At dahil kakatapos lang ng 1st Quarter and look like many failed, disappointed đâšī¸đĸ despite you study hard.
Isang mensahe sa mga makabagong kabataan.
Madalas, nakakabasa ako ng "your grades don't define you" or "wala sa grades yan!"
Let me enlighten you.
Yes! Wala sa grades kung magiging sino at ano ka pagdating ng araw. Pero narealize mo ba bakit may marka ka sa bawat ginagawa mo sa eskwela? Malamang hindi.
Simple, hindi naman talaga grado ang mahalaga, pero mahalagang PUMASA KA! Bakit? Simple. DISIPLINA.
Naisip mo ba bakit may deadline? Kasi gusto kang matuto na bawat desisyon sa buhay, hindi basta basta at dapat umayon ka sa panahon at oras na meron ka.
Naisip mo ba bakit may passing grade? Hindi yan para pahirapan ka. May passing grade para turuan kang magtyaga. Magtyaga na mag aral, magbasa, mag isip, magmemorya. Kung sa simpleng mga bagay di ka marunong magtyaga, pano pa sa iba?
Naisip mo ba bakit may mga ginagawa na di mo naman specialty? Gaya ng pagguhit, essay, pag arte, pag kanta, pagsayaw? Hindi yan para pagtripan at ipahiya ka. Para yan matuto kang mag adjust sa buhay. Turuan ka na kahit palagay mong hindi mo kaya, kakayanin mo dapat kasi kailangan.
Naisip mo ba bakit may masungit at strikto na g**o? Hindi dahil trip ka nya. Para yan marealize mo na sa buhay, hindi palaging puro masaya. Mas madami padin ang pagsubok na susukat ng tatag mo. Pano na kung mabait ang lahat sa eskwela? Paglabas mo sa paaralan pano na ang mga taong mapagsamantala? Ano? Magpapatawa nalang at papalagpasin ang kamalian ng iba?
Naisip mo ba bakit may grading system? Hindi yan para diktahan ka. Ginawa yan para masanay tayo na sa buhay, may sinusundan na sistema ang bawat isa.
Naisip mo ba bakit may dress code? Rules and regulations? Hindi yan dahil KJ ang sistema. Para yan turuan ka na ang buhay ay isang malaking sistema. Kailangang sumunod, umayon, at makisayaw sa daloy ng buhay. Hindi naman pwede na mamimili ka lang kung ano ang susundin. Dahil harapin natin ang katotohanan na pag di ka sumunod sa BATAS, may mabigat na parusa.
Pang huli, naisip mo ba bakit ka pumapasok sa eskwela? Hindi yan para magkapera ka o makakilala ng oppa o omma. Pumapasok ka sa eskwela para mahubog ka bilang isang tao, hindi upang patunayan gano katigas ang iyong ulo.
Ngayon sabihin mo sakin, hindi ka ba ilalarawan ng grado sa iyong report card? O ito ay simpleng pruweba lamang na ikaw, ako o tayo ay nakahanda na sa totoong hamon ng buhay.
Wag puro reklamo, lahat yan may dahilan. Kung sa eskwela di ka makasunod sa agos ng sistema, isipin mo, pano pa kaya after ng pag-aaral mo?
May mga bagay na tama lang na ipaglaban, pero mas madaming mga bagay na dapat iniintindi, sinusunod at inaaraal ang epekto sa buhay.
Sa dami ng mga pamamaraan upang humanap ng impormasyon ngayong makabagong panahon, bakit mas hirap pa kayo ngayon?
Ano? Dota dota nalang? ML, COD, Ros, pubg? Wattpad? Fb, instagram, twitter? Tapos pag sa pag-aaral rant nalang ng rant? Pinapatay kayo? Walang time sa sarili nyo? Walang space? Walang consideration? Isip isip naman. Aba!! Pano mo nasabe?!
Ako yung g**o mo na kinaiinisan mo pero may natutuhan kang legit!!!
Yung PP at PD, salitang sinonimo at klino nakadaupang palad mo na ba? Close na kayo o FC lang.
Kabataan, mag isip ka naman! Sabi nga, alamin muna ang "square root" bago ka "humarot"
Credit to the real owner.
LNHS-Abuyog, Leyte
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from LNHS-Abuyog, Leyte, Public School, Abuyog.
30/09/2021
ATTENTION!!!
WHO: SCHOOL HEAD, TEACHERS, AND STUDENTS
WHAT: AN ONLINE TRAINING ON THE USE OF MICROSOFT OFFICE 365
WHEN: FRIDAY, OCTOBER 1, 2021
@ 2:00 p.m- 4:00 p.m
WHERE: VIA MICROSOFT TEAMS AND FACEBOOK
-- PARTICIPANTS MAY PRE-REGISTER AT
www.blssyfd.weebly.com NOT LATER THAN SEPTEMBER 30, 2021.
For more information, questions and concerns on this subject, please leave a comment below.
24/09/2021
Nung di pa uso COVID.
06/08/2021
School Calendar for SY 2021-2022
Please be guided!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the business
Website
Address
Abuyog
6510
