11/05/2025
Inaanyayahan po ang lahat na makiisa at dumalo sa nalalapit na Pagdiriwang ng Kapistahan ng Our Lady of Fatima sa Sitio Agbaliga, Brgy. Agpanabat, Romblon, Romblon.
Mga Gawain sa Kapistahan:
* MAY 13, 2025 (Martes), 10:00 AM – Banal na Misa
Isang banal na pag-aalay ng pasasalamat sa ating mahal na Ina. Hinihikayat din ang sinumang nais magbigay ng Love Offering bilang tulong sa ating simbahan.
* MAY 17, 2025 (Sabado), 6:00 PM – Ms. Agbaliga 2025
Saksihan ang ganda at talino ng ating mga kandidata sa isang makabuluhang patimpalak bilang bahagi ng ating kapistahan.
Magsama-sama tayo sa panalangin, pasasalamat, at pagdiriwang! 🙏💖
Viva Our Lady of Fatima!