29/09/2026
Sa isinagawang sesyon ng SK Poblacion 1, napagtibay natin ang paglalabas ng mga Educational Cash Assistance.
Nakapag-purchase na rin tayo ng mga Office Supplies na magagamit ng ating tanggapan para sa pag-iimprinta ng mga dokumento, pag-aayos ng mga talaan ng Sangguniang Kabataan. Mas maayos na pag-iimbak ng mga papel na hindi maaaring itapon.
Gayundin, ang mga malalaking kagamitan na higit na ating kinakailangan—gaya ng Laptop, Projector, Bluetooth Speaker at SK Canopy ay matagumpay rin natin na nabili.
Nailabas na rin natin ang pondo para sa mga travel allowance ng Sangguniang Kabataan—ito ay pondo para sa mga pagbyahe ng isang SK Officials patungo sa Mainland (Atimonan Landbank, BIR Gumaca, Lucena Capitol) para sa mga transaksiyon na kinakailangan ng agarang aksyon.
Minabuti namin na ito ay ibalita kung saan nanggagaling at papaano namin ginagastos ang buwis ng taumbayan.
Patuloy naming isinusulong ang isang responsable at maaasahang pamahalaan ng Sangguniang Kabataan.