08/09/2026
Katapangan at Katatagan … pusong kumakalinga at patuloy na naglilingkod sa Bayan, pagmamahal na walang kapalit at kapaguran.
Sa mga lingkod kawani ng Pamahalaaang Lokal ng Abra de Ilog, isang buwang pagpupugay at pagpaparangal sa inyo!
Salamat sa patuloy na pag-aalay ng inyong tapang, lakas at talino at maging ng inyong buhay para sa tinatamasa at tatamasahing magandang kinabukasan para sa ikabubuti ng bayan.
Ang inyong kabayanihan ay magiging tatak na ng nakaraan. Ito’y isang pamana. Sa sarili nating paraan, piliin natin ang nararapat at tama sa araw-araw —may malasakit sa kapwa.
Patuloy na mabubuhay ang diwa ng kabayanihan sa inyong bawat tapat na paglilingkod, bawat munting ambag para sa mamamayan.
Saludo kami sa mga bayaning gamit ang Puso, Dangal, at Galing Para sa Bayan. Mabuhay kayong mga Bagong Bayani!