08/10/2026
Gusto mo bang makapagtrabaho sa Hongkong, Singapore, Bahrain? Baka eto na ang pagkakataong hinihintay mo.
Pwede pang humabol ngayong araw sa Special Recruitment Activity (SRA) ng Jensen Manpower International Corporation dito sa LGU Conference Hall, Libertad, Abulug, Cagayan.
MAGANDANG BALITA PARA SA MGA NAGNANAIS MAGTRABAHO ABROAD!
SPECIAL RECRUITMENT ACTIVITY (SRA)
Ang Public Employment Service Office (PESO) ng Abulug ay nagpapaalam sa publiko na magkakaroon ng SPECIAL RECRUITMENT ACTIVITY (SRA) na isasagawa ng Jensen Manpower International Corporation na may License No: DMW-443-LB-09172024-R sa;
๐Venue: LGU Abulug Conference Hall
๐
Date: October 7 - 8, 2026
โTime: 09:00 am to 03:00 pm
โ ๏ธPAALALA!!
Ang anunsiyong ito ay para lamang magbigay ng impormasyon tungkol sa nakatakdang Special Recruitment Activity (SRA)
Ang PESO/LGU ay hindi nagre-refer o nag-eendorso ng sinumang aplikante sa recruitment agency o employer at hindi nagbibigay ng garantiya tungkol sa hiring, trabaho, o mga kondisyon ng employment.
Ang mga nais na makilahok ay pinapayuhang personal na i-verify ang recruitment agency, mga job order, job site, mga requirements, at iba pang detalye sa kinauukulang awtoridad bago mag-apply o magsumite ng anumang dokumento.
Pinapayuhan din ang lahat na maging maingat sa pakikipagtransaksyon at iwasang magbigay ng pera o personal na dokumento sa mga taong hindi awtorisado.