28/05/2026
Ganap nang sinimulan ang tatlong araw na pagsasanay na “From Livestock to Livelihood: Creating Value-added Meat Opportunities for SAAD Beneficiaries” sa Alabat, Quezon. Ang gawaing ito ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng DA-ATI CALABARZON, DA-SAAD CALABARZON, DA-QARES, at Municipal Agriculture Office ng Alabat, Quezon.
Layunin ng pagsasanay na mapalawak ang kaalaman, kasanayan, at kakayahan ng mga kalahok sa pagproseso at pagdaragdag-halaga sa mga produktong karne, gayundin sa mga batayang konsepto ng pagnenegosyo upang makalikha ng karagdagang pagkakakitaan at masuportahan ang pag-unlad ng kanilang mga komunidad.
Sa pagbubukas ng programa, nagbigay ng mensahe sina G. Alfredo R. Oliveros Jr., Agricultural Technician at kinatawan ng Municipal Agriculture Office ng Alabat, at Bb. Mary Ann F. Macaraig, Planning Officer II ng DA-ATI CALABARZON, bilang kinatawan ni Dr. Rolando V. Maningas, RAgr, Center Director ng DA-ATI CALABARZON.
Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, inaasahang mabibigyang-kakayahan ang mga kalahok na makalikha ng mga produktong may mas mataas na halaga at mas matatag na mapagkukunan ng kabuhayan para sa kanilang mga pamilya at komunidad.
28/05/2026
Courtesy Call and Slaughterhouse Inspection
From: National Meat Inspection Service (NMIS) – RTOC IV-A
Bumisita ang mga kinatawan ng NMIS upang magsagawa ng inspeksyon sa slaughterhouse ng Alabat kaugnay ng kahilingan ng ating Punong Bayan na maging “Class Double A” ang pasilidad.
Sa kasalukuyan, ang Officer-in-Charge Municipal Mayor ay si Hon. Kons. Gianro “Tata” Cabrera habang ang ating Punong Bayan ay nasa mahalagang pagpupulong kasama ang mga LGU Heads, MVM, SB Committee on Appropriations, PPLB at PPSK.
Kapag naging “Class Double A” ang ating slaughterhouse, maaari nang makapaglabas at makapagbenta ng karneng baboy mula sa Alabat sa ibang lugar na makatutulong sa kabuhayan ng ating mamamayan.
26/05/2026
| There will be NO Processing of Veterinary SHIPPING DOCUMENTS on MAY 27, 2026 in observance of the Eid'l Adha (Feast of Sacrifice) (Proclamation No. 1264 of MALACAÑAN PALACE)
All Shippers MUST apply for their needed Shipping Documents on MAY 26, 2025.
Regular Operation will resume on MAY 28, 2025.
| There will be NO Processing of Veterinary SHIPPING DOCUMENTS on MAY 27, 2026 in observance of the Eid'l Adha (Feast of Sacrifice) (Proclamation No. 1264 of MALACAÑAN PALACE)
All Shippers MUST apply for their needed Shipping Documents on MAY 26, 2025.
Regular Operation will resume on MAY 28, 2025.
22/05/2026
📢💰 𝙋𝙧𝙚𝙨𝙞𝙙𝙚𝙣𝙩𝙞𝙖𝙡 𝘼𝙨𝙨𝙞𝙨𝙩𝙖𝙣𝙘𝙚 𝙩𝙤 𝙁𝙖𝙧𝙢𝙚𝙧𝙨 𝙖𝙣𝙙 𝙁𝙞𝙨𝙝𝙚𝙧𝙛𝙤𝙡𝙠𝙨 𝙋𝙧𝙤𝙜𝙧𝙖𝙢 (𝙋𝘼𝙁𝙁𝙋) 𝙋𝙖𝙮-𝙊𝙪𝙩 𝙨𝙖 𝘽𝙖𝙮𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝘼𝙡𝙖𝙗𝙖𝙩 || May 22, 2026🌾🌽
Matagumpay na naisagawa sa bayan ng Alabat ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng Presidential Assistance to Farmers and Fisherfolks Program (PAFFP) ng pamahalaang nasyonal sa pangunguna ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Kabuuang 609 rice farmers at 22 corn farmers ang nabigyan ng ayuda na may kabuuang halagang ₱1,467,075.00 bilang suporta sa kanilang kabuhayan at pagtugon sa epekto ng iba’t ibang hamon sa sektor ng agrikultura.
Layunin ng programang ito na makatulong sa ating mga magsasaka upang maipagpatuloy ang kanilang produksyon, mapanatili ang seguridad sa pagkain, at mapalakas ang sektor ng agrikultura sa ating bayan.
Lubos ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan sa Department of Agriculture at sa lahat ng naging katuwang sa matagumpay na pagsasakatuparan ng programang ito para sa kapakanan ng ating mga magsasaka.
💚 Patuloy nating suportahan ang ating mga magsasaka at mangingisda tungo sa mas maunlad na agrikultura sa Alabat!
22/05/2026
🎉 𝙃𝘼𝙋𝙋𝙔 𝘽𝙄𝙍𝙏𝙃𝘿𝘼𝙔! 🎉
Maligayang kaarawan kay 𝙈𝙖𝙧𝙠 𝘽𝙚𝙣 𝙊. 𝙌𝙪𝙞𝙣𝙘𝙚𝙣𝙖 - 𝘼𝙣𝙞𝙢𝙖𝙡 𝙆𝙚𝙚𝙥𝙚𝙧 𝙄, Buong pusong pagbati mula sa 𝙊𝙛𝙛𝙞𝙘𝙚 𝙤𝙛 𝙩𝙝𝙚 𝙈𝙪𝙣𝙞𝙘𝙞𝙥𝙖𝙡 𝘼𝙜𝙧𝙞𝙘𝙪𝙡𝙩𝙪𝙧𝙞𝙨𝙩 – 𝙁𝙄𝙏𝙎 𝘾𝙚𝙣𝙩𝙚𝙧 𝘼𝙡𝙖𝙗𝙖𝙩. Nawa’y mapuno ang iyong kaarawan ng saya, magandang kalusugan, at patuloy na tagumpay sa serbisyo.🌾💚
Enjoy your special day!
20/05/2026
𝘼𝙫𝙖𝙞𝙡𝙖𝙗𝙡𝙚!
𝘼𝙧𝙩𝙞𝙛𝙞𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙄𝙣𝙨𝙚𝙢𝙞𝙣𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 (𝘼𝙄) 𝙎𝙬𝙞𝙣𝙚 𝙎𝙚𝙢𝙚𝙣 🐖
𝘈𝘐 𝘉𝘳𝘦𝘦𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘊𝘦𝘯𝘵𝘦𝘳 𝘓𝘢𝘣𝘰𝘳𝘢𝘵𝘰𝘳𝘺 𝘉𝘳𝘨𝘺. 𝘊𝘢𝘨𝘭𝘢𝘵𝘦 𝘚𝘪𝘵𝘪𝘰. 𝘔𝘢𝘨𝘶𝘪𝘭𝘶𝘺𝘢𝘯 𝘈𝘭𝘢𝘣𝘢𝘵, 𝘘𝘶𝘦𝘻𝘰𝘯
Para sa ating mga magbababoy!
Ang Swine Semen ay maaari nang mabili sa halagang ₱500 per set.
📦 Kasama sa bawat set ang:
✔️ 2 Bottles Swine Semen
✔️ 2 AI Catheter
𝘼𝙫𝙖𝙞𝙡𝙖𝙗𝙡𝙚!
𝘼𝙧𝙩𝙞𝙛𝙞𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙄𝙣𝙨𝙚𝙢𝙞𝙣𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 (𝘼𝙄) 𝙎𝙬𝙞𝙣𝙚 𝙎𝙚𝙢𝙚𝙣 🐖
𝘈𝘐 𝘉𝘳𝘦𝘦𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘊𝘦𝘯𝘵𝘦𝘳 𝘓𝘢𝘣𝘰𝘳𝘢𝘵𝘰𝘳𝘺 𝘉𝘳𝘨𝘺. 𝘊𝘢𝘨𝘭𝘢𝘵𝘦 𝘚𝘪𝘵𝘪𝘰. 𝘔𝘢𝘨𝘶𝘪𝘭𝘶𝘺𝘢𝘯 𝘈𝘭𝘢𝘣𝘢𝘵, 𝘘𝘶𝘦𝘻𝘰𝘯
Para sa ating mga magbababoy!
Ang Swine Semen ay maaari nang mabili sa halagang ₱500 per set.
📦 Kasama sa bawat set ang:
✔️ 2 Bottles Swine Semen
✔️ 2 AI Catheter
19/05/2026
𝙁𝙧𝙚𝙦𝙪𝙚𝙣𝙩𝙡𝙮 𝘼𝙨𝙠𝙚𝙙 𝙌𝙪𝙚𝙨𝙩𝙞𝙤𝙣𝙨 (𝙁𝘼𝙌𝙨)
𝙁𝘼𝙌𝙨 𝙤𝙣 𝙩𝙝𝙚 𝙄𝙢𝙥𝙡𝙚𝙢𝙚𝙣𝙩𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙤𝙛 𝙋𝘼𝙁𝙁𝙋.
𝘗𝘳𝘦𝘴𝘪𝘥𝘦𝘯𝘵𝘪𝘢𝘭 𝘈𝘴𝘴𝘪𝘴𝘵𝘢𝘯𝘤𝘦 𝘵𝘰 𝘍𝘢𝘳𝘮𝘦𝘳𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘍𝘪𝘴𝘩𝘦𝘳𝘧𝘰𝘭𝘬𝘴 𝘗𝘳𝘰𝘨𝘳𝘢𝘮
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa:
📍Office of the Municipal Agriculturist – Municipality of Alabat
Brgy. Camagong, Sitio Lupak Gitna, Alabat, Quezon
📞 +63 916 289 1552
📧 [email protected]
19/05/2026
Ang Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ay isang sistema ng pagrehistro ng mga magsasaka, mangingisda, at iba pang kabilang sa sektor ng agrikultura. Ito ay nagsisilbing katibayan na kayo ay lehitimong kabilang sa basic sector ng agrikultura sa inyong rehiyon.
Ang RSBSA ay HINDI programa na direktang nagbibigay ng ayuda o cash assistance. Ang pagiging rehistrado rito ay maaaring maging batayan upang maisama sa mga programa at benepisyong ipinatutupad ng pamahalaan, depende sa kwalipikasyon at available na programa.
Magparehistro at siguraduhing updated ang inyong impormasyon para sa mas maayos na serbisyo at programa para sa sektor ng agrikultura
Ang Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ay isang sistema ng pagrehistro ng mga magsasaka, mangingisda, at iba pang kabilang sa sektor ng agrikultura. Ito ay nagsisilbing katibayan na kayo ay lehitimong kabilang sa basic sector ng agrikultura sa inyong rehiyon.
Ang RSBSA ay HINDI programa na direktang nagbibigay ng ayuda o cash assistance. Ang pagiging rehistrado rito ay maaaring maging batayan upang maisama sa mga programa at benepisyong ipinatutupad ng pamahalaan, depende sa kwalipikasyon at available na programa.
Magparehistro at siguraduhing updated ang inyong impormasyon para sa mas maayos na serbisyo at programa para sa sektor ng agrikultura.
14/05/2026
🐷 𝗦𝘄𝗶𝗻𝗲 𝗔𝗿𝘁𝗶𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗜𝗻𝘀𝗲𝗺𝗶𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, 𝗛𝗲𝗮𝘁 𝗗𝗲𝘁𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗕𝗶𝗼𝘀𝗲𝗰𝘂𝗿𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 🐖 || May 14, 2026
Matagumpay na naisagawa ngayong araw ang 𝗦𝘄𝗶𝗻𝗲 𝗔𝗿𝘁𝗶𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗜𝗻𝘀𝗲𝗺𝗶𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, 𝗛𝗲𝗮𝘁 𝗗𝗲𝘁𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗕𝗶𝗼𝘀𝗲𝗰𝘂𝗿𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 sa pangunguna ng Office of the Provincial Veterinarian - Quezon bilang bahagi ng pagpapalakas ng kaalaman at kakayahan ng ating mga hog raisers at livestock workers sa Bayan ng Alabat.
Tinalakay sa pagsasanay ang tamang pamamaraan ng artificial insemination, heat detection, at mga mahahalagang biosecurity measures upang mapanatiling ligtas at malusog ang mga alagang baboy laban sa mga sakit tulad ng African Swine Fever (ASF).
Taos-pusong pasasalamat po sa ating naging Resource Speaker na si 𝗠𝗿. 𝗟𝗲𝗮𝗻𝗮𝗿𝗱𝗼 𝗝𝘂𝗹𝗶𝗮𝗻 𝗡𝘂ñ𝗲𝘇 sa kanyang pagbabahagi ng kaalaman, karanasan, at teknikal na gabay na malaking tulong sa ating mga kalahok.
Lubos din po ang aming pasasalamat sa suporta ng ating butihing Mayor Eizelle “AYS” M. Avellano-Canimo sa patuloy na pagsusulong ng mga programang pangkabuhayan at pangkaunlaran para sa sektor ng paghahayupan sa Bayan ng Alabat.
Nagpapasalamat din po kami sa ating Municipal Agriculturist na si 𝗠𝗿. Gerard Franklin Belazon sa kanyang pamumuno at suporta ganun din sa kanyang mga staff upang maging matagumpay ang nasabing pagsasanay.
Maraming salamat din sa lahat ng dumalo at nakiisa sa programa. Patuloy po nating suportahan ang mga programang naglalayong mapaunlad at maprotektahan ang sektor ng paghahayupan sa Bayan ng Alabat. 🐖💉📚