02/12/2025
𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗕𝗨𝗞𝗘Ñ𝗢 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝗚𝗘𝗡𝗘𝗥𝗔𝗟 𝗢𝗥𝗜𝗘𝗡𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡
Para sa mga magkasintahang nakatanggap na ng abiso (tawag/text) mula sa aming tanggapan, inaanyayahan po kayo sa General Orientation ng Kasalang Abukeño 2025.
Ito po ay gaganapin sa December 4, 2025 (Huwebes), 1:00 ng hapon sa St. Dominic Parish Auditorium, Plaza, Laon (Pob.), Abucay, Bataan.
PAALALA: Kinakailangang dumalo ang parehong aplikante.
Para sa mga katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa Office of the Municipal Civil Registrar. Maraming salamat po.
24/10/2025
PABATID: APLIKASYON PARA SA KASALANG ABUKEÑO 2025
Ipinapaabot po ng Lokal na Pamahalaan ng Abucay, sa pamamagitan ng Office of the Municipal Civil Registrar, ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng magkasintahan na nagpakita ng interes at agarang nagsumite ng kanilang aplikasyon para sa Kasalang Abukeño 2025.
Dahil po sa dami ng tumugon, at matapos maabot ang itinakdang limitasyon na 40 pares batay sa First-Come, First-Served na pamantayan, pormal na po naming ipinapahayag na SARADO NA ang pagtanggap ng aplikasyon.
PARA SA 40 (Apatnapung) MAGKASINTAHAN NA UNANG NAKAKUMPLETO:
Kayo po ay makakatanggap ng tawag o text message mula sa aming Tanggapan simula Lunes, Nobyembre 3 para sa kumpirmasyon at karagdagang tagubilin.
Manatiling nakatutok po sa aming opisyal na page. Kami po ay maglalabas ng pormal na anunsyo patungkol sa petsa at lugar ng isasagawang Orientation ng mga kasali sa kasalang ito.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pag-unawa.
14/10/2025
𝐊𝐀𝐒𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐁𝐔𝐊𝐄Ñ𝐎 𝟐𝟎𝟐𝟓
Magandang Balita! Sa inisyatibo ng Pamahalaang Bayan ng Abucay sa pangunguna ni Mayor Erik J. Martel at ng Tanggapan ng Tagapagtalang Sibil, muli nating isasagawa ang Libreng Kasalang Abukeño!
Detalye ng Kasalan:
Kailan: Disyembre 10, 2025 | 4:00 PM
Saan:Las Marianas Garden Restaurant, Gabon, Abucay, Bataan
Ang aming tanggapan ay tumatanggap na ng mga nagnanais lumahok.
Narito ang mga kailangan para makalahok:
Mga Pangunahing Dokumentong Kailangan:
• Local o PSA Birth Certificate (photocopy)
• PSA Certificate of No Marriage (CENOMAR)
• 1 Government Issued ID (photocopy)
• 2x2 Picture na may buong pangalan (2 set)
• Pre-Marriage Orientation at Counseling Certificate
PAALALA:
• Ang Pre-Marriage Orientation ay tuwing **Miyerkules, 8:00 AM hanggang 12:00 NN** sa Bagong Munisipyo ng Abucay.
• May mga karagdagang dokumento kung ang aplikante ay may edad 18-24, biyudo/biyuda, o annulled/divorced.
• Limitado lamang sa 40 COUPLES ang tatanggapin, base sa FIRST COME, FIRST SERVED BASIS •
Para sa mga interesado, magtungo lamang sa:
Office of the Municipal Civil Registrar
GF New Abucay Municipal Bldg.,
Calaylayan, Abucay, Bataan
O tumawag/magpadala ng mensahe sa:
(047) 633-8000 loc. 115
[email protected]
Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Mag-apply na!