking opisina.
Sa umaga, gaganapin ang “Philippine Launch”, sa paanan ng Mts. Iglit-Baco sa Brgy. Poypoy, Calintaan. Kasama kong dadalo dito ang DENR, TCP, MIBNP-PAMO at mga opisyales ng OkSI sa pangunguna ni VG Peter Alfaro at Mayor Eric Labrador.
Sa gabi naman, gaganapin ang online “Global Launch”. Dadaluhan ito ng UNDP, mga lider ng BIOFIN mula sa 35 bansa, partners ng BIOFIN sa Pilipinas, DENR at ng aking opisina, kasama sila VG Peter at mga Mayor ng OkSi. Mapapanood ito sa pamamagitan ng live stream sa FB page ng Pbsap-Biofin https://web.facebook.com/biofinPH/ simula 9 P.M. Philippine time.
Tulungan Natin Sila! Sa mga susunod na araw, maglalabas tayo ng anunsyo kung paano ako, ikaw, ang mga taga OkSi at mga Pilipino saan mang sulok ng mundo, ay maaaring mag-ambag! Mahalaga at malayo ang mararating ng bawat tulong na kaya nating ibigay sa kanila.
(Photo by: Gab Mejia)

21/12/2018