05/12/2022
๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก | ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ ๐ฒ๐น๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐น๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ป๐ฒ๐ฟ๐, ๐๐ฎ๐ด๐ถ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฟ๐ผ๐ป๐๐ฒ ๐๐ฎ ๐ช๐ผ๐ฟ๐น๐ฑ ๐ฅ๐ผ๐ฏ๐ผ๐ ๐ข๐น๐๐บ๐ฝ๐ถ๐ฎ๐ฑ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฎ
LUNGSOD NG PASIG, Nobyembre 30, 2022 โ Limang mag-aaral mula sa dalawang pampublikong elementarya sa Quezon City ang nagkamit ng bronze medals sa World Robot Olympiad (WRO) na ginanap sa Dortmund, Germany nitong Nobyembre 17-19, 2022.
Umani ng bronze score ranking ang robotics team ng Betty Go-Belmonte Elementary School (BGBES)โna kinabibilangan nina Angelina Phoebe Castaรฑeda, Mikaella Jannielle Sevilla, at Joem Fugabanโsa Robo Mission category kung saan ang mga kalahok ay magdidisenyo, bubuo, at magpo-program ng autonomous robot na lulutas ng mga hamon sa field.
Samantala, nasungkit naman nina Abisha Beatrix Florante at Zurina Mae Clemente ng Project 6 Elementary School (P6ES) ang ikalawang bronze medal ng bansa sa Future Innovators category matapos nilang bumuo ng robot na hahalili sa mga tao sa rescue missions sa panahon ng sakuna.
Pinuri ni Coach Michael Armentia ng BGBES ang kanyang team sa pinakitang galing sa kanilang kauna-unahang kompetisyon sa ibang bansa.
โKayang-kaya ng mga student natin makipagsabayan with other countries when it comes to robotics,โ saad ni Coach Armentia.
Binigyang-diin naman ni P6ES Coach Shiela Rosa ang kahalagahan ng pagsali ng mga Pilipinong mag-aaral sa global competitions.
"Competing on the international platform brings so much joy and excitement to us and of course, pride to our country. This opportunity gives us access to new knowledge and builds confidence,โ ani Coach Rosa na naghahangad din na mas marami pang paaralan ang magkaroon ng robotics laboratories.
Ang WRO ay isang annual robotics competition para sa mga batang edad 8 hanggang 19. Layunin ng kompetisyon na isulong ang robotics sa STEM education sa buong mundo at tumulong sa pagpapayaman ng creativity, design, at problem-solving skills ng kabataan sa pamamagitan ng challenging at educational na robot competitions at mga aktibidad.