22/01/2026
“Malugod na ipinapaabot ng Liga ng mga Barangay ang taos-pusong pagbati ng isang Maligayang Kapistahan sa buong Barangay San Ildefonso sa pamumuno ni Bokal Lorenzo B. Zuñiga Jr.
Nawa’y magsilbi ang kapistahang ito bilang pagkakataon ng pagkakaisa, pananampalataya, at sama-samang pagdiriwang ng inyong mayamang kultura at tradisyon.
Dalangin namin ang patuloy na kaunlaran, kapayapaan, at pagkakabuklod ng bawat mamamayan ng Barangay San Ildefonso.”
26/12/2025
“Malugod na ipinapaabot ng Liga ng mga Barangay ang taos-pusong pagbati ng isang Maligayang Kapistahan sa buong Barangay San Juan.
Nawa’y magsilbi ang kapistahang ito bilang pagkakataon ng pagkakaisa, pananampalataya, at sama-samang pagdiriwang ng inyong mayamang kultura at tradisyon.
Dalangin namin ang patuloy na kaunlaran, kapayapaan, at pagkakabuklod ng bawat mamamayan ng Barangay San Juan.”
22/12/2025
“Taos-pusong pagbati ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon mula sa 15 Barangay ng Bayan ng Alaminos, Laguna, sa pangunguna ng Liga ng mga Barangay. Nawa’y ang diwa ng Kapaskuhan ay maghatid ng pagmamahalan, pagkakaisa, at pag-asa sa bawat pamilya at pamayanan.
Sa pagpasok ng Bagong Taon, nawa’y patuloy tayong gabayan ng mabuting layunin upang higit pang mapalakas ang ating ugnayan, mapagyaman ang serbisyo sa mamamayan, at maisulong ang kaunlaran at kapayapaan sa ating bayan. Sama-sama nating salubungin ang bagong yugto na may pananampalataya, malasakit, at pagkakaisa para sa mas maunlad at masaganang Alaminos.”
07/12/2025
Liga ng mga Barangay Year End Party 2025.
Ang buong Liga ng mga Barangay Alaminos Chapter ay lubos na nagpapasalamat sa mga taong nagpaabot ng tulong upang maging masaya at puno ng biyaya ang naging year end party ng liga.
Pasasalamat sa mga sumusunod; Cong. Amben Amante, Gov. Sol Aragones, Vice Gov. JM Carait, Bokal Lorenzo Zuniga Jr. , Bokal Angeica Jones-Alarva, Mayor Eric Bolado Lopez , Vice Mayor Vic Landicho Mitra, EJ Funeral Homes, Konsi Alvin P. Isleta , Konsi Boyet Briz, Konsi Jinky Masa Pampolina, Bettina Farms at Angelyn Derequito-Fermo.
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon.
God Bless you all.
29/11/2025
Maligayang Kapistahan sa komunidad ng Barangay San Andres sa pamumuno ni Punong Barangay Oscar Masa at sa iba pang mga opisyales ng barangay.
Pagpalain at gabayan nawa kayo palagi ng inyong Mahal na Patron San Andres.
16/10/2025
Maligayang Kaarawan, Kap. Nestor Aquino!
Mainit na pagbati ng isang maligaya at makabuluhang kaarawan mula sa Liga ng mga Barangay. Nawa’y patuloy kang pagpalain ng Diyos ng mabuting kalusugan, kalakasan, at karunungan sa iyong tapat na paglilingkod sa ating mga kababayan.
Mabuhay ka, Kap! 🎉
11/10/2025
Maligayang Kaarawan, Kap. Resty Villegas!
Mainit na pagbati ng isang maligaya at makabuluhang kaarawan mula sa Liga ng mga Barangay. Nawa’y patuloy kang pagpalain ng Diyos ng mabuting kalusugan, kalakasan, at karunungan sa iyong tapat na paglilingkod sa ating mga kababayan.
Mabuhay ka, Kap! 🎉
21/09/2025
Maligayang Kaarawan, Kapitan Romeo Anuran!
Mula sa buong Liga ng mga Barangay, kami po ay bumabati sa inyo ng isang masaya at makabuluhang kaarawan.
Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng kalusugan, kasiyahan, at higit pang tagumpay sa inyong pamumuno at paglilingkod sa ating barangay.
Mabuhay po kayo, Kapitan!"
19/09/2025
Maligayang Kaarawan!
Buong puso pong ipinapaabot ng Liga ng mga Barangay ang aming taos-pusong pagbati ng isang maligaya at makabuluhang kaarawan kay ABC Billy Bautista.
Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng malusog na pangangatawan, mahabang buhay, at higit pang tagumpay sa inyong paglilingkod sa bayan. Maraming salamat po sa inyong walang sawang dedikasyon at malasakit sa ating mga barangay.
Muli, isang mainit na pagbati ng Maligayang Kaarawan mula sa amin! 🎉🎂🎈
07/09/2025
Pagbati ng maligayang kaawaran sa ating dalawang kasamahang Kapitan, Kgg. Kap Ian Oba ng Poblacion 2 at Kgg. Frederick Belen ng San Miguel.
Nawa'y ligtas at pagkalooban kayo ng malakas na pangangatawan ng ating Panginoon.
03/09/2025
Maligayang Kapistahan San Gregorio Magno ng Barangay San Gregorio Alaminos, Laguna.
01/09/2025
Pagbati mula sa Liga ng mga Barangay Alaminos Chapter.
Isang maalab na pagbati ng Maligayang Kaarawan kay Kgg. Cong. Amben Amante!
Nawa’y maging masaya at makahulugan ang inyong espesyal na araw. Hinihiling namin ang patuloy ninyong mabuting kalusugan, mahabang buhay, at higit pang tagumpay sa inyong paglilingkod sa Ikatlong Distrito ng Laguna. Maraming salamat sa inyong walang sawang malasakit at dedikasyon para sa ating mga kababayan.
Muli, Maligayang Kaarawan po at nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Panginoon sa lahat ng inyong gawain!