03/06/2026
May the year ahead see your boldest initiatives brought to fruition, every challenge met with courage, and our country flourish under your distinguished leadership.
Mula sa Barangay Wawa "Happy Birthday" Congressman Antonino Roman III :)
02/06/2026
PAANYAYA: Para sa selebrasyon ng World Blood Donors Day na pinagdiriwang tuwing ika-14 ng Hunyo, magkakaroon ng mass blood donation sa darating na ika-4 ng Hunyo na gaganapin sa The Bunker mula 8:00 AM hanggang 2:00 PM.
Iniimbitahan ng Bataan Provincial Health Office ang lahat ng edad 18 pataas na nasa tamang timbang (50kg o higit) na makibahagi sa gaganaping malawakang blood donation drive
Ito ay sa pagtutulungan ng Provincial Government of Bataan, Provincial Health Office, Iskolar ng Bataan, at Bataan General Hospital and Medical Center (BGHMC).
Magbigay Buhay! Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang nagtutulungang komunidad para sa mas matatag na pamilyang BataeΓ±o.
02/06/2026
π π’π‘πππ¬ ππππ π₯πππ¦ππ‘π πππ₯ππ π’π‘π¬ JUNE 1, 2026
Umattend ang mga Barangay Council sa Flag Raising Ceremony na ginanap ng Hunyo 1, 2026.
02/06/2026
BRIGADA ESKWELA 2026
KICK-OFF CEREMONY
June 1, 2026
Dumalo ang ating mga Barangay Council sa pamumuno ng ating Punong Barangay Kgg. Noel G. Pring.
Ukol sa pagtutulungan at malasakit sa paghahanda sa Paaralang Wawa Elementary School para sa isang ligtas , maayos at mas makabuluhang pagbubukas ng klase.
01/06/2026
MAY 30 ,2026 (Week 22 )
Kalinga at Inisyatiba Para sa Malinis na Bayan (BARKADA) (KALINISAN) Clean-Up Activity
mula po sa ating barangay council at punong barangay Noel G. Pring muling nagpapasalamat sa mga Barangay Tanod, Kagawad at mga DENR international para sa coastal clean up.
29/05/2026
Dumalo sina Kagawad Ferdinand D. Ongoco COmm of Education at Barangay Secretary Rosette B. Dela Cruz sa seminar/workshop on the formulation of the Comprehensive Barangay Juvenile Intervention Program (CBJIP) noong May 26β27, 2026 sa Las Marianas. Ang seminar ay nakatuon sa tamang pagbuo at pagpapatupad ng mga programa para sa Children at Risk (CAR) at Children in Conflict with the Law (CICL), kabilang ang situation analysis, at intervention planning para sa barangay.
29/05/2026
Nagkaroon ng Training/Orientation for internal assessors on the guidelines for registration and accreditation in grating permits for public and private learning centers, na ginanap ngayong ika-29 ng Mayo, 2026 na ginanap sa Villa Amanda Resort and Restaurant at Capitangan Abucay Bataan. Na dinaluhan ng ating Punong Barangay Noel G. Pring kasama sina Kagawad Ferdinand Ongoco Comm. of Education, Barangay Treasurer Shaira D. Custodio, Barangay Secretary Rosette B. Dela Cruz, BNS Divina Laus at Daycare Worker Marissa Reyes.
29/05/2026
Isang taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng nakiisa, sumuporta, at tumulong para maging matagumpay ang ating Barangay Fiesta sa Barangay Wawa. π
Maraming salamat po mula sa pangunguna ni Kap. Noel Pring at ng buong council ng aming Barangay. Kami po ay nagagalak sa patuloy na pag suporta sa ating taon taon na selebrasyon na ipag diriwang ang pista ng ating Barangay.
Maraming salamat sa inyong oras, sigla, at pakikiisa. Dahil sa inyong suporta at pagkakaisa, naging mas masaya at makabuluhan ang ating pagdiriwang.