Rendering Best Care and Service Doktor, magsasaka, ama, asawa, kapatid, lingkod bayan - anak na Aguilar. Niñoy.
Taong 1988 nang magsimulang magsilbi sa publiko si Dr. Roldan Caoile Sagles, o mas kilala bilang "Boyet", bilang Barangay Kagawad sa Brgy. Matapos ang anim na taong paninilbihan sa kaniyang barangay ay itinuloy niya ang pagseserbisyo publiko sa mas nakararami at tumakbo bilang konsehal ng bayan noong 1992. Sa paniniwala at tiwala ng mga Aguilareño, siya ay naluklok bilang No. 1 Municipal Councilor
noong taon ding iyon. Agosto 1992, siya'y naluklok bilang Bise-Alkalde dahil sa pagpanaw ang noo'y nakaupong bise-alkalde. Dito niya mas nakita ang mga pangangailangan ng kanyang kabaleyan. Taong 1992 nang kanyang inilunsad ang kanyang programang "LIBRENG BUNOT-LIBRENG GAMOT". Bilang lingkod bayan at dentista, alam niyang ang serbisyo dental ay isa sa mga mahahalagang aspeto sa buhay ng mga kababayan; ngunit ito rin ay isa sa mga pangangailangang hindi kayang tugunan ng nakararami dahil sa kakulangang pinansiyal. Binibisita ni Doc Boyet ang lahat ng labing-anim (16) na barangay ng bayan upang tugunan ang mga panganagilangang dental ng mga kababayan. Sa pagnanais na mas makatulong sa kanyang mga kabaleyan, napagpasiyahaan niyang ipagpatuloy ang pagiging bise-alkalde at tumakbo sa nasabing posisyon at matagumpay na ipinanalo ng mga Aguilareño taong 1988. Makaraan ng dalawang taon, siya ay naluklok bilang Alkalde ng bayan bunsod ng rule of succession dahil pagpanaw ng noo'y Alkalde ng bayan. Matapos ng kaniyang paninilbihan bilang Alkalde sa loob ng anim na buwan, siya'y muling tumakbo at naluklok bilang Bise-Alkalde noong July 2001. Taong 2007 nang siya ay bumalik sa serbisyo publiko nang muling tumakbo at ipinanalo ng bayan bilang Bise-Alkalde. Sa kaniyang maganda at malinis na pagseserbisyo, siya ay minahal at pinagkatiwalaan ng mga kabaleyan. Patunay dito ay ang pagiging THREE TERMER VICE MAYOR sa bayan ni Doc Boyet mula 2007 hanggang 2019. Bilang pagpapalawig sa pagtulong sa kanyang mga kabaleyan, siya ay patuloy na naglunsad ng mga PERSONAL NA PROGRAMANG makatutulong sa mga tao gaya ng "LIBRENG SAKAY". Gamit ang personal minibus ng kaniyang pamilya, libre niyang ipinahihiram ang mga ito sa mga taga-baryo tuwing may inililibing o ikakasal na kaanak, sa mga estudyante at guro na kailangang dumalo sa mga trainings at patimpalak, at iba pang pribadong organisasyon, simbahan o samahan ng mga Aguilareño. Ang programang ito ay naging maaking bahagi rin sa pagseserbisyo publiko noong panahong nasa ilalim ng Enhance Community Quarantine kung saan ito ay ginamit para sumundo at maghatid sa mga taga-barangay tuwing schedule ng araw ng kanilang pamamalengke. Kasama sa mga personal na programang inilunsad ni Mayor Boyet ang mga sumusunod: LIBRENG GUPIT, LIBRENG MANICURE AT PEDICURE. Naniniwala siyang ang bawat kababayan ay karapatdapat makaranas ng kaginhawaan at ito ay nais niyang simulan sa mga simpleng pamamaraan. Sa kabuang tatlumpu't-isang taon ng paninilbihan sa bayan, lumalim ang kaniyang pagmamahal dito at tumayog ang kaniyang mga pangarap para sa kaniyang mga kabaleyan at sa Inang Aguilar. Ito ang nagtulak sakanya upang tumakbo bilang Alkalde ng Bayan ng Aguilar. Sa puspos na tiwala at paniniwala ng mga kababayan, siya ay kanilang pinili at ipinananlong Alkalde. Si Mayor Boyet ay taong may paninindigan, kaya gaya ng kaniyang ipinangako sa TODA at PODA members, noong January 2020, kaniyang IBINALIK (REFUND) ANG REGISTRATION FEE AT FRANCHISE FEE ng isang daan at dalawampu't apat (124) na TODA at PODA members. Sa unang taon din ng pagkakaluklok ni Mayor Boyet bilang Alkalde ng Bayan ay naglunsad siya ng mga Personal na Programa gaya ng LIBRENG ZUMBA na ginaganap tuwing biyernes, ito'y upang suportahan ang kalusugan ng mga kababayan. Ito'y pansamantalang itinigil bunsod ng pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bayan ng Aguilar. Sa kasalukuyan, si Mayor Boyet ay patuloy na umaalalay sa mga kabaleyang frontliners sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng itlog bilang karagdagang tulong sa kanilang pagkain habang naka-bantay sa mga barangay checkpoints. Ito ay ilan lamang sa mga personal na programang nais ilunsad ni Mayor Boyet para sa kanyang mga kababayan upang patuloy ang sabay-sabay sa na pag #ArangkadaAguilar