07/10/2026
๐๏ธCOMMITTEE HEARING๐๏ธ
๐๏ธ October 5, 2026
Sa atin muling pakikibahagi sa Committee Hearing sa ilalim ng Committee on Laws and Ordinances, masusing ni-review ang mga ordinansa at panukalang programa mula sa mga bayan ng Anda, Infanta at lungsod ng Alaminos upang matiyak na ang mga ito ay naaayon sa batas, may malinaw na layunin, at tunay na makatutulong sa mga mamamayan.
Tinalakay ang panukalang pagbibigay ng tatlong buwang insentibo sa mga kwalipikadong vendor na nasa ilalim ng pamamahala ng LGU-Alaminos City. Layunin nitong makatulong sa kanilang gastusin at mapanatili ang kanilang kabuhayan sa gitna ng pagtaas ng presyo ng enerhiya.
Sinuri rin ang ordinansa tungkol sa pagtaas ng tricycle fare at pagpapatupad ng bagong fare matrix at supplemental budget para sa karagdagang pangangailangan at programa sa bayan ng Infanta.
Tinalakay din ang mga panukalang karagdagang badyet at investment program ng Municipality of Anda upang matugunan ang mga pangangailangan at prayoridad ng kanilang lokal na pamahalaan.
Patuloy nating ginagampanan ang ating responsibilidad bilang mambabatasโnakikinig, nagsusuri at nagsusulong ng mga panukalang makatutugon sa pangangailangan ng bawat komunidad. ๐