Barangay Poblacion Disaster Risk Reduction Management Committee

Call Directions

Barangay Poblacion Disaster Risk Reduction Management Committee Official page of the Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC) of Barangay Poblacion.

Dedicated to keeping our community safe, prepared, and informed before, during, and after disasters.
📞 Emergency Hotline: 09938970822

ABISO SA PUBLIKO: Agosto 28, 2026Kaugnay ng banta ng habagat at Low Pressure Area (LPA) 08i, nagbigay babala ang Office ...
28/08/2026

ABISO SA PUBLIKO:

Agosto 28, 2026

Kaugnay ng banta ng habagat at Low Pressure Area (LPA) 08i, nagbigay babala ang Office of Civil Defense (OCD) sa posibilidad ng malalakas na pag-ulan sa kanluran at hilagang bahagi ng Luzon.

Ayon kay Assistant Secretary Bernardo Rafaelito R. Alejandro IV, maaaring makaranas ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ang ilang lugar sa Luzon kabilang ang Zambales, Bataan, Benguet, La Union, Occidental Mindoro, Ilocos Region, Pangasinan at Abra mula ngayong araw hanggang Agosto 31.

Posible naman ang katamtamang pag-ulan sa National Capital Region (NCR), Gitnang Luzon at CALABARZON.

Nagbabala ang OCD na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa ang tuloy-tuloy na malakas na pag-ulan, lalo na sa mga lugar na malapit sa mga ilog at iba pang daluyan ng tubig, gayundin sa mga lugar na may mataas na tyansa ng pagguho ng lupa.

Patuloy ang monitoring ng OCD at koordinasyon nito sa iba pang ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan para sa agarang pagtugon sa mga posibleng epekto ng sama ng panahon.

Inihahanda rin ang mga response assets at resources sa mga posibleng maapektuhang lugar, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), mga uniformed services at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Pinapayuhan din ng OCD ang publiko na manatiling alerto, sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan, regular na subaybayan ang opisyal na lagay ng panahon at ipagpaliban muna ang hindi kinakailangang pagbiyahe.






18/08/2026
MAGING ALERTO AT MAGING HANDA PO ANG MGA NAKATIRA MALAPIT SA LAWAAN RIVER, MALAKI AT MALAKAS NA PO ANG AGOS NG ILOG. KUN...
17/08/2026

MAGING ALERTO AT MAGING HANDA PO ANG MGA NAKATIRA MALAPIT SA LAWAAN RIVER, MALAKI AT MALAKAS NA PO ANG AGOS NG ILOG. KUNG SAKALING MAG TUTULOY TULOY ANG MALAKAS NA PAG ULAN. POSIBLE PO ANG PREEMPTIVE EVACUATION. INGAT PO

17/08/2026

📢🚨 KAALAMAN AT PAG-IINGAT: PAALALA UKOL SA PATULOY NA MALAKAS NA ULAN 🚨

Isang mapagpalang gabi sa lahat ng ating mga ka-Barangay!

Dahil sa patuloy na nararanasang malakas at walang humpay na pag-ulan na dala ng masamang panahon, ang Pamahalaang Barangay ng Poblacion ay nagpapaalala sa lahat na manatiling alerto at mag-ingat.Upang matiyak ang kaligtasan ng bawat pamilya,

Narito ang mga mahahalagang paalala:
•Subaybayan ang Ulat Panahon: Makinig sa radyo, manood ng TV, o tutukan ang mga opisyal na page para sa mga thunderstorm at flood advisory.
•Maghanda ng Go-Bag: Ihanda ang emergency kit na naglalaman ng tubig, de-latang pagkain, gamot, flashlight, powerbank, at mahahalagang dokumento.
•Bantayan ang Antas ng Tubig: Para sa mga nakatira malapit sa ilog, o mabababang lugar, maging handa sa posibleng biglaang pagbaha.
•Umiwas sa Panganib: Huwag lumusong o maglaro sa baha upang maiwasan ang mga sakit tulad ng leptospirosis at banta ng kuryente.
•Magkusa sa Paglikas: Kung abutan ng baha o kung kayo ay nakatira sa landslide-prone areas, huwag nang hintayin ang utos ng sapilitang paglikas. Lumipat agad sa mas ligtas na lugar o sa ating evacuation center. Ang ating Barangay Disaster Risk Reduction and Management Team ay handang tumugon sa anumang oras.

☎️BARANGAY EMERGENCY HOTLINES:
0918 285 6878 - 0938 5700 109 - 0924 116 8809

AUGUST 7, 2026|| PRE-EMPTIVE EVACUATION.SA KABILA NG WALANG PATID NA PAG BUHOS NG ULAN DULOT NG HABAGAT NA PINALALAKAS N...
07/08/2026

AUGUST 7, 2026|| PRE-EMPTIVE EVACUATION.

SA KABILA NG WALANG PATID NA PAG BUHOS NG ULAN DULOT NG HABAGAT NA PINALALAKAS NG BAGYONG MAYMAY, NAGSAGAWA ANG PAMUNUAN NG BRGY.POBLACION NG PRE-EMPTIVE EVACUATION SA PANGUNGUNA NI BDRRMC CHAIRPERSON PB. RANDY V. NIEVA SA APAT (4) NA PAMILYA NA MAY KABUUANG BILANG NA LABING-ANIM (16) NA INDIBIDWAL SA SITIO, ATIPAN(BUKANA) KANINANG UMAGA.

KATUWANG SA PAGPAPALIKAS ANG MGA AHENSYA NG PAMAHALAAN, KABILANG ANG MDRRMO, PCG, BFP, MPS, PNP-RMFB MGA MIYEMBRO NG SANGGUNIANG BAYAN AT MGA VOLUNTEERS. DINALA ANG MGA INILIKAS SA ABRA DE ILOG GYMNASIUM NA NAGSISILBING EVACUATION CENTER.

PINAPAALALAHANAN ANG LAHAT NG RESIDENTE NG BARANGAY POBLACION NA MAGING MAINGAT AT ALISTO SA NARARANASANG SAMA NG PANAHON.


06/08/2026

📢PAALALA SA KALIDAD NG TUBIG SA Barangay Poblacion!

Mga Minamahal naming Ka-Barangay ,Mangyaring siyasatin po muna ang tubig mula sa inyong mga gripo bago ito gamitin ngayon. Pinapayuhan po na huwag munang gamitin na inumin, ipangluto o ipanglaba upang maka iwas po tayo sa posibleng sakit na maaring maging dulot nito.

Pinapayuhan din ang mga residente na manatili sa kani kanilang bahay kung wala namang mahalagang pupuntahan. Patuloy pong naka antabay at naka handa ang pamunuan ng Barangay Poblacion sa nararanasang pag uulan dulot ng Habagat.

TREE PLANTING ACTIVITY NG BARANGAY POBLACION SA PAMBUHAN ECO PARK🌱​Matagumpay na naisagawa ng Pamahalaang Barangay ng Po...
24/07/2026

TREE PLANTING ACTIVITY NG BARANGAY POBLACION SA PAMBUHAN ECO PARK🌱

​Matagumpay na naisagawa ng Pamahalaang Barangay ng Poblacion ang Tree Planting Activity sa Pambuhan Eco Park ngayong araw Hulyo 24, 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month (NDRM) 2026, Katuwang sa nasabing gawain ang mga kawani ng LGU- Abra de Ilog, MENRO, PNP, RMFB, BFP at mga volunteers.

​Ang gawaing ito ay naglalayong patatagin ang ating likas na depensa laban sa mga kalamidad at itaguyod ang pangangalaga sa kalikasan.

​Taos-pusong nagpapasalamat ang Pamahalaang Barangay sa pangunguna ni PB Randy Nieva , kasama ang buong Sangguniang Barangay, Sangguniang Kabataan sa mga nakiisa at naging bahagi ng mahalagang proyektong ito.

​Magkatuwang nating patatagin ang ating komunidad para sa ligtas at maunlad na kinabukasan! 🌿

​

HULYO 20-21, 2026Matagumpay na isinagawa ang aktibidad para sa KALAHI-CIDSS: Panahon ng Pagkilos – Philippine Community ...
21/07/2026

HULYO 20-21, 2026

Matagumpay na isinagawa ang aktibidad para sa KALAHI-CIDSS: Panahon ng Pagkilos – Philippine Community Resilience Project (PCRP) dito sa ating barangay. Sa pamamagitan ng Community-Driven Development (CDD) na isinusulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), binibigyang-lakas at kapangyarihan ang mga mismong residente na mamuno, magplano, at magdesisyon kung anong mga proyekto ang pinakakailangan ng komunidad laban sa epekto ng nagbabagong klima at mga sakuna.

Ano ang mga naging kaganapan sa aktibidad?

Participatory Risk and Vulnerability Assessment (PRVA): Sama-samang tinukoy at itinala ng mga residente at lokal na pinuno ang mga peligro o kalamidad sa ating lugar upang matiyak na angkop ang mga proyektong itatayo.

Inklusibong Pagpaplano: Masiglang nakilahok ang iba't ibang sektor—kabilang ang mga kababaihan, senior citizens, at kabataan—kasama ang Municipal Coordinating Team (MCT) at LGU.

Paghahanda para sa Community Grants: Pormal na inilatag ang mga hakbang para sa mga proyektong pang-imprastraktura na mismong ang komunidad ang mamamahala upang maging mas laging handa sa mga kalamidad.Ang bawat sakuna ay mas napaghahandaan kung ang buong barangay ay nagkakaisa.

Sa pamamagitan ng PCRP, sinisiguro natin na ang pag-unlad ng Barangay Poblacion ay hindi lamang pang-panandalian, kundi isang pangmatagalang proteksyon para sa susunod na salinlahi.Isang malaking pasasalamat sa ating mga masisipag na opisyal ng Barangay Poblacion, mga community volunteers, at sa DSWD KALAHI-CIDSS team sa pagpapakita na ang tunay na katatagan ay nagmumula sa sama-samang pagkilos! 🇵🇭💪






JULY 10, 2026Ngayong araw nag ikot ang pamunuan ng Barangay Poblacion sa pangunguna ng komite ng BDRRMC upang alamin ang...
10/07/2026

JULY 10, 2026

Ngayong araw nag ikot ang pamunuan ng Barangay Poblacion sa pangunguna ng komite ng BDRRMC upang alamin ang kalagayan ng ating barangay dulot ng mga nararanasang pag ulan bunsod ng Habagat na pinalalakas ng Bagyong Inday.

Isang puno ng Buboy ang nabuwal sa kasagsagan ng pag ulan sa Zone 8 MTB na agad namang inaksyunan ng barangay sa tulong din ng mga volunteers at mga tauhan ng PNP-RMFB.

Makikita rin sa larawan ang paglaki ng Abra de ilog River kung kayat pinapayuhan ang mga nakatira malapit sa ilog na maging mapag matyag at alisto.



Address

Poblacion
Abra De Ilog
5108

Telephone

+639706008899

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Poblacion Disaster Risk Reduction Management Committee posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share